Dear L (Pampitong Bahagi)

Untitled

(Pagpapatuloy)

Dumating yung time na nawalan ako ng komunikasyon sa iyo.. ilang buwang din yun..

July 9, 2015 nang magpalit ako ng relationship status sa Facebook. Haha 😀 Isang kaibigan ang tumulong sa akin para sa trip kong ‘yun. Haha. May kakutsabang babae siyempre and nashock talaga ako sa dami ng comment! Haha. Curious na curious kayo habang nagtatanong habang ako’y mapuputulan na ng litid sa leeg sa kakatawa. Haha.

Muling nanumbalik ang communication natin sa bawat isa. Narealize ko sa sarili na kilala pa rin naman pala ako ng mga taong ‘to. Haha. 😀

Nabigla ka ano? Hahaha. Akala mo ha! Ang tahimik na si JiRo *hindi niya tunay na pangalan*, sa wakas ay nagkaGF na rin. 😀 Anyway, masaya ako at nagkaroon ulit ako ng komunikasyon sa iyo. Masaya lang na umiba ang ihip ng hangin. Hahaha. 😀 Mas naging malalim, mas may dating *corny*, mas gumanda ang daloy ng pagkakaibigan natin. Good thing ‘yun, ‘di ba?..

Alam mo, nasurprise talaga ako nang magtanong ka about COMGuild. 🙂 Ikaw na mismo kasi itong nagbukas ng *you know* muling pagkikita natin ulit together with my classmates. 🙂

Isa itong kuwento ng friendship na ‘di pinutol ng tadhana. 😀 ‘Yung feeling na alam natin na ang buhay ay welcome and let go lang ng mga tao..Marami rin naman akong mga kaibigan na lumipas na ang time nila sa buhay ko ngunit nariyan ka pa rin, ‘di pa nag-eexpire ang ang oras mo na i-stay mo dito sa buhay ko. Hihi. Pinagpe-pray ko na FOREVER na sana ‘to. Nice ka kasing maging kaibigan though magkaaway talaga tayo dati, magpahanggang ngayon? Haha 😀 Totoo ka kasi!

Magkasundo ba tayo dati?

Close ba tayo?

Nagse-share ka ba ng problema mo noong first year BACom pa lang tayo pareho?

Madalas ba tayong magkasama? Hahaha 😀

Nakakatawang isipin na hindi naman talaga. Himala nga, eh ‘di ba?

Tapos bigla-bigla na lang… 🙂

(itutuloy..)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.