Bukang Liwayway

(Photo Credit: mirror.co.uk)
(Photo Credit:  mirror.co.uk)
(Photo Credit: mirror.co.uk)

“Ano seb tayo bukas?”

 “Ok, sige!”

Ito ang walang alinlangang sagot ni Liwayway (isang 14 years old na first year high school student na ang magulang ay nasa abroad para may pantustos sa kanyang pag aaral) kay Marvin na halos isang linggo pa lang niyang nakilala sa facebook. Komo gwapo at matangkad ito, madaling nahulog ang loob ng dalagita sa 22 years old na si Marvin na palibhasa ay napakagaling ding mambola.

 Alam niya ang magiging resulta ng gagawin niya, pero humaling na humaling si Liwayway kay Marvin. Isinantabi ni Liwayway ang bilin ng kayod-marinong magulang niya na nasa abroad na huwag muna itong magbo-boyfriend at pag-aaral muna ang atupagin. Ngunit mas matimbang yata talaga ang lukso ng pag-ibig para kay Liwayway.

 “Ibuka mo na, Liwayway”

 “Oo Marvin! Oo, mahal ko”

 Ito ang mga katagang pumalaot sa kuwadradong maliit na kuwartong walang bintana matapos na magkita ang dalawa at pumasok sa pulang building na puno ng magkasintahan at magpartner.

 Tuluyan na ngang bumuka si Liwayway sa tawag ng pag-ibig na kanyang nadama buhat kay Marvin. Pag-ibig na nabuo lamang ng isang linggo. Pag-ibig na bawal pagkat siya ay bata pa. Ngunit ano ang laban ng isang walang muwang na babae sa tawag ng pag-ibig?

 “Ah! Ano ito? Bakit ganun? Bakit wala pa rin?”

Ito ang gulat na sambit sa sarili ni Liwayway nang i-check ang account ni Marvin sa Facebook. Zero…. Wala, wala ang fb ni Marvin. Halos tatlong buwan na ring pilit chini-check ni Liway ang fb ni Marvin pero wala talaga. Dalawang araw matapos may mangyari sa kanila ay hindi na ito nagparamdam hanggang sa kasalukuyan nga.

 Lumuluhang nakatitig si Liwayway sa kanyang Facebook habang hinihimas ang umbok sa kanyang tiyan. Nakatitig lang siya sa kawalan hanggang sa….

‘Musta na anak? musta na pag aaral mo? miss kana namin ni dadi mo. baka this month uwi na kami. labyu anak.

 Mensahe mula sa kanyang mommy na lalong nag paluha sa kanya. At sa kanyang isip, kanyang ibinulong ang katagang….

 Patawad… patawad

 

About x