Dear L (Huling Bahagi)

Untitled

(Pagpapatuloy)

Ayan, pasok na tayo sa girl’s room. 🙂

It’s quite clear naman siguro sayo kung anong nangyari sa loob. Hindi ko na babanggitin pa kung anong mga nangyari. Ang atin ay atin. 😀 *privacy*

Iba ‘yung pakiramdam na nakita mo ulit ang isang special na kaibigan. 🙂 Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko.. yung something na parang higitan ang mga normal na bagay na iniiisip nila. I came to a conclusion na kailangan ko nang totohanin ang mga plano ko. 🙂 Simple lang naman to eh.. Ang gawin ang mga bagay na dati’y nasa imahinasyon ko lamang..

While you are walking away.. naiisip ko na pangit irush ang mga bagay-bagay.. Kasi tingnan mo ha, ang dali lang pala ng isang taon mahigit.. at kung inienjoy mo naman ang panahon ay wala kang dapat ipag-alala.. Lahat ng bagay na gusto natin ay ibinibigay sa tamang panahon, dahil lahat ng bagay at mga nangyayari ay may dahilan. Maybe, hindi natin alam sa ngayon kung ano ang sagot sa mga tanong na gumugulo sa ating isipan ngunit darating ang tamang oras para jan. Hindi sa pamamagitan ng mga may-akda ng libro kundi sa pamamagitan ng ating sarili.

Wala ka na sa aking paningin, ngunit di pa rin mawawala sa isip ko ang bagay na narealize ko. 🙂 At mananatili yun sa isip ko.

Oo, may mga babae na rin akong ginawan ng tula and other kinds of masterpieces but nirequest nila yun..

Letter ito, sulat.. iba sa tula.. iba sa malaya.. 🙂

At dahil totoo ka sa akin, totoo rin ako sayo, ginawa ko ang sulat na ‘to, hindi dahil sa nirequest kundi dahil sa ito yung gusto ng puso ko.. hindi ito puro pagpupuri kung mapapansin mo..

From hate hanggang sa paunti-unti kitang maintindihan..

Though napakahaba na ng sulat na to para basahin ng isang prinsesang tulad mo.. Sorry ah.

Nadisturbo ba kita sayong pagpapahinga? 🙁

Nagutom ka ba habang nagbabasa?

Nalungkot?

Nagalit?

Sorry talaga..

Gusto ko lang namang sabihin ang laman ng puso ko..

Sana maintindihan mo ako.. Alam kong marami kang ginagawa.. Kaya naman nagagalak ako nang sobra tuwing ibabalita mo sa akin na hinihintay mo ang bawat pagpost ng sulat na ito sa DF.

Nagpapasalamat ako. THANK YOU! TAKE CARE. GOD BLESS. 🙂

Hanggang sa muli. 🙂

Nagmamahal,

Ji*o

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.