Broken Defenses

BROKEN DEFENSES

f8988aff8f19b0eb193a6f594be6e7e8
photo from Google.com

“Lagi mong pinapainit ang ulo ko!” Sabi ni Sir Kirk Lockhart sakin. I’m his secretary at lagi niya nalang akong pinapagalitan. Nakakabwisit talaga.

“I’m sorry Sir. But as far as I remember, you told me to cancel all your appointments today.” Nagpipigil lang ako ng inis. Baka hindi ko siya matantiya.

“I didn’t know na sinabi ko iyon” Sarkastiko niyang sabi. Sinungaling! Next time nga ire-record ko lahat ng mga utos niya! Kainis talaga!

“Yeah right” mahina kong sabi at umirap sa ere.

“What did you just say?” Nakangisi niyang sabi.

“Wala bwisit ka. I mean, nothing Sir. I’m sorry for being so irresponsible” tss.

“Do your job properly kung ayaw mong masesante. You can go now. I don’t need you here.” Whatever you say ugok!

“Do your job properly kung ayaw mong masesante. You can go now. I don’t need you here nye nye nye” I mimicked ng makalabas na ako ng opisina. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya.

“Hoy Phoebe, nakasimangot ka naman!” Sabay akbay sakin ni Ken na officemate ko. Isa pa tong basted na ‘to.

“Tss. Alisin mo nga yang kamay mo. Baka ikaw mapagbalingan ko ng inis ko.” Pasimple pa ‘tong isang ‘to eh.

“Whoo! Calm down!” Itinaas niya pa sa ere ang kamay niya at natatawang tinignan ako.

“Kahit ang sungit mo, ang ganda mo pa ri-”

“Oras ng trabaho, nagkukwentuhan kayo. Who gave you the permission to do that?” Isang maawtoridad na boses ang pumutol kay Ken. Whatever. Nauna na akong maglakad at iniwan sila. Nai-stress ako kaya uuwi na ako. Wala na akong pakialam kung sisantehin niya pa ako.

Nasa parking lot na ako ng may humablot sa akin.

“Kirk, I mean, Sir Lockhart” bakit ba bigla-bigla nalang ‘tong nanghahablot?

“Where do you think you’re going?” Hindi ako sumagot. Mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Anong problema ng baliw na ‘to?

“I’m going home Sir” walang gana kong sabi. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa titig niya. Yung tingin niya na nag-uutos, para bang ipinanganak siya para lang mag-utos. How could you be so insensitive Kirk?

“Hindi pa oras para umuwi. Gusto mo bang masesante?” Seryoso niyang sabi. I’m so tired of this drama.

“Do what you want” naglakad na ako papunta sa kotse ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko. Still beating for him huh?

Nasa apartment na ako. What a tiring day! Balak kong mag-videoke. Nakasagad ang volume. Wala akong pakialam kong may magreklamo.

“I’m waiting for you!!! I’m waiting for you!!! Always waitiiiiiiiiing!!!” Tinungga ko ang hawak kong alak. Hahahaha. Ang saya kahit nag-iisa lang ako. Nakarinig ako ng parang tinutoktok yung pader ko. Mukhang may naiingayan na ata sakin hahaha. Well, sorry nalang haha.

Nakailang bote na ako ng alak ng makarinig ako ng parang may kumakatok. Nasa katinuan parin naman ako kaya kaya ko pa.

“Leche! Maghintay ka naman!” Sigaw ko. Bwisit na yun parang gigiba na ‘tong apartment ko eh, makakatok wagas! Sino ba yung siraulong yun?

Binuksan ko ang pinto pero wala namang tao.

“Kung sino ka mang baliw ka na walang magawa sa buhay sana malaglag ka diyan sa hagdan! Bwisit!”

 

Alas dos na ng madaling araw ng maisipan kong matulog na. Ang dami ko ng nainom at masasabi kong lasing na talaga ako. Nahiga ako sa kama ko ng mapansin ko ang isang picture na katabi ng lamp shade. It was me and Kirk. A stolen shot that we’re kissing.

“Lets dance!” Aya ko sa kanya. Ngumiti siya at sinabi ang gasgas niyang excuse.

