Buo ang barya

“Hindi mabubuo ang lima kung walang mga piso.” ‘Yan ang mahalagang bagay na natutunan ko mula sa mga magulang ko. Madalas ko itong marining sa tuwing hihingi ako ng limang piso pero aabutan lang ako ng piso. Pero maliban sa katotohanang ito, ano pa nga ba talaga ang halaga ng piso? Ng mga barya?

Malamang sa malamang, nasangkot ka na sa isa sa mga eksesnang ito (o baka nga sa lahat pa):

• Umagang-umaga, sumakay ka ng jeep pero huli na nang malaman mong P100 ang pinakamaliit mong halaga. Ibabayad mo. Wala syang barya, wala kang barya. Thank you na lang ba? Halaga ng barya: 3/5

• Hindi nagkasundo ang merienda mong mani at mangga. Wala ka sa bahay, wala kang tissue. Laking saya mo ng makita mong may tissue vendo sa pinasukan mong CR. P5 for a pack. Agad kang dumukot sa ‘yong bulsa… wala kang barya. Patay na. Halaga ng barya: 5/5

• Kailangan mong tumawag sa bahay dahil naiwan mo ang cell phone mo. Ayan, may pay phone. Please insert coin. Wala na namang barya. Ayawan na. Halaga ng barya: 2/5

Ilan lang ito sa mga suliraning nag-uugat sa kawalan ng barya ng isang tao sa ilang pagkakataon. Ngunit paano na kung ang problemang ito ay maging problemang nasyonal? Ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya? Sa pag-unland? Sa pangkalahatan? Sa halos 2 milyong bilang nga mga pulubing umaasa sa barya?

Pero teka, bakit nga ba may barya? Ginawa nga lang ba ito upang magamit sa paglalaro ng cara y cruz? Pamalit sa nawawalang piyesa ng chess? Pampaliit ng bukol? Pang-alog pagpatak ng Bagong Taon?

Ang barya ay naimbento noong 700 BC (galing sa Wikipedia) dahil sa pangangailangan ng mga tao sa isang instrumento para sa pangangalakal. Ito’y nagsisilbing panumbas sa mga matatanggap na produkto at serbisyo. Ngayon, ang silbi nito ay ganoon pa rin ngunit nagtataglay na lamang ng mas maliit na mga halaga. Sa madaling salita, isa itong mahalagang elemento upang dumaloy ang industriya ng kalakaran.

Ngayon, kung mauubos o bababa ang bilang nito mula sa pangkaraniwan, magkakaroon ng abnormalidad sa pag-ikot ng pera—kung hindi pagkaparalisa—sa ating bansa. Hihina ang ekonomiya. ‘Pag humina ang ekonomiya, babagal ang pag-unlad. Apektado ang lahat.
Kaya ganoon na lang ang pagpapatupad ng mga hakbang upang maiwasan ang pagtigil ng pagsirkula ng barya sa bansa. Ang Banko Sentral ng Pilipinas ay laging pinakikiusapan ang mga tao na ‘wag itago ang mga barya sa alkansya sa mahabang panahon. Nilalaban din ng gobyerno ang mga coin smugglers na tone-tonelada kung maglabas ng barya sa bansa.

Hindi malayong umunlad ang bansa nang isang hakbang kung ang isang problema tulad ng sa barya ay matutugunan. At sa pagsagot ng problemang ito, magsimula tayo sa takot. Personal na takot. Takot na baka dumating ang araw na hindi na tayo masuklian sa jeep, o makabili ng tissue sa oras ng tawag ni Inang Kalikasan, o makatawag sa isang teleponong bayaran.

Photo credit: article.wn.com

4 Comments

  1. nice article… kaya ako pag nakaka kita ako ng barya sa daan pinupulot ko.. kahit 25 sentimos.. marami sa atin ang hindi na pinapansin ang ganong halaga.. pero ako kahit sentimo lang sya pinapahalagahan ko sya kaya kinukuha ko…

  2. i know s comedy side un kwento mo, saka di b nabanggit ko din n preho ang barya s buong pera. ksi kelangan m barya s pgsukli sk s mga bagay n binanggit mo. like phone, tissue vendor. pro ang dpat ntin ipagtaka…bkit pede nman i round off ang halaga d b? bkit kaya sila nkaisip ng halaga n me ksamang barya? d b? naging kumplikado lng, dpat ang halaga piso kung piso, o dos , o tres etc. pinatatawa lang kita…have a nice day!

  3. B, maraming salamat po sa panahon sa pagbasa sa isinulat ko at pag-iwan ng kumento. Ikaw lang ang nakaisip na magbigay ng mensahe kaya salamat :p

    Una po, ang intensyon ng piyesang ito ay maipakita ang halaga ng barya sa paraang magaan at pang-komedya. Pangalawa, tama ka na sa panahon ngayon ay tila wala nang halaga ang barya, pero ang puntong nais kong ipaabot ay ang kahalagahan ng barya sa kabuuan bilang bahagi ng pag-ikot ng salapi–na may pantay na silbi katulad ng banknotes o buong pera. Isipin na lang natin kung ang lahat ng uri ng pera ay buo.

    Gayunpaman, iginagalang ko ang iyong opinyon. Salamat!

  4. ganon b un? un gamit s apangangalakal tama un, pro d nman ganon kahalaga un, pareho din yan ng buo. s tin lang siguro naging ganon prang dhilan n lng ng magulan un pra di na umangal mga anak nila. bkit d mabubuo ang pera ng wala barya e d b ang me buo namang limang piso? e antimano buo n, kaso me gamit din ang barya. gaya gn sinaad m s istorya mo, pro kun titignan mo value gn barya s tin…………….halos nil na. wala na halaga. wala n mbibili s barya. siguro s 5 piso meron p, pero s barya n tlaga? ano p nga ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.