Confession Of The Unfaithful Husband (The Untold Story)

Ilang taon na ba ako? Ay, matanda na pala kahit saang anggulo tingnan 75 years old na pala ako!   Parang kailan lang, kay bilis ng panahon, ang dami nang nawala, nagbago; mga alaala na kailan man ay ‘di na makalilimutan.

Tiningnan ko ang aking sarili sa harap ng salamin.  Wala na pala ang dating alindog ko na kinababaliwan ng mga kababaihan! Sa puti kong buhok, sa kulubot kong balat; nag-iba na pala hitsura ko. ‘Di ko man lang nakasama ang aking asawa sa pagtanda ko! Pumanaw na si Misis. Nauna siyang kinuha sa akin, at ito ako ngayon; nag- iisa sa  tahanan na dati ay kay saya. Ngayon ay puno na ng kalungkutan dahil sa ginawa kong kataksilan.

Dama ko ang iyong kalungkutan dahil alam ko na matagal mo nang alam ang aking kamalian! Nang maamoy mo ang kanyang pabango! Nang makita mo ang kanyang T-Back na sadya niyang inilagay sa bulsa ng aking pantalon! Nang makita mo ang kiss mark sa aking leeg! At nang makita mo ‘ko na pumasok  sa loob ng Hotel!

‘Di ko makalilimutan ‘yun dahil nakita kita sa loob ng iyong sasakyan. Kung alam mo lang sana na ‘yun ang araw ng pagtatapos ko sa aming bawal na relasyon.

Nakita kita sa loob ng simbahan dahil ikaw ay aking sinundan nang ako’y makita mo. Nandoon ako sa hulihan, taimtim na humingi ng kapatawaran sa aking mga kamalian sa ating tahanan! Nang ikaw ay napalingon, nakita mo ako na nakaluhod sa harap ng altar. Tumayo ka sa labas ng simbahan para hintayin ang aking paglabas! Pero huli na ako dahil ikaw ay binaril ng nang-agaw ng iyong bag; isang mandurukot na wala ring puso na katulad ko.

Ilang taon na ang lumipas nang ikaw ay nawala? 20 years na pala! Ngayon ang araw ng ating  kasal at nandito ako sa harap ng puntod mo, ng libingan mo.

“PATAWAD, MAHAL KO, HINTAYIN MO KO DIYAN SA BAGO MONG MUNDO! PARA PUNAN LAHAT NG PAGKUKULANG KO!”

Dahil sa aking kahinaan, nadala ako ng tukso! Pero ang lahat ng iyan ay akin nang pinagsisihan at handa kong pagbayaran ang hatol ng Amang lumikha. Maikli na lang ang aking kandila; sa pagkaupos at pagkamatay ng apoy nito ay ang huling yugto din ng aking buhay at ikaw ay muli ko nang masisilayan.

Sa bawat kamalian ko ay may natutunan akong leksyon. Tama nga; nasa huli ang pagsisi na kung saan puwede na sanang ituwid ang lahat ng mga pagkakamali pero saka naman nawala ang taong pag-uukulan mo sana ng pagbabago!

Saka lang pala malalaman kung gaano kahalaga ang isang bagay; kapag wala na ito sa iyong mga kamay.

 

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)