BRUNO

4 yrBRUNO

Laking tuwa ko nang ika’y  unang masilayan

Unang pagtatagpo’y puno ng kagalakan.

Hindi ba’t sa karamiha’y nagparamdam ka pa na “ako ito”

sabay  taas at  inat ng kamay.

At nang una tayong magharap ay iniangat mo pa ang iyong ulunan, upang kilalanin aking pagbati.

Hindi mo lang siguro alam kung gaanong laking tuwa at saya ang aking naramdaman.

 

Siyam na buwan ka na nasa kandili ng iyong ina.

Iniingat-ingatan at pinakakain sa maliit na pusod na daluyan ng buhay.

Bruno ang paglalambing ko sa ‘yo habang hinahagod-hagod

ang umbok na sinapupunan.

Subalit sa pagdaan ng mga buwan, aking napagtanto at naisip.

Bruno nga ba ang siyang dapat na katawagan

na kapagdakaý magiging tampulan ng tukso at libak!

Bruno – kay gandang pangalan at puno ng buhay at kamulatan.

Subalit sa mundong kinagagalawan, ang Bruno’y may sagwa at

laswang kaakibat.

Kaya’t sa aking pagmumuni –  Ahhhhhhh!!!

Bruno ka lang ng siyam na buwan subalit sa pagkaluwal

ay may siglang pangalan.

 

Mabuti na lang at dumating ang isang piguring walang buhay.

Ikaw na nga ang siyang magtaglay ng pangalang may laswa.

Isang piguring Bruno – Beybing  nakaupo sa trono.

Naluluklok sa tronong ang sandigan ay pagmamahal,

pag-asa at pagkalinga.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.