Dahilan sa Paggising Araw-araw.

Purpose in Life (Photo credit: Ifgt.org)
Purpose in Life (Photo credit: Ifgt.org)
Purpose in Life   (Photo credit:     Ifgt.org)
Purpose in Life (Photo credit: Ifgt.org)

Matagal na mula noong huli akong nagsulat. 2010 pa ata. 2012 na. Nakakahiya. Nahihiya ako sa sarili ko dahil tumigil akong lumikha ng mga katha.

Minsan nakakagawa ako ng mga composition dahil kailangan. Requirement na dapat ipasa. Pero nandoon na yung takot na baka hindi magustuhan ng mga makababasa. May kanya-kanyang pinaniniwalaan ang mga tao. Naalala kong hindi ako pinanganak para makinig at magbasa lamang. Ipapahayag ko nang muli mga saloobin ko.

Ang tagal ko nang iniisip kung ano ba talagang purpose ko sa mundo. Araw-araw kong hinahanap. Nahihirapan ako. Lagi akong bigo. Sawi. Luhaan. Literal na luhaan. Yung tipong sinasabi ko nang teary-eyed sa isang random friend na kasama ko sa isang random moment na “Hindi ko pa rin alam purpose ko”.

Tapos sasabihin lang niya, “Masyado ka lang nag-iisip. Itigil mo na yan. Maging masaya ka”. Paano ko magiging masaya eh hindi ko nga alam purpose ko. Nakaiiyak lalo yung feeling na hindi ako maintindihan. Na akala nila eh nagdadrama lang ako. Tapos uuwi ako, kakalimutan ko na lang yung kawalan ko ng purpose.

Gigising ako kinabukasan, ganoon pa rin yung pakiramdam. Mabigat.

Ngayon, naalala ko yung nararamdaman kong fulfillment tuwing nakabubuo ako ng katha noon. Nagising yung natutulog na manunulat sa loob ko. Naisip kong hindi pala dapat tumitigil sa pagsusulat dahil lamang tinatamad ka na. O busy ka na. O wala ka nang inspirasyon. Eto na siguro yung isa sa mga purpose ko.

author:  Janel mamorno

p.e./mj

1 Comment

  1. I know its weird, minsan talaga may mga taong hindi tayo maintindihan and I have to admit minsan ganyan din ung feeling ko.. parang araw araw ganoon na lang yung nangyayari kaya dmo maiwasang magtanong, ano ba talagang purpose natin… na kalimitan ay nagpapalungkot sa atin.. pero sa araw araw, siguro dapat tingnan natin yung mga gngwa ntn, baka hindi lang natin alam, ginagawa na pala natin yung dahilan kung bakit tayo nabubuhay..

Leave a Reply

Your email address will not be published.