“I need to entertain those people.” Sabay turo niya dun sa isang grupo ng lalaki sa gilid ng dance floor. Nasa bar niya kami. Palusot pa ‘to eh haha. Alam ko namang papanoorin niya lang akong sumayaw. Ay mali, babantayan pala. Possessive pa naman ‘to.

“Alright” ngumiti lang ako ng nakakaloko dahil alam ko namang nagdadahilan lang siya. Eh mukha ngang hindi siya kilala nung mga lalaking yun eh. Haha.

Sumayaw lang ako ng sumayaw. I loved dancing. Napansin kong may lumapit na babae sa kanya na ikinakonot ng noo ko. Pero napangiti rin agad ako ng magtama ang aming mga mata. He’s looking at me which made my heart beats so fast. I can feel a riot inside my stomach. Butterflies? How silly haha. Lumapit ako sa kanila. I arched my eye brow because this bitch in front of me was flirting my boyfriend and soon to be my husband. Marahas kong inialis ang kamay ng haliparot sa braso ni Kirk. At ang kumag hinahayaan lang.

“Hey! What’s your problem?” Inis niyang sabi. Aba siya pa ang naiinis ah.

Get lost bitch. You’re messing with the wrong one” I said with matching dirty finger to her clown face. Umalis siyang nag-aalburoto sa galit. Hah! Serves her right.

Nilingon ko ang tumatawa kong fiancé. At talagang nanood lang siya ha?

That’s my girl” natatawa niyang sabi. Natawa lang din ako.

I love you” 

“I love you to–“

Hindi ko natapos ang dapat kong sabihin dahil hinapit niya ako sa aking baywang at hinalikan kasabay nun ang pagclick ng camera ni Lori.

Tears run down my cheeks. May punit na ‘tong picture na ‘to pero pinagdikit ko ulit. I can’t let him go. I can’t.

“Kirk” sabi ko sabay balik ulit ng picture sa table.

 

I looked at him with love. This is it! We really are getting married. Kinakabahan ako at the same time parang sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang kasiyahan. Naiiyak na rin ako. Napakagwapo naman ng mapapangasawa ko. I chuckled realizing the thought.

“Why are you laughing?” Bulong niya sakin. Umiling lang ako at ngumiti. I saw curiosity in his eyes. I counted 1 to 5. I know what words he’ll going to say.

“I know you’re thinking of me.” As expected. Natawa nalang ako.

“Itigil ang kasal!” Napalingon ako dahil sa narinig ko. Nakita ko ang isang babaeng buntis. Gulo-gulo ang buhok, madungis at nakasuot ng isang hospital gown. She’s not beautiful.

Nagbulong-bulungan ang lahat. Unting-unting bumibigat ang nararamdaman ko.

“Akala ko ba ako ang mahal mo” sabi nung babaeng panget. Tiningnan ko si Kirk at nakita kong naguguluhan siya.

“Who is she?” Naiiyak kong sabi.

Phoebe, listen to me. Hindi ko siya–“

“Magkakaanak na tayo oh. Hindi ka ba masaya?” Singit nung babaeng kwago. Pinandilatan ko siya para manahimik siya.

“Phoebe, I love you” frustrated niyang sabi.

“Akala ko ba ako ang mahal mo!” Sigaw nung babaeng pakwan. Fuck them both. Ang sakit lang.

“I said, sino siya?! No…no…wag kang lumapit! I hate you!”

Ang sakit. Ang sakit sakit. Ganito pala ang pakiramdam ng lokohin? Kelan pa?

Sinampal ko si Kirk.

“Phoebe, let me explain… Don’t leave me!” 

Hinawakan ako ni Kirk sa braso. This is too much. Nanghihina akong tumakbo. Nadaanan ko pa yung babaeng pakwan. Wala na akong lakas. Nakakapanghina. But…I just can’t let her be happy.

Sinapak ko ang ilong niya causing it to bleed. I don’t care if she’s pregnant. The hell I care!

Pinaharurot ko ang kotse ko. I was crying while driving this damn car.

 

“Runaway bride ha?” Napalingon ako dahil sa boses na narinig ko. I knew that voice.

