Dear L (Pang-Anim na Bahagi)

Untitled

(pagpapatuloy)

Akala ko joke lang na lilipat ka ng PUP.

Naaalala mo pa ba ‘yung joke ni Ate El? 😀

“Pag naghali si Lovelyn, mamimiss mo man?”

“Pighahapot pa daw yan? Iyo syempre!” mabilis na sagot ko. Hahaha. 😀 ‘Yung ngiti mo lang naman ang ‘di ko malimut-limutan (tama ang spelling? haha. :D) that time. 🙂

By the way, hindi diyan nagtatapos ang lahat. 🙂 Text text pa rin. Kumustahan.. gaya lang ng dati.. wala namang nagbago eh.

Remember December 31? yes, December 31 nang gusto kitang tawagan, pero sira ang phone mo.. Napakaimportante kasi sa akin ‘yung mga taong tinatawagan ko before and one day after New Year.. and you’re the one of them, I don’t know why isa ka sa mga gusto kong tawagan.

That time, may nililigawan ako. Nililigawan nga ba? Hahaha 😀  Tingin ko hindi eh.. Haha. Sinabi ko lang ang nararamdaman ko sa kanya.. The term “gusto kita” in front of her but take note ha.. iba ang “gusto”  sa “mahal”..

Walang panliligaw na nangyari only that sa mata ng ibang tao ay panliligaw na ‘yun. Sabi ng lola ko: “Dai ka na muna kaiyan, tabangan mo muna sina Mama mo”. Yung feeling na nakikinig ka pa rin sa mga pangaral ng lola mo. Hahaha. 😀 I just love my lola. 🙂 Mahal ko siya, mahal na mahal. 🙂

Ayoko munang makipag-commit.. Magtatapos muna ako ng pag-aaral, magtatrabaho at magpapayaman! Haha. :D. 🙂 Pangit kasi na may GF ka then wala kang pera or kung hindi naman ay ang perang ginagastos mo para GF mo ay galing pa sa bulsa ng parents mo, ‘di ba? Pangit ‘yun! Asan ang pagiging lalaki? Asan ang pagiging responsable? Hahaha. I am proud to say that hindi ako tulad nila. 😀

Nagsi-share ka about lovelife mo, ganun din naman ako sa ‘yo but naisip ko na past na rin pala yun. Hahaha. At wala na tayong  magagawa sa mga bagay na naiwan na sa nakalipas na mga panahon. 🙂

(itutuloy..)

About Jiro Magiting

I'm one of a kind of a person who is simple and weird.