Cancer By Chance

Image by ecancerchemotherapy.com

Isa akong bibong bata, matalino, at palatawa, lumaki akong may positibong pananaw sa buhay, well-organized ako sa lahat ng mga bagay.

Lumaki ako at nakapagtapos ng kurso, nagkaroon ng magandang trabaho at hanggang matagpuan ko ang lalaking magpapatibok ng aking puso! After a year na naging kami, lumagay din kami sa tahimik, nagkaroon ng pamilya at isang magandang tahanan kaya naman wala na akong hahanapin pa.

Isang pangyayari ang ‘di ko inasahan na darating sa akin at sa pamilya ko. Nagsimula sa isang NECK PAIN na binalewala ko dahil akakla ko’y pagod lang ako sa maghapong pagtuturo. Pero naging madalang ang pananakit hanggang nagpacheck-up na ako sa hospital. Pero hindi nila ako pinauwi kaya tinawagan ko na lang ang aking Mister na magdala ng ilang personal na gamit ko.

Siyam na araw ako nasa hospital at kada dalawa o tatlong araw ang test, at na-discover nila na may CANCER ako! Isang pagsusuri ang ginawa nila para i-check kung anong klaseng Cancer nga ba ang sa akin kung delikado ba o malulunasan pa. Nanatali ako sa hospital na walang nakakaalam sa pamilya ko. NECK SCAN REVEALED CANCER!

Pumasok ang Doctor at Isinarado ang pinto, masaya pa ako sa pag-aayos ng aking mga kuko nANg oras na ‘yun pero natigilan na lang ako nang magsalita ito.

“LISTEN! MAY SERYOSO TAYONG PAG-UUSAPAN!”

Para sa akin, balewala lang kung ano ‘yun pero nang magsalita siya ulit dito na ako natigilan at kinabahan “ALAM MO LAHAT NAMAN AY MAY GAMOT SA MGA SAKIT NATIN! SCIENCE—DITO TAYO NABIGYAN ULIT NG BAGONG PAG-ASA!”.

Ang dati kong ngiti ay nawala at gusto kong umiyak kahit ‘di pa niya sinabi sa akin.

“YOU HAVE A CANCER…. IN YOUR LYMPH NODES!”

Halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko! Di ako nakakilos nang sinabi niya sa akin ang balita tungkol sa kalusugan ko! Bigla na lang nagsipatakan ang aking mga luha nang di ko namamalayan! Dumating ang aking Mister at niyakap niya ako nANg mahigpit! Di ko kayang tanggapin na nadapuan ako ng isang nakakamatay na sakit! Di ko sinabi sa pamilya ko dahil ayaw kong mag-alala sila at kaawaan nila ako! Dahil tagos hanggang buto ang sakit lalo na kung pagmasadan ko ang aking anak na maliit pa.

“PAANO NA LANG ANG ANAK KO PAG NAMATAY AKO?”

Sabi nga nila, walang sikreto na hindi nabubunyag! Niyakap ako ng aking ina at walang tigil ang iyak nito pati mga kapatid ko! Ito ang pinakaayaw ko sa lahat na makita ang mga mahal ko sa buhay na nasasaktan dahil sa sitwasyon ko! Mas lalo ang bigat ng aking dibdib sa tuwing pagmasdan ko ang kanilang kalungkutan.

Anim na buwan ako sa CHEMOTHERAPHY at dito ang pinakanakakatakot na stage na nadaanan ko dahil 80% sa buhok ko ang nangalagas! Takot akong gumising sa umaga at pagmasdan ang mga buhok ko sa unan na kay dami! Di na ako nagsuklay ng buhok dahil takot ako na hawakan and uni-unting naglalagas kong buhok! At isang buwan din sumailalim ako sa RADIOTHERAPY.

Halos maubos ang ari-arian ng pamilya ko, pero di nila alintana dahil nadugtungan ulit nila ang aking buhay na akala ko ay tuluyan na akong ibabaon sa lupa dahil sa sakit kong kanser! Nag- iwan ito ng pilat sa aking dibdib na kaylan man ay di ko malilimutan; ako’y napunta sa bingit ng kamatayan.

Moral support galing sa buong pamilya ang nagbibigay buhay sa akin para labanan ko ang nakamamatay na sakit sa buhay ko. At pananalig sa Diyos ang naging gabay namin at binigay niya sa amin ang miracle na nawala ang aking Cancer.

Habang may buhay may pag-asa at ang bawat pangyayari ay may rason kung paano natin pahahalagahan ang bawat minuto ng ating buhay! Dahil di natin alam na sa isang segundo pwede pala tayong mawala! KEEP BELIEVING IN GOD BECAUSE NOTHING IS IMPOSSIBLE!

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)