A Call to Ocean Tour/Travel Organizers, Beach Resort Owners and All Ocean Lovers in the Philippines

Image via Pinterest

Hello everyone. I’d like to suggest something lang po. I just came from a recent trip to the latest beach destination in Batangas.

Maganda doon. It doesn’t have a lot of diverse ocean creatures like in Laki Beach, Mariveles, Bataan pero meron pa ring mga starfishes doon, a school of tiny fishes na mukhang dilis and sea creatures like mga small shelled snails and even live soft coral from somewhere!

The thing is most people who join tours or go to the beach may be unaware of our impact sa binibisitang islands and beaches.

What usually happens to sea creatures and what do we beach goers usually do?

1. Maraming corals and seaweeds ang nada-damage pag may beach resort na nandoon sa area.

Most people won’t care if may bato-bato or seaweed sa ilalim ng dagat. Basta makalangoy tatapakan at tatapakan kung anuman ang nasa ilalim kahit ‘di tinitingnan mabuti.

Di ba magtsi-tsinelas ka lang?

I won’t drop names pero may napuntahan akong gano’n na resort sa isang company outing. Lalangoy ka e mabato/ma-coral/ma-seaweed? ‘Yung totoo, bakit nagtayo ng beach resort sa area na ‘yun? Para magkapera kaya walang pakialam sa coral reef?

Mga tao kadalasan walang malay o pakialam na sinisira nila ang corals kasi masarap lumangoy sa dagat eh, ‘di ba?

Somewhere in Maldives

Ang tao pag makakita ng soft coral maa-amaze, lalo pag nakatapak and mag-“squirt ng dugo” yung bagay na yun ay wow. What happens next is dahil nakaka-amaze, they will pass the piece of soft coral around and demonstrate on how it “squirts blo0d“. Omg.

I tried to save it by saying “No, don’t do that because it’s coral” and they were like, no comment. Juskolord.

I assume it was a kind of soft coral. Ano pa ba ang puwedeng mabuhay nang walang kamay or mga paa at ulo o mga mata pero “dumudugo” pag napitpit or naapakan? ‘Di ba coral lang?

I also told the kid na pinagbigyan ng soft coral na “mamamatay yan pag inalis sa tubig”, so inilagay nya sa plastic cup and nilagyan ng tubig dagat.

Naku. Eventually when nobody was supposedly looking, I took it out and held it underwater (it felt soft and medyo parang nakakadiri kasi ‘di ko alam what it really is, basta naawa ako) and threw it in a shallow part of the ocean, away from dangerous people.

Hey, it’s a shallow beach in the middle of the ocean. I didn’t know where else to put it because there weren’t any clumps of corals around.

If you check online, bawal pala hawakan ang coral. Lalo iangat mo pa and i-expose sa hangin, paktay kang coral ka. Buti sana kung gawin kang collection (which should also not be done too). It should be better off returned to a place where it’s not going to be disturbed, ‘di ba?

2. Ang ibang mangingisda, hindi aware about fish species extinction. Karamihan sa atin, hindi alam ang mga nanganganib maubos at mawala na mga likas na hayop sa Pilipinas.

Habang nasa gitna ng dagat kahapon, may nagbebenta ng mga isda pang-ihaw. Nakita ko ‘yung isa, makulay and blue. Oh no, one of the many extinct fishes in the Philippines na nakita kong naipost online. At least, kamukha ng nakita ko.

Sabi ko, “Naku bawal po hulihin yan”.

Ayun, si manong, tiningnan ako sabi hindi daw at umiwas na lang sa akin, patuloy na naglalako sa iba.

Marami sa atin ang hindi alam kung ano ang mga threatened species sa Pilipinas. Ano lang ba alam natin?

Ako, aaminin ko, ang alam ko lang dati dalawa lang yata… Philippine Eagle tsaka Tarsier. Nakalimutan ko na ang mga itinuro noon sa school. Siyempre panay pagkakakitaan na nasa isip ko para mabuhay eh.

‘Di ba halos lahat naman tayo gano’n na pagkatapos magkolehiyo, or kahit ‘di nakapagkolehiyo, panay trabaho at pagkakaperahan na lang alam?

Mas importante ang sariling tiyan, walang pakialam sa buhay ng mga malalaki or maliliit na hayop, tama ba? Pero pa’no mo tuturuang magmalasakit sa kalikasan ang anak mo kung ikaw mismo walang pakialam o walang oras makialam, ‘di ba?

At least alam nating magpakain ng isda. Makakita ka ng school of baby fish sa dagat pakakainin mo ng tinapay, ‘di ba? Aquarium sa dagat for the win! ?