“Rupert Maninen” sabi ko sabay tungga ng alak. Nandito ako sa bar. Nadaanan ko lang sa tabi. I need a break from this heart ache.

“Spill” napatingin ako sa kanya. Traydor. Traydor talaga ang mga luha. Ayan, tumutulo na naman sila.

“He cheated on me.” Napangiti ako ng mapait. The pain is killing me softly. How can I even live now? His my life, my system.

Napatingin ako sa kanya ng hindi siya magsalita. Mukhang wala talaga siyang balak magsalita. Fine.

Tumayo siya at sinabi ang mga katagang nagpagulo sa isip ko.

“Pinakinggan mo na ba siya?”

“Asshole Kirk” pinunasan ko ang aking mga luha. Two years na ang nakalipas but tomorrow, it will be different. I promised.

“Sandali! Bwisit!” Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Sino ba yung kumakatok na yun? Naghilamos muna ako. Paganda ng konti. Konti lang di naman na kasi kailangang mag-effort pa. Kung sino man yun, bahala siyang maghintay.

“Sino ba yan? Magdahan-dahan ka naman sa pagkatok! Eh, kung yang ulo mo kaya ang katokin ko!” Tss. Nakakahigh blood keaga-aga.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang gwapong lalaking minahal ko ng sobra. Why so handsome? Hey, Phoebe wake up!

“Hindi mo man lang ba papapasukin ang boss mo?” Nakangisi niyang sabi. Halatang napansin niya ang pagtitig ko kaya ganyan siya makangisi. Yeah right.

“No. Why are you here?” Masungit kong sabi. Pero hindi niya yun pinansin. Pumasok siya at umupo sa sofa at pinasadahan ako ng tingin. Kumunot ang noo niya na ang ibig sabihin lang ay ayaw niya ng suot ko. Nakasuot ako ng isang maluwag na damit pero natatakpan into ang maiksi kong short. Parang dress lang tuloy ang dating, maiksi nga lang haha. Ano bang paki niya? Tsh.

“Tsk. Anyway, I came here to give you this.” Sabay abot sa akin ng isang invitation.

Renewal of Wedding bows?

Napasinghap ako. Nakakabitter lang.

“Mom and Dad want you to come.” Sabay kamot niya sa batok niya. Gusto kong matawa, ginagawa niya yun kapag nahihiya siya.

“I’m busy.”

I feel so out of place. Kung hindi lang magtatampo sila Tito at Tita, Mom and Dad ni Kirk, hindi ako pupunta eh. Ugh. Mabuti mabilis natapos ang ceremony.

“Phoebe hija?” Oh my. Si Tita Kat, Mom ni Kirk. As much as possible umiiwas ako. Baka matopic pa yung kahihiyang nangyari two years ago.

“H-hi po T-tita Kat” why am I stuttering?

“Haha. I told you, call me Mom.” How lovely! Nakakatuwa lang. Haha.

“Hi Mom”

“Kirk, son!” Nakangiting sabi ni Tita Kat. Tita will do. Ang kapal ko naman kung tatawagin ko siyang Mom. Tiningnan niya kaming dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

“What’s up with you two?” I know what she means. Para tuloy akong naiistatwa dito. Walang nagsalita ni isa man samin ni Kirk.

“Ah. Tita, may I go now? Its emergency lang po” pagsisinungaling ko. Hawak ko ang cellphone ko, kunyari may nagtext. Liar. Staying here is suffocating.

Tumango si Tita at naglakad na ako paalis.

“You’re escaping again?” Napahinto ako sa paglalakad. So, sinundan niya ako? I’m tired. Physically and emotionally.

Hindi ako sumagot at binuksan ang kotse ko. Pero nagulat ako ng hablutin niya ang susi ko at pinapasok ako sa loob. Aba kotse ko ‘to ah!

Damn. He’s mad at me.

Pinaharurot niya ang kotse. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Walang nagsasalita. Nakakabingi ang katahimikan.

Itinigil niya ang kotse sa isang…kaninong bahay ‘to? Grabe ang ganda. Napapanganga ako.

Hinawakan niya ang kamay ko dahilan para makabalik ako sa realidad. Agad ko namang binawi iyon. Nakakakuryente. I missed his touch. Sabi ko ‘diba iba na dapat ngayon? Do I need to eat my words now? As in now na? Tsh.

