Bukas, Pag Malaya Na Tayo

Lovers (Photo Credit: Michaelsancho)
Lovers (Photo Credit: Michaelsancho)
Lovers    (Photo Credit:    Michaelsancho)
Lovers (Photo Credit: Michaelsancho)

Bakit nga ba may mga bagay na biglang dumarating sa buhay mo na hindi mo naman inaasahan? Minsan ito ay pabor sa iyo. Yung feeling na gusto mong maglulundag sa tuwa at mag run in circles. Minsan naman, parang gusto mong tumira ng isang banig na Bioflu dahil masakit ito sa ulo. Ganyan ang buhay eh ano? Ang lakas mang-trip at mang asar. Kung kelan tahimik ang iyong mundo, bigla ka na lang nitong bubulabugin at tatambakan ng mga hindi maipaliwanag na kaganapan…

Ayos lang ako eh. Tahimik ang buhay ko. Mga gawain sa buhay at bahay, facebook, lamyerda. Lamyerda, facebook at mga gawain sa buhay at bahay. Hindi nakakalito diba? Ngunit, subalit, datapuwat…isang araw pagkatapos ng halos dalawang dekada, may isang kaganapang nagpabago ng takbo ng buhay ko. Sa tatlong nabanggit ko na routine ng aking existence sa mundo eh biglang may dumagdag. Eto yung tipong nanaisin kong tumira ng isang banig na bioflu, but at the same time mag run around in circles din.It gave me mixed emotions.

Anak ng pusang memories ito! Nung makita kitang muli, parang gustong sumayaw ng puso ko the tune of Flashdance. Nag trip down memory lane ako bigla sa mga masasayang alaala na kusang nagsumiksik sa puso’t isipan ko at hindi kelanman nawala sa loob ng halos dalawampung taon. Ang tindi noh? Hindi ko lubos maisip kung bakit at paanong nanatili ka sa kaibuturan ng aking puso at kailaliman ng mala-bitukang cerebellum ng aking utak. Pero andun ka nga, pwera biro. naitanong ko tuloy sa sarili ko, is the feeling mutual?

Flashback.  Noon.

Puppy love. Lahat halos tayo nagdaan diyan. Kahit mukha kang butiki, may dating ka sa akin. Pero anak ng tipaklong! Ikaw na! Ikaw na yata ang torpe sa pinakadilang torpe na anak ni Adan. Parang naghihintayan tayo. Eh bakit ako mauuna? Dalagang Pilipina ‘to oi. Maninigas ka sa kakahintay bago mangyaring ako ang magtatapat sayo. Pero in fairness, me something naman tayo. Iyun ba yung tinatawag na MU? Parang Mag-Un.hehehe

Mutual undesrtanding. Kahit paano, nagawa natin maiparamdam sa isa’t isa ang mga damdaming hindi maisambulat. Mga malalagkit na tinginan, simpleng ngitian, patay-maling kuwentuhan at yung moments lang na kontento  na tayong magkasama. May memories tayo sa beach, sa classroom, sa campus grounds, sa gimikan…na lahat ikaw ang nagpa-alala sa akin. OO, hindi kita nakalimutan, pero yung mga memories, sa dami yata medyo ilan lang yung tunay na tumatak sa akin. I’m amazed that you have so much as much as I do.

Pero ano kaya ang nangyari? Bakit naunsyami ang ating matamis na pagtitinginan? The next thing we know, we slowly drifted away from each other. Napunta ka sa iba, nagkaroon ako ng iba. Pagkatapos nun, parang wala na. Naging simple na lamang tayong magkaibigan. At doon nag-ugat ang tampo na halos 20 years ko ding inalagaan.

Kailan lang. Ang muling pagkikita.

Muli kang dumating sa panahon na okay na ako. Nagkita tayo ulit at nagkasama kapiling ang iba pa nating kaibigan at kamag aral noon. In fairness, hindi ka na look alike ni Lizardo. At ako naman, ang ganda ganda ko na. Oo, tama ang narinig mo, maganda ako at wala kang karapatang kumontra dahil ako ang nagkukuwento dito. Nakikibasa ka lang kaya wala kang dapat gawin kundi umayon. Walang comments section dito okay. Goosebumps. Yun ang nararamdaman ko sa di maipaliwanag na moment na yun. It was like too many unindentified objects were crawling under my skin. Dug-dug, dug-dug, dug-dug sabi ng aking puso, double time.

We managed not to let anyone notice the undercurrent of feelings emanating from both of us. Gaya din noon, no one knew of our mutual understanding. Kung sakaling may nakapansin man, malamang hindi nagkalakas ng loob na magtanong. Eh kahit naman magtanong sila, kahit wala pang Facebook noon, ang tanging isasagot ko ay  ‘no comment.’

Ngayon.

There’s something going on between us, something beyond words. Ang pagkikita kailan lang ay nadugtungan sa mga sumunod na araw. At heto tayo ngayon, to make the story short, masaya tayo sa kung anumang meron tayo. Eh kasi naman ang mga damdaming hindi naisambulat noon ay parang mga dalag na nag-uumalpas sa bawat oras na tayo ay magkasama at magkausap. Parang ayaw na natin matapos ang kasalukuyan.

Basta ang alam ko, masaya ako, masaya ka. Napapakilig mo ako, ganun din ako sa’yo. Ikaw ang happiness ko, at ako naman ang sexy loves mo. Para tayong mga bata, nagbalik sa pagiging high school at ini enjoy ang puppy love na naunsyami. Puro kilig, puro saya…kahit mali basta masaya. At nagising ako isang umaga na may luha sa mata.

Paano bukas?

Oo, hanep ang saya natin. Nakalimutan natin ang mga bagay na dapat tandaan. Kumbaga sa exam, hindi na tayo nag review ng enumeration ng do’s and don’ts. Basta nag multiple choice na lang tayo, choose the best answer. Correct minus wrong ang pagche-check. Pero sa sobrang saya natin, di natin na check ang mga mistakes. Ngayon, sa kangkungan tayo pupulutin.

Sana di ka na lang dumating ulit. Dahil sa pagdating mo, sumaya ako, oo. Pero kaakibat nito ay sakit. Muling sugat, pasa at hiwa sa puso ko. Masakit pero kailangan nating tanggapin.

Ang bawat pasa at hiwa na nalikha sa aking puso ay magsisilbing alaala ng mapait na nakaraan…ang mga pasa ay maghihilom, ngunit ang mga hiwa ay mananatili sa paraang peklat, mga tanda ng sakit at hirap na ininda ko mula nang tayo’y magkaganito. Kung sana pwede ka na lang maglaho, mawala, mabura…yung alam kong wala ka na, para di ako patuloy na umaasa. Dahil hangga’t nandiyan ka, sa puso ko di ka mawawala.

Kailangan na itong magtapos eh. Dapat ko nang ilagay sa isip ko na yung ikaw at ako ay bahagi na lamang talaga ng nakaraan. Alaalang itatago ko ulit at iingatan magpakailanman.

Ito ang tama at ito ang dapat. Masakit man, pero kailangan na nating magpaalaman. Who knows, sa susunod nating buhay, ang lab stori natin ay magkaroon ng katuparan…

author: monette calugay

p.e./kf


monette 19.4.2012

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.