Crying Boy

11/4/2013 9:13:16 PM
(Photo Credit:  abs-cbnnews)

Ang drama talaga ng mga Pinoy no? Kaya ‘di kataka-taka na trending ang eksenang ito.

Ano ang ibig kong sabihin? Panoorin mo ito.

(see the video on the original post)

Tama, ang eksena ng pag-iyak ng batang si Honesto. Batang umiyak dahil napagalitan ng nanay. Tumakas, este, may hinabol daw kasi. Bad boy ba? ‘Di naman siguro. Baka naman nagalingan lang si direk sa kanyang pag-iyak (pero hoy, ang hirap kaya yan sa parte nila).

Ito kasi ang kwento, para sa mga hindi pa rin ma-gets matapos panoorin ang video (o tamad lang kayo mag-isip?): Hinabol lang naman ni Honesto ang ale na ‘di nakuha ang sukli mula sa kanyang binili kay Honesto. Nung nakita niya ito sa labas ng palengke, nag-usap sila at in return, binigyan niya ng pera ang mabait na musmos. Nakwento pa nga ni Honesto sa hinabol na customer ang ukol sa kalagayan ng kanyang lolo. Mabait na bata pala, no? Ngunit napagalitan pa rin siya dahil sa… well, umalis siya sa poder ng ina n’ya eh.

Ang eksenang ito ay umani ng papuri mula sa mga manunood. Nag-trend pa nga ito sa Twitter. Meron pa nga na nakisimpatiya o naki-iyak sa eksenang ito habang pinapanood ang Honesto eh. Astig. Ewan ko lang kung dinaig niya yung isang palabas na ka-primetime block din n’ya (sana naman, with my fingers crossed) kung ang usapan ay ang paramihan ng tweet ukol rito.

Maliban sa nag-trend pa ang Honesto ay mataas pa nga ang rating na ito. Siguro, sa mga palabas na ito mas magandang sukatin ang popularidad sa pamamagitan ng “ratings.” Dapat maantig rin dito ang mga account executive at brand managers kung bentahan ang usapan. Bumenta siya sa madlang pipol eh. At ‘di ba, kung anong gusto ng madla, yun din dapata ang patulan ng mga advertisers? Tutal ganyan naman talaga ang kalakaran ng media sa ating bansa eh.

At… cute ba nung bata? Kayo na tumingin sa itsura, bagamat ang alam ko, mas cute daw ito kesa sa… teka, sino ba ‘yun?

Seryoso, mas okay pang mag-trend at mag-rate ang mga palabas na may katuturan at aral mula sa isang inosenteng bata kesa sa mga serye ng jeskeng kalandian mula sa mga medyo matatnda mula sa kanila, bagay na nakakaurat talaga pag naoobserbahan ko ang programming block ng mga primetime teleserye sa panahon ngayon. Ang magagalit, halatang immature na mainstream fan.

Ano ang implikasyon ni crying boy sa mga manunood? Ang aral nito:

Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Enhanced by Zemanta