Breathe Hope for Rowela

Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

Hanggang saan ang kayang gawin ng isang asawa para sa kanyang minamahal na kabiyak? Kung hindi ito isang halimbawa ng wagas na pagmamahal, hindi ko alam kung ano ang itatawag dito. Hayaan ninyo akong ibahagi ang isang kuwento ng pagmamahal na kalilimutan ang sariling kapakanan madugtungan lang ang buhay ng kanyang kabiyak.

Kamakailan lang ay nakatanggap ako ng isang private message sa aking Facebook inbox mula sa isang dating kamag-aral at kaibigan nung high school. Hindi naman nakakapanibago na nag-message siya sa akin dahil walang palya naman kung siya ay mangumusta at pumasyal sa aking inbox may okasyon man o wala.

Ang ikinagulat ko lang sa mensaheng aking natanggap nitong nakaraan ay ang paghingi niya ng tulong para sa kalagayan ng kanyang minamahal na kabiyak na si Rowela L. Nocum. Nagulat ako kasi hindi ko batid na ganun kalala na pala ang lagay ng kanyang maybahay. Pangalawa, sa aking pagkakaalam ay maayos naman ang kanilang buhay.

Subalit kung dinapuan ka pala ng karamdaman na nangangailangan ng matagal na gamutan, kahit pa napakarami mong pera at kayamanan, ito ay mauubos nang hindi mo namamalayan. Sa kaso ng aking kaibigang si Mark sa kanyang asawa ay ganoon na nga ang pangyayari.

Kaya naman para sa kanyang asawang pinakamamahal, minabuti na niyang humingi ng tulong sa mga kaibigan at kakilala upang madugtungan ang buhay ng kanyang kabiyak at makasama pa nila siya ng ilang panahon.

Ang kanyang kabiyak na si Rowela was diagnosed with acute respiratory failure and TB bronchotiasis. Since 1998 pa siya afflicted ng karamdamang ito but the year 2014, especially in November, had been the toughest time for their family as her health has deteriorated much.

Rowela during healthier times. Photo Credit: Facebook Page/Mrk Nocum
Rowela during healthier times.
Photo Credit: Facebook Page/Mrk Nocum

Sumailalim siya sa tracheostomy kung saan binutasan siya sa leeg para matulungan siyang huminga sa sarili niya. Sa ngayon, gumagamit si Rowela ng Inspiron breathing device para makahinga siya because without the device hooked in oxygen tank, she can’t make it.The Inspiron breathing device hooked to the oxygen tank helps her to release the carbon dioxide from her body which she could not do by herself dahil namamaga ang kanyang airways.

Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum
Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

Hindi na magawa ni Rowela ang mga normal na ginagawa niya. Siya ay naging hingalin at kumakain na lamang siya thru NGT.

Pumuputok ang mga lung vessel niya kapag tuloy tuloy ang pag-ubo niya kaya minsan may bleeding. Ayon kay Mark, mistulang may factory ng plema ang kanyang asawa at tila hindi ito nauubusan kaya naman maya-maya ay kailangan nila itong i-suction.

Dati ay may isang lung pa si Rowela pero dahil sa confinement niya noong November 2014, nag-deteriorate ito at naging almost half na lang.

Inspiron hooked in an oxygen tank Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum
Inspiron hooked in an oxygen tank
Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

Ang pakiusap ni Mark ay matulungan sila na ma-remove siya sa Inspiron at O2 tank at makahinga siya sa sarili niya, at matulungan din sa gastusin nila para sa mga gamot niya at medikal na pangangailangan, kung saan ang pinakamahal ay yung paggamit ng oxygen tank. Sa isang araw na paggamit ng oxygen tank, sila ay gumagastos ng humigit kumulang na Php2,000.00.

Dahil hindi na rin nila matustusan ang kanyang confinement, ipinasya na lamang nila na ilabas siya sa ospital at ituloy na lamang ang gamutan sa bahay. Subalit kailangan niyang malagyan ng IV habang nasa bahay  dahil ang antibiotics na ginagamit ni Rowela ay mga injectables.

Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum
Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

As of late, they are waiting for some people from the Ruth Foundation kung saan sila lumapit upang humingi rin ng tulong, para ma skin testing muna si Rowela. They have gone to several government agencies offering free medical assistance tulad ng PCSO at DSWD. Nakapag-avail naman sila ng tulong, ngunit after three months saka lang ulit sila puwedeng lumapit sa mga ahensiyang nabanggit upang muling maka-avail ng medical assistance.

Sa ngayon, hindi na nila makayanan ang lumalaking gastusin para sa mga medikal na pangangailangