Citizen Journalism: The Next Big Thing?

7/26/2013 5:07:38 PM
http://www.perypezyeurbane.org/

Naalala ko ang isang grupo ng mga estudyante noon na pinaunlakan ko ng panayam. Ukol kasi ito sa kanilang thesis na may kinalaman sa citizen journalism.

Aba, sa dinami-dami ba naman ng mga nilalang na pwedeng interviewhin, bakit ako pa? Pero sa kabila ng pagdududa na unang naisip ng aking utak, tinanggap ko ang alok dahil sa kahit papaano ay may bumibilib pala sa akin ukol sa pagba-blog ko ukol sa mga kaganapan sa ating lipunan. Pasalamat pa ako dahil pakiramdam ko tuloy ay may naiimpluwensyahan pa pala ako sa mga sinusulat ko. Pustahan, karamihan sa mga mahihilig magabasa ng mga artikulo sa internet ngayon, ay hindi naman talagang interesado sa mga nagaganap sa kanyang paligid.

Dati ay may naisulat na ako ukol sa citizen journalism. Pero hayaan n’yo ang inyong lingkod na muling magbigay ng pahayag ukol dun sa lengwaheng naiintindihan ng nakararami sa atin. Come on, pang-Pinoy lang ‘to kaya ilalahad ko naman ang aking alam sa wikang Filipino.

Pero patok nga ba sa atin ngayon ang “citizen journalism?”

Sa tingin ko, medyo oo na medyo hindi. Malabong sagot, ‘di ba? Huwag kang mag-alala, ipapaliwanang ko yan kung bakit hati ang wika ko ukol d’yan.

Medyo oo, dahil may bahagi pa rin naman ng ating populasyon na nakikialam sa kanyang kapaligiran. At medyo hindi dahil, obviously, wapakels sila. Bakit ganun? Dahil sa citizen journalism kasi, natuto ang isang tao na maging aware sa mga pangyayari na maaring maging laman ng balita na kailangan rin naman ng sinumang maunood nito. Kaya nga nagsilabasan at umusbong ang mga platapormang may kinalaman sa citizen journalism tulad na lamang ng You Scoop ng GMA 7 saka ang Bayan Mo iPatrol Mo ng ABS-CBN.

Una silang napansin noong kasagsagan ng eleksyon, noong panahon na hinihikayat ng mga media organizations na ‘to ang mga mamamayan na maging mapagmatayag sa mga nangyayari sa kanilang bayan, lalo na’t sa pagpapatrol sa mga mala-anomalyang galaw ng mga pulitiko nun.

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.