Crush ko si Classmate

Image by: Classmate - Hambog

Unang araw ng school.

Bagong gamit, bag, uniporme, sapatos.

At bagong silid-aralan, kaklase at guro.

Sa eskwelahan lahat ay masusubukan mo.

Ang magkaroon kaibigan at ka-ibigan.

‘Yung magsisimula sa asaran at mga tinginan.

Manghihingi kunwari ng papel o pulbo at kung anu-anu pa

na puwedeng mapansin at magpapansin sa crush.

Minsan kailangan mong maging magaling sa klase para mapansin ka.

At kakantiyawan ka ng mga tropa mo na hoy crush mo oh! Uyyy!

o kaya tatawagin nila hoy si anu ohh!

Parang maninigas ka o kaya’y tinapunan ka ng isang baldeng tubig

At magba-blush mukha mo sa hiya.

Pag nalaman na ng crush mo na crush mo siya,

‘di mo alam ang gagawin mo. Magpapakita ka pa ba o magkukunwari na wala lang?

Uupo kunwari at makikinig sa guro pero ang totoo sumusulyap lang kay crush.

Tapos ay susungitan hanggang sa mainis ka.

Tuwing Flag ceremony pag find your height na, ‘di pwedeng hindi kapantay si crush.

Magpapa-late sa klase para mapagalitan ng guro at mabaling sa ‘yo ang tingin niya.

O kaya kakanta ka kahit na wala sa tono, magpaparinig ka hanggang sa batuhin ka at

sasabihang ang pangit ng boses mo sa c.r ka na lang kumanta! 

Pero dahil doon parang nabubulabog na ‘yung puso mo sa tuwa.

 

Nakakatawa lang isipin na dahil sa crush mo kaya ka masipag pumasok.

‘Yung kahit bagyo walang makapipigil sa kagustuhan makapasok ka lang

at masilayan mo lang ang kanyang mukha.

May oras pa na nagtuturo ang guro mo at pinapasulat kayo

pero pangalan ng crush mo ang isinulat sa likod ng iyong kuwaderno.

 

Lahat ng ‘yan mapagdadaanan mo sa loob ng eskwelahan

kung saan sisipagin kang mag-aral at mararanasan mo kung paano humanga o hangaan.

Kasi mararamdaman mo ang saya, kilig na dumadaloy papuntang puso mo

at parang may paru-parong lumilipad sa sikmura, ganyan talaga ang paghanga.

Di mo alam kung saan ka tatangayin, sa saya ba o lungkot?

 

Maging masaya lang at bigyan pansin ang pag-aaral.

Bahagi ng kabataan ang pagkakaroon ng crush,

pero hindi dapat maging panira sa kinabukasan

Dahil ‘di lahat ay nagkakaroon ng pagkakataon na makapag-aral.

 

Ngayon eto na ako, nakatapos na sa kolehiyo at nagtatrabaho.

Ngunit may mga panahon na napapangiti sa mga alaala ng kamusmusan.

Buhay Eskwelahan — kay sarap balikan.

Ikaw, naranasan mo na ba ito? 🙂

 

#DFBI    #DefinitelyFilipino   #DFBloggersIntl

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.