He glared at me at hinawakang muli ang kamay ko. Leche nananakot pa ‘tong baliw na ‘to.

“What can you say?” Ha? Saan? Tinaasan ko siya ng kilay. Parang tanga ha.

“With this house. Our house” Our house? I see.. He intertwined our hearts. Damn this butterflies in my stomach. Eh kung pasabugin ko kaya ‘tong tiyan ko?

“B-beautiful” what the heck? Bakit nauutal ako? Tsk. Leche! Kinikilig ako sa gwapong baliw na ‘to. Admittedly, I’m still in love with him. He broke down my defenses. He made me fall in love with him. Hard. The kind that comes once in a lifetime. The kind where you gave all. And I gave all. His my life. Living without him is like living like a dead human being. Existing but not breathing. It was hard. Two years without him was miserable.

“Phoebe” the way he calls my name gives shivers to my soul. Kirk. My Kirk. But there was pain in his voice. Why? Are you hurt? Me too Kirk. You’ve destroy the both of us. You did.

“Why did you left me?” Tears run softly in the corners of his mouth.

“You cheated on me” I can’t hep but cry. I want to punch his face, his nose, his chest. I want to yell at him but there’s something obstructing my throat.

“I didn’t. I never cheated on you Phoebe” I can’t look at him.

“Who is she then?” Bwisit. Ang drama na namin. But I think this is the right time to talk about it. Stupid Phoebe. Two years ang pinalipas mo? Stupid me. Stupid.

Hinawakan niya ako sa braso. He wiped my tears. Napapikit ako dahil sa ginawa niya. He used to do this every time na nag-aaway kami. Well, ako lang naman yung pasaway.

“I don’t even know her, Phoebe. She was a mentally ill person who happened to escape the infirmary. I had confirmed it with the hospital and the person who’s currently taking care of her. You can ask Mom and Dad. That’s the truth.” What? Seriously?

“I’m sorry” nakatungo kong sabi. Ang bobo ko lang at pinaiiral ko agad ang galit ko.

“You didn’t even listen to my explanation”

“I know”

“Alam mong hindi ko magagawa yun.” Alam ko pero that moment–ugh!

“Its alright now Phoebe”

Ngumiti siya at niyakap ako. Ilang minuto iyong nagtagal. This feeling. How I missed this man.

“God, I missed you Phoebe!” At umiyak na naman siya.

Iniwan ko siya at naupo sa sofa. I’m so selfish, stupid and scatterbrain!

Umupo rin siya sa tabi ko. Bakit ang iyakin ng gwapong lalaking ‘to? Napangiti nalang ako. We can’t live without each other’s company. That’s the truth.

Pinahid ko ang mga luha sa pisngi niya.

“Iyakin ka talaga” ngumiti rin siya. I can read his eyes. Now, there are pure bliss and contentment.

“You left me for two fucking years Phoebe. I didn’t even know where the hell are you. My life became fucking wasted and disconsolated. How could you? I was so depressed. I even committed suicide” what?!

“Seriously? You basta–” Gulat kong tanong.

“Pfft-your face! It’s priceless!” At ayun tumawa siya ng tumawa. Hinampas ko siya ng hinampas. Leche siya. Sinalo niya ang kamay dahilan para matigil ako.

“I won’t do that. I know you’re waiting for me.—Why are you crying?” Ha? Before I could say a word, he hugged me tight. It was as if I was a pongkan, you know. But I love it. Really.

“I missed you Kirk” naiiyak ko pa ring sabi.

“Please don’t leave me again. I love you so much Phoebe.”

“I love you too Kirk”

“Stay with me and marry me again.” He’s not asking. He’s actually commanding me to marry him. What a jerk haha!

“I can’t”

“Wha–“

Hindi ko na siya pinatapos magsalita. I claimed his lips. He kissed me back.

“I can’t wait to marry you” I said between our kisses.

The End.

 

 

 

About Badzilla

Isang naghahangad na makalaya at tuluyan ng makapaglingkod sa Kanya. Isa ring naliligaw at tanging pagsulat lamang kasiyahan at kakayahan.