Chicks ang Isang Broadcaster Kapag…

11:50 PM | 03/07/2013

English: Photo of Korina Sanchez

Ito ang napala ko sa katitingin sa ilang mga memorabilia sa dekada ’80. Akalain mo, ang mga seryosong personalidad sa paghahatid ng balita, mga mala-beauty queen din pala nun? Tulad ng napanood ko na isang episode ng Goin’ Bananas (na umere sa Studio 23 noong Huwebes ng tanghali bilang parte ng Tawa Way Zone ng Jeepney TV timeslot) na kung saan ay tampok na guest nun ang mga babaeng anchor ng TV Patrol na si Angelique Lazo at Korina Sanchez.

Kung ihahambing mo ito sa kaasalukuyan, hindi mo mahahalata sa mga ‘to ang itsura nila tulad nooong isang commercial ng dating TV news personality na ngayo’y senador Loren Legrada. Aba.

Kung panahon kasi ngayon ang pagbabasehan, halos wala kang makikilalalang news anchor na nasa late 20s pa lang. Madalas mo na lang mapapansin ang mga tsikas sa news department kapag reporter ito sa samu’t saring mga beat.

Kaya ito lang ang aking napagtanto, ang mga senyales na chicks ang isang broadcaster sa TV.

Kapag…

Naging commercial model ito. Self-explanatory. Kung nalalabuan ka pa rin, prima fache. O sa mas madaling sabi, pleasing personality. Ang pagiging model kasi ang isa sa mga entry pass to stardom ng ilang mga celebrity. Dito sila nagsisimula, unless kung child actress ka.

Kung naging child actress ka. Magaling ka nang umarte, magaling ka pang magkuwento. Ayos.

Naging courtside reporter ito ng anumang miyembro ng mga eskwelahang kasali sa UAAP o NCAA (pero mas elitista kasi ang tyingin sa UAAP).  Siyempre, magkahalong school pride, sports, at communication skills na yan. Mas may dagdag na plus pogi, este, ganda points kung atleta siya nun.

Naging DJ ito sa radyo. Ke student DJ program man o isa talaga ito sa mga on-air personnel ng radyo, lalo na yung mga cliche type. Sabay ja-jump in sila sa Tagalog format ng balita e no? Ayos lang yan, para versatile sila sa lengwahe.

Naging campus heartrob. Parang yung nauna lang. Pag pang-chicks naman ang itsura mo, yun na.

Nag-guest na ito sa isang palabas o pelikula. Uso ito noon, lalo na kung may mga segment sa TV o eksena sa pelikula na kelangan may gumanap na isang reporter at may iniinterview na character. Mas credible sila kesa sa mga artistang gumaganap sa role nila, actually. Mas epektib ang akting.

O puwede ring sadyang elitista lang ang dating ng lifestyle mo nun. Siyempre, may konek. Authoritative ang istilo mo dapat pag humarap sa kamera e. Yung tipong kaya mong mapaniwala ang tao sa mga sinasabi mo kahit na wa-poise ka pa sa pagiging stand-upper mo sa isang live coverage. Like a boss, ika nga.

O, ngayon. Alam mo na?  Sensya, wala akong maisip na ending e. May naispatan na naman akong tsiks sa news.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions
Follow slickmaster via:
Twitter @slickmasterph The SLICKMASTER's Files on Tumblr; 
and like him up on his Slick Master Facebook page. 
Know him more via the article DFBI Blogger of the Week 9 (Slickmaster).
Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.