Buhay Na Kaluluwa

Photo Credit: www.stumpytown.com
Photo Credit: www.stumpytown.com
Photo Credit: www.stumpytown.com
Ang daming tao. Halos lahat sila’y nakatitig sa akin na parang may nais iparating. Parang samu’t saring tinig ng isang pulutong ng mga bubuyog na nagbubulungan at handang sumugod para ako’y saktan. Wala akong maisip na tsimis na galing sa kapit bahay mula pa kaninang umaga, balita ng isang artistang namayapa o dahilan para maglakas ng loob na sila’y gantihan.

Sige lang ang paglipat-lipat ng aking puwesto, ‘di ko alam kung saan patungo. Lumilipad ako sa ibabaw ng maraming tao, sa ibabaw ng ulap na kayang talunin ng mga paa ko. Lumilipad ako sa indayog na gusto ng katawan ko. Hindi nila ako nakikita, ngunit abot ng aking mga panigin ang mga kilos nila.

Lumipat at naglakas loob akong kausapin ang isa sa kanila. dahan-dahan akong lumapag para kausapin ang kanina pang naghihintay na dalaga sa isang simbahan na ‘di kalayuan sa aking tinitirahan. Gamit ang puting panyo na binasa ng luha ang aking nasilayan sa dalaga. Hindi ko man lang naaninag ang kanyang itsura dahil nagmadali itong umalis sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko na tinangkang habulin pa dahil baka maistorbo ko ang kanyang momentum, o kaya naman isang shooting lang ito sa pelikula na hindi ko nakikita ang mga nakatagong camera.

Ang layo na ng nalipad ko. Ang tayog na ng naabot ko. Labis ang aking pagod sa maghapong paghahanap ng kasagutan sa ‘di pangkaraniwang kinikilos ng aking katawan. Madilim ang paligid. Maliwanag na sa ilaw ang syudad na aking tinatanaw. Oras na para magbalik sa tahanang aking tinutuluyan.

Sandal lang, parang napanood ko na ang eksenang ganito sa pelikula. Bakit ang daming tao sa labas ng bahay? Bakit ang liwanag sa loob? Dumating na ba ang matagal ko nag hinihintay? Welcome party ba ‘to para sa mahal ko? Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita ni Jenny; simula noong siya ay umalis patungong abroad.

Ilang hakbang pa lamang ako sa baitang ng aking inaakyatang hagdanan ay bumungad sa akin ang isang imahe ng babae na may hawak na puting panyolito. Humihikbi sa harapan ng isang mahabang puting kahon na napaliligiran ng naglalakihang kumpol ng mga bulaklak.

Siya ‘yung babae kanina sa simbahan, kung hindi ako nagkakamali. Tanda ko pa ang suot at ayos n’ya kanina. Hindi nga ako nagkakamali, siya ‘yun. Pero bak…

“Kuya! Kuya!”

“Ano ba ‘yan, ano ba ‘yon?”

“Pahiram ako ng Apple itouch mo, maglalaro lang ako.”

“Istorbo naman oh, natutulog ako eh, nasa bag ko, kuhanin mo!”

Habang naglalakad palabas ng sild ang aking kapatid dala-dala ang Apple itouch ko, para akong tulala, labis ang takot at kaba na aking nararamdaman sa mga oras na ‘yun. Butil-butil ang pawis na dumadaloy sa aking kahubdan. Binalot ng isang madilim na panaginip ang ilang oras kong pagkakatulog. Parang isang dejavu na kahawig ng panaginip na mababasa sa link na to’, (http://definitelyfilipino.com/blog/2013/03/12/pag-ibig-sa-bingit-ng-kamatayan/), ang nangyari sa akin.

Sa susunod kayang panaginip na aking mararanasan, sino naman kaya ang gigising para maputol ang aking panaginip bago ito magwakas, bago tuluyang ang mga paniginip na ito ang magbigay sa akin ng tuluyang wakas?

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.