Cat lovers mas matalino raw kaysa dog lovers, ayon sa pag-aaral

Image via Freepik

Isa ka bang pet lover? Alam mo bang ayon sa pag-aaral, ang mga alagang hayop daw ay repleksiyon din ng ating pagkatao.

Image from Freepik

Nabanggit ng science news website na Live Science, na ang mga pusa raw ang isa sa mga pangunahing pinipiling alagang hayop dahil sa kakaiba nilang mga katangian.

Isa na rito ang kakayahan nilang makakita sa dilim na anim na beses na mas malinaw kumpara sa paningin ng tao.

Ang mga pusa rin ang isa sa may pinakamalaking mata sa mga mammals. Sensitibo ang kanilang mga tenga dahil mayroong 32 muscles na tumutulong upang mapaikot nila ito nang 180 degrees.

Mayroon din silang sensitibong pang-amoy na may lakas na halos isang libong beses kumpara sa tao.

Bukod sa kamangha-mangha nilang katangian at kakayahan, ang mga pusa ay nakatutulong din sa pagpapababa ng antas ng stress ng isang tao at sa pagharap sa kalungkutan at kabiguan.

Sa dami ng pakinabang ng pagkakaroon ng alagang pusa, ang iyong lubos na pagmamahal sa kanila ay naghahayag din umano ng mga bagay tungkol sa iyong pagkatao.

Ayon sa pag-aaral ng animal clinic na Mckeown, ang mga tao raw na mahilig sa pusa ay mas sensitibo at may malakas na paninindigan sa kanilang mga paniniwala.

Sa isang interview ng Unilad kay Steve Mckeown, binanggit niya na sila raw ay nagsagawa ng isang pag-aaral kasama ang 600 na mga pet lovers.

Lumabas sa pag-aaral na ang mga cat lovers ay nakakuha ng mataas na score sa intelligence test. Sila rin ay napag-alamang may mataas na paninindigan sa mga bagay na kanilang pinaniniwalaan, at hindi nila iniisip ang maaaring sabihin ng ibang tao.

Repleksiyon daw ito ng kalayaan kung saan ay taglay din ng mga pusa.

Image from Freepik

Ikaw man ay cat or dog lover, ang pinakamahalaga naman sa lahat ay ang koneksiyon mo sa iyong alagang hayop.

Ang respetuhin sila at ituring na kapantay ng mga tao ay sapat na upang ikaw ay masabing tunay na animal lover, at walang kahit anong pagsusulit o katalinuhan ang makatutumbas dito.