Dear L (Pangatlong Bahagi)

Untitled

(pagpapatuloy..)

‘Di ko alam kung mahilig ka rin ba sa history. Naalala ko lang kasi ang report n’yo sa Filipino1, about sa Kasaysayan ng Wikang Filipino.

Ang isa sa mga subject na hate na hate ko, memorized mo ‘yung mga petsa.. wow! talino nito sabi ko sa sarili.. pinagtatanong ko ang mga classmates nating mga lalaki kung ano’ng pangalan mo.. Pasensya na huh.. pasensya na talaga, ‘di ko kasi matandaan ang pangalan mo.

At tingin ko ‘yun na ang panahon para malaman ang pangalan mo, Miss Maganda, at para malapitan naman kita at tuloy matanong, matabihan kahit sandali sa iyong inuupuan at hahangaring malaman ang mga nakatagong sagot sa iyong magagandang labi sa kadahilanang wala akong matandaan sa report n’yo. Haha.

Like ko talaga ‘to! Mga pasimpleng galawan lang ang peg. Haha.. Sadlife. Nasaktan ako, alam mo ba yun?.. Akala ko uupo ka. Hahaha. Masyado akong nasaktan at umasa sa wala! Haha. Nasayang lang ang mga imagination ko. Nag-assume ako sa wala “L”. Sadlife.

Alam mo ba.. naaalala ko yung mga time na nag-aaya ng inuman itong si Justin. Parang mas game ka pa yata kesa sa ‘kin eh. You know, ako ‘yung tipo ng lalaki na ‘di mahilig sa inuman at labas-labas kung saan-saan, ngunit dahil sa salitang ‘pakikisama’, nakibagay ako sa mundo n’yo.. tutal bihira lang naman.

First time kong magkaroon ng kainumang babae.. pinilit ko kayong intindihin kahit na ayoko talaga sa mga babaeng umiinom ng alak na natural na lang at nangyayari talaga sa mga kabataan.

Habang nasa harap tayo ng mesa ay biglang akong nagpaalam.

“Mahali na muna ako, pighahalat kaya ako kang barkada ko sa luwas ta may lakaw kami”, nagalit ka! Maybe dahil sa mamimiss mo na naman ako, ‘di ba? Hahaha. Ganun lang naman kasi yun.. Galit ka kasi mamimiss mo talaga ako. Hahaha. Inubos ko ang isang bote ng beer at umalis. Haha. Ginawa ko talaga ‘yun para maniwala kayong may lakad ako at makaiwas tuloy sa inuman. Hahaha.

(itutuloy..)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.