Charice Pempengco Revealed That She’s Lesbian (Charice, Saludo Ako Sa ’Yo)

Photo Credit: www.tennisforum.com
Photo Credit: www.tennisforum.com
Photo Credit: www.tennisforum.com

An International Singing Sensation, Charice Pempengco, tinuldukan ang naglalabasang issue about her gender preference.

“Opo, tomboy po ako. Hindi ko alam kung ano ‘yung problema doon, kasi para sa akin, walang problema,” isa sa mga katagang nasabi ng singer sa interview with King of Talk Show, Boy Abunda last Sunday, June 2, taong kasalukuyan.

Mas pinili ni Charice na isiwalat ang kanyang tunay na pagkatao dito sa ating bansa kahit may option ito na magpa-interview abroad.

“Sa mga hindi makaintindi, hindi makauunawa, hindi ako matatanggap, sorry po. Naiintindihan ko po kayo. Pero sa lahat ng makatatanggap, maraming-maraming salamat po,” dagdag pa ni Charice sa nasabing interview.

Para kay Charice, ang experience na ‘to ang nagpalaya sa kanyang tunay na katauhan, ang nagbigay ng sariwang hangin para makahinga nang maluwag at payapa.

“Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon, na makalalabas ako ng bahay nang wala akong itatago, wala akong masasagasaang tao, kasi wala akong itinatago.”

Humingi ng tawad si Charice sa kayang magulang at kapatid. Nasabi din nito na may gap sila ng kanyang ina, but they fixed it already.

“Sorry, mommy, Carl, pero ito po ako. Proud ako sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko kaya ko ginagawa ito.”

“Kailangan ko siyang intindihin kasi kung nasaktan n’ya ako, alam ko na mas nasaktan siya bilang ina. Ngayon hindi kami magkaaway. Nasa stage kami na nagta-try kami na intindihin ‘yung bawat isa.”

Marahil marami sa mga tagahanga ni Charice ay nanghihinayang dahil sa nabalitaan. May mga hindi makaiintindi dahil sa kakitiran ng kanilang kaalaman o hindi nila tanggap ang ganitong estado ng isang tao sa ating lipunan. LaLaki at babae lang naman daw kasi ang nilikha ng ating Poong may kapal.

Pero ang hindi natin maintindihan minsan ay kung bakit may nauuwi sa ganitong kalagayan. Bakit marami sa atin ngayon ay pinipili ang mundong hindi tanggap ng maraming mapanghusgang tao sa lipunan?

Tama si Charice sa kanyang binitiwang mga linya. Hindi problema ang pagiging isang tomboy, isama na din natin ang pagiging isang bakla, transgender oh kung anu-ano pang tawag sa ganitong kasarian. Dahil hindi naman nila ito ginusto. Sinunod lang nila kung anong sa tingin nila ang magpapaligaya sa kanila. Pinili lang nila kung saan mas makahihinga sila nang payapa.

Aminin natin na maraming artista ngayon ay may kaakibat na ganitong uri ng issue. Natatakot mawalan ng mga tagahanga. Natatakot na malaman ng publiko dahil baka maging butas ito para bumagsak ang kanilang karera.  Hindi lang isa, dalawa oh tatlo, dahil baka higit pa sila sa mga nalalaman mo.

Nagbibigay ng malaking intriga sa showbiz ang ganitong eksenang pampelikula ang drama, ngunit kapag nagsalita na ng pagtanggi ang taong laman ng issue, matatabunan na ulit ang intriga. Sanayan lang ang kailangan para maging matatag ka sa ganitong industriya.

Minsan sa isang simpleng taong nasa ganitong uri ng kalagayan, may mga bagay na hindi n’ya inaasahang magreresulta ng negatibong bagay. Bakit pa nga ba nila ilalabas kung anong nararamdaman nila kung ang magiging balik lang naman sa kanila ay ang mapanghusgang boses ng masa?

Hindi natin masisisi kung may ganitong estado sa ating ginagalawang mundo. Hindi naman lahat ay kayang ipaliwanag kung paano at bakit. Tao lang din naman silang naghahanap ng respeto. Iisa lang din ang dahilan kaya nakikipaglaban, nagmamahal din sila na tulad mo, kaya sana, maunawaan at tanggapin mo.

Saludo ako sa ’yo, Charice Pempengco; ipinakita mo sa buong mundo kung gaano ka-powerful ang boses mo, ganun din ang pagkatao mo. Salamat dahil magiging inspirasyon ka sa maraming nagtatagong Pilipino.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.