Butt Exposure

10/29/2013 5:26:40 PM
http://entertainment.inquirer.net/

Ito lang ang ‘di ko maintindihan eh. MTRCB, uminit ang ulo sa butt exposure ni Mr. Bean?!? WHAT THE?!?!?!!  Ang babaw masyado noh? Pero ‘yan kaya ang naging isa sa mga headlines sa entertainment section ng isang pahayagan. Well, editor’s pick pala yun.

Anak ng pating naman. Ang daming problema sa kalakaran ng media ngayon, pero bakit siya pa? Eh nagtakip nga siya kung tutuusin eh. Of course, sinasabi ko ‘to dahil ilang beses na rin sa talambuhay kong napanood ang episode “Room 426” ni Mr. Bean, mula plaka  hanggang Disney Channel.

Pero… ano nga bang ipinaglalaban ng Movie Television Review and Classification Board dito? Yung eksena kasi na nagkaroon daw diumano ng mahaba-habang “butt exposure.” Yung tipong na-lock yata ang kuwarto niya, nataranta bigla, tapos kailangan niyang  makuha ang susi ng kuwartong ‘yun muli sa front desk (which by all means – kailangang kumaripas ng takbo at sumakay ng elevator pababa na ang nagko-cover lang ng kanyang private parts at pati ang puwet mismo ay ang mga signage board.

Kaya sinummon nila ang ABS-CBN para sa pag-ere nito. Ayon sa chairman ng ahensya na si Toto Villareal, ni hindi nga yan maaaring i-classify daw sa SPG (Strongly Parental Guidance/Striktong Patubay at Gabay) ang naturang portion. Sabagay, sa alas-9:45 o alas-10 ng umagang programa, parang ‘di yata tama yan.

At habang pinanood ko ulit ang videong yun. Ang tahasang “naked butt exposure” ay tumagal ng ilang segundo. And for Pete’s sake, it’s just a few damn seconds! What’s wrong with that?

At dahil “child-friendly” daw dapat ang mga palabas sa mga naglalakihang TV network sa Pilipinas, dapat raw ay wala ang mga ganitong eksena. Kung may hubo’t hubad man, dapat ay natural itong naipapakita at hindi tinatakpan ang mga private parts.

‘Yun naman pala eh. Pero “child-friendly” ba ang usapan?

Sige, kung yun lang din naman ang pinaka-purpose kung bakit nag-aalburoto ang MTRCB sa kasong ito, might as well na dapat ay mag-take actions sila para maging “child-friendly” talaga ang TV pagdating ng alas-6 ng umaga, hanggang 9 ng gabi, at ang pinaka-suhestiyon ko para dito ay… i-pagbawal ang mga teleserye.

O ano, angal ka?

Click here to read the entire article.
 
Sources: http://entertainment.inquirer.net/118243/celebs-express-mixed-views-on-mtrcb-move-vs-mr-bean
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Enhanced by Zemanta