Sa dami ba naman ng isla sa Pilipinas, sino ba ang magtuturo kung ano ang dapat nating gawin sa mga hayop sa dagat? May oras ka ba? Maalam ka ba? Share mo naman, paano ba?

Buti na lang may internet at free Facebook, ‘di ba? Gamitin natin nang maayos ang Facebook atbp., na social media accounts natin, hindi ‘yung panay kagaguhan lang ipo-post natin online na wala naman itutulong sa mundo.

Check mo ‘to: List of threatened species of the Philippines

Bakit importanteng malaman ang ganitong mga bagay?

Alam mo yung kantang Circle of Life? Nanood ka ba ng Lion King? Eat or be eaten, ‘di ba? Lahat ng bagay may kumakain at kinakain. Pag namatay ang corals, saan titira ang mga isda? Ano’ng kakainin mo?

Kaya mo bang magtayo ng fish pond na puro Tilapia or Bangus lang ang alaga? Paano na ang ibang isda? Kaya mo gawaan ang lahat ng klase ng isda ng fish pond?

Isda pa lang yun, e pa’no ang starfish? Pag nawala ang mga starfish may effect din yan sa ocean life, I’m sure.

3. Jellyfish prone areas should be off limits to beach goers.

‘Yung alam na ngang maraming jellyfish dun sa area na ‘yun or beach, magtatayo pa rin ng resort or ‘di maglalagay ng harang or something para ‘di maapektuhan ‘yung mga lalangoy na tao and jellyfishes. Nasaan ang sense of social or environmental responsibility?

Kudos sa mga gumagawa ng harang or signages pero marami pa rin kasing walang pakialam, walang alam at mga nagmamaang-maangan. O baka naman puwedeng ulamin yan? ??

ic from Pixabay

4. Humans, especially kids, are curious beings. Please watch your children and as much as possible turuan n’yo kung ano ang tamang gawin sa mga makikita nilang laman-dagat.

Tayo nga pag may nakitang isda ita-try ntin hawakan (at hulihin) siyempre. Pa’no na lang pag bata and starfish?

Ang bata, pag makakita ng baby starfish, pak! Huhulihin at iaangat sa ere mula sa tubig. Patay kang baby starfish ka. Maninigas na lang yan paunti-unti. Slow death ang peg, aray. O kaya, ang bata makakita ng jellyfish sa pampang, makakita ng stick, tuhog tuhog, omg. Uhmmm, bakit? ?

niños pescadores playa

What do you think I’m suggesting?

What I’m saying is… Is it possible for organizers (pati ‘yung mga nago-operate at nagba-banca) and beach resorts to have a protocol to protect ocean life?

Mga do’s and don’ts for joiners or beach goers kumbaga. Let’s help keep the sea creatures alive aside from helping to reduce ocean/beach pollution. ‘Wag ninyong asahan ang mga customers n’yo kasi ang gusto lang namin ay makalangoy sa dagat.

If hindi kayo maglalagay ng listahan ng Do’s and Don’ts, sino ba may pakialam sa mga hayop o halaman sa dagat na mga yan? Sige nga?

I am no expert pero maybe those who know more or are experts on conserving ocean life have a list of do’s and don’ts? We’re mostly unaware of what to do when we encounter sea creatures.

Aminin mo, pag wala kang alam, ano’ng una mong gagawin pag nakakita ka ng gumagalaw na starfish? Sige nga?

We love going to the beach pero we pollute it and harm sea creatures (knowingly or unknowingly) habang nag-eenjoy sa beach.

Bakit, ‘di ba? Nag-eenjoy tayo sa dagat pero pinapahamak natin ang mga hayop sa dagat, indirectly or directly. What to do then? We need help and further education in helping conserve our ocean and the living creatures in it.

Somewhere in the Philippines – Image via Pinterest

Importante maraming makatulong na maging aware kung paano o ano ang dapat nating gawin pag nagpupunta sa beach at nakaka-encounter ng mga lamang dagat. Nag-start na tayo maging aware na ‘wag magkalat sa tabing-dagat, next na ‘yung tamang pagtrato o pag-alaga sa ocean life.

Somebody, anybody, educate us in detail and help us save the sea creatures and save the Philippine ocean biodiversity to help save the world.

Nobody to educate us? Bigyan natin ng oras upang alamin ang mga bagay bagay na ganito. Alam na natin na dapat ‘wag magkalat sa tabing dagat o sa pampang o kahit saan. Ngayon, let’s educate ourselves on what are the things we should do pag nagpunta sa dagat and share share share what you learn!