Dear L (Pang-Apat na Bahagi)

Untitled

(pagpapatuloy)

Naaalala mo pa ba nang maging groupmates tayo sa isang project? Sa Earth Science? ‘Di ko alam kung sinasadya nga ba ng panahon o ng pagkakataon…

Nakareceive ako ng group message na ang sabi’y sa boarding house na tinutuluyan mo na lang daw tayo gagawa ng project. Eh sakto naman na sa araw kasi na dapat gumawa tayo ng project ay saka naman dapat magpasa ng requirements para sa scholarship ko. Alam ko! Patay na naman ako! Tawag ka nang tawag.. eh nagpaalam naman ako sa inyo, ‘di ba? o baka ayaw mo lang talaga akong mawala ako sa paningin mo? Hahaha. (Mahirap talaga minsan maging assuming. Haha. Minsan ‘di ko talaga mapigilan. Haha.) Sa ilang beses na magkagrupo tayo sa iisang project, ikaw lang talaga ang iniisip ko.. *ang sweet dba <3 with heart pa yan ah* Hahaha.

Iniisip ko kasi ang bawat maaanghang na salitang lalabas na naman dIyan sa bibig mo. Hahaha

Maganda ka at wala akong bagay na maipipintas sa ‘yo, ‘di naman kasi tayo perpekto. At nasa tao na lang ‘yan kung tatanggapin ka ba nila o hindi. May nag-iisang bagay lang talaga na ayaw na ayaw na ayaw na ayaw as in ayaw ko talaga sayo. Wag ka nang magmumura please.. please LOVELYN 🙂 nababawasan kasi ang ganda mo. 🙁

Alam mo ba na ikaw itong crush KO sa classroom natin (before)? Hahaha. Sa totoo lang, sinabi ko sa sarili ko na bawal pansinin ang mga babaeng classmates, nakatatak na yan sa isip ko.. awkward kasi. Hahaha

Ang araw na una kong makita ang Mama mo na kausap mo at yung araw ng ipakilala mo ang kapatid mo sa akin ay ang simula ng mga araw na unti-unti na kitang naiintindihan.  Magkaiba man tayo minsan sa mga prinsipyo sa buhay.. paunti-unti kitang inaaccept sa buhay ko.  Hahaha. Grabi. Drama ko! 😀

(itutuloy..)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.