Celebrating Our 20 Years….

10625037_789204994436152_515286373690413192_n
(PhotoCredit Excel Glass, Inc Facebook Page)

20 years? Napakabilis talaga ng panahon.

Parang kailan lang, isa akong babae na nagpapakahirap para lamang kumita ng pera bilang isang ordinaryong manggagawa.

Masipag at isang tapat na manggagawa, nakaranas ng mga ups and downs sa trabaho, hindi dahil sa mga “boss” o amo, kundi dahil sa mga kasamahan sa trabaho. Salamat nang marami sa aking very supportive na mga employer; isang employer na laging nagpapaalala at nagbibigay-lakas ng loob para balewalain ang mga taong nakapaligid na pilit na humihila sa akin pababa.

“Tandaan mo, kapag nag resign ka dahil lamang sa isang tao na iyong kinaiinisan;; sa isang taong nagbibigay sa iyo ng sobrang sama ng loob dahil sa inggit o anupaman, kahit saan ka pa lumipat na kumpanya, mayroong mga katulad nila. Panibagong pakikisama sa lahat at sa bandang huli, mauulit lang ang kung ano ang iyong iniiwasan.”

“As long as wala kang inaapakang tao, tama ang iyong ginagawa at walang personalan sa iyong pagtatrabaho, wala kang dapat na ipag-alala o ikasama ng iyong kalooban. Gawin mo silang inspirasyon.”

“Paano ka magiging Manager ng isang kumpanya kung ikaw ay isang iyakin? Paano ka magiging isang leader kung masyadong malambot ang iyong puso at mahina ang iyong loob?” Paano ka magiging may ari ng isang kumpanya kung hindi mo kayang tiisin at pagdaanan ang lahat ng mga pagsubok sa iyong paligid, pagdating sa trabaho at sa mga taong kasama mo sa trabaho?”

Mga katagang naisaisip at naisapuso ko noon at hanggang ngayon.

It’s been 20 years. Ang isang dating single mother na ginagawang araw ang gabi, 24/7 na nagtatrabaho at pinapasok ang mga matitinong raket just to survive  living in metro? Ang isang ordinaryong empleyado na dumaan sa pagiging factory worker, saleslady, accounting clerk, personnel staff at naging isang supervisor at manager ng isang kumpanya…..ngayon ay isa nang may ari ng negosyong  kanyang pinagtatrabahuan ngayon. Dating kumpanya na kanyang pinagsilbihan nang tapat; isang kumpanyang humubog sa kanya upang maging isang mabuting tao at matatag sa lahat ng hamon sa buhay.

Ang lahat ng pagtitiis, pagsisikap, pagpapatawad, pang-unawa at katapatan ay nagbubunga at nagiging hinog pagdating ng tamang panahon.

20 years….and here I am….nagpapasalamat at lalong nagsisikap at nangangarap ng simple.

20 years? Opo, dalawang dekada na rin. Twenty years na ring nagsu-survive ang aming maliit na kumpanya. Maraming salamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong naging bahagi ng kumpanyang ito. Tulad sa mga taong naging bahagi ng aking buhay.