Dear L (Pangwalong Bahagi)

Untitled

(Pagpapatuloy)

And I remember the first time na tawag ko sa iyo pagkawala ng panahon na nawalan tayo ng komunikasyon sa bawat isa.. That’s July 22. Nandito pa kasi sa inbox ko ang ilan sa mga text messages mo that time. 🙂

NaMISS ko ang tawang yun! tawang walang pakialam.. Haha. na kahit di tawang-Pinay ay totoo naman, hindi peke, hindi pinilit, hindi pabebe, hindi pakunwari kundi TOTOO..

August 15-19, yan yung date ng COMGuild.. tanong ka nang tanong sa akin. Oo, alam ko namang nananabik kang makita sila.. 🙂 At ganun din naman sila sa iyo.. sila na close na close sa iyo. Masaya ako kasi after 2 years ng mahaba-habang hindi pagkikita, kahit na marami namang pagkakataon na mangyari yun ay sa time pa na sama-sama kami.. ‘tayo’ magkikita-kitang muli. 🙂 Masaya, habang palapit ng palapit ang petsa ng pag-alis namin. Sila excited, ako hindi. 😀 Joke. 😀

Fast forward..

haha. Excited na akong ikuwento ‘to.. Yeah, I know lilipas din to pero as a masterpiece.. hindi. FOREVER na to online. Haha

Ito na! August 15.. Aalis pa lang kami, namimiss na kita agad. Haha. 😀 Excited ako sa mga mangyayari hindi sa mga matututunan ako. Educational tour is awesome. Magkakasama kami ng boys sa iisang room.. room sa isang hotel sa Manila. 🙂 Hay. sa wakas! nakatakas rin kami sa milyun-milyong requirements sa PSU. Haha. Enjoy-enjoy din! Ho! Haha

Habang nasa biyahe, kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isip ko..

Ano kayang mangyayari?

Matutuloy ka kaya?

Di ka ba basy ng mga araw na yun?

May pasok?

Teka.. Gabi yun ah? Baka mapano ka..

What if di ka na lang kaya tumuloy?

Babae ka eh at sa panahon ngayon marami na ang naglipanang may masasamang loob. 🙁

Lovelyn, Lovelyn, Lovelyn, baka mapaano ka? 🙁 Nag-aalala lang. Haha. 😀

Di bale, basta! walang mangyayaring masama. 🙂

Wala akong pakialam! Miss na rin kita eh. 🙂

(itutuloy..)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.