Complicated Love

Complicated ng ba talaga ang love? Bakit nga ba sinasabing complicated ang love? Maaring naging kumplikado ang sitwasyon niyo dahil maaring committed siya sa iba, pero sabi niya ikaw mahal niya. Maari ring nagmamahal ka ng taong di ka naman kayang mahalin. Pero maaari din naman na tunay kayong nagmamahalan pero hindi lang ganoon kadali ang lahat para sa inyong dalawa.

Complicated ang love kapag sobrang mahal mo ang isang tao at mahal ka niya, pero di siya gusto ng pamilya mo o mga kaibigan mo, or vice versa.

Complicated ang love kapag mahal niyo ang isa’t isa pero hindi kayo nagkakasundo sa maraming bagay.

Complicated din ang love, kapag mahal niyo ang isa’t isa pero hindi niyo alam kung paano iparamdam ng tama.

At nagiging complicated din ang love kapag hindi niyo pareho alam kung bakit mahal niyo ang isa’t-isa. Maaaring natutuwa lang kayo sa isa’t isa, o alam mo masaya ka tuwing kasama mo siya.

Maybe, love is complicated because we can’t define it with definite meaning. Yung tipong, love mo siya, pero ayaw mo ng mga habit niya. Love mo siya, pero sumasakit na ulo mo sakanya. Love mo siya, kahit na nasasaktan ka. Basta para sayo, mahal mo siya, mahal ka niya at masaya kayo kahit na parang roller coaster ang takbo ng relasyon nyo.

How funny love can make us happy, sad, cry, laugh all at the same time. In the end, though we know how love makes us crazy, we still choose to love.  Because we know that the feeling of being complicatedly in love is a lot better than be single, problem-free but alone.

Hindi naman talaga kailangan ng meaning ang love. Kasi madalas, di naman isip ang ginagamit natin kapag nai-in love tayo. Madalas, nagtitiwala na lang tayo sa puso natin kahit hindi natin alam ang kahihinatnan ng lahat. Basta ang alam lang natin, mahal natin yung tao, masaya tayong kasama siya at ayaw natin masayang ang panahon na makasama sila.

About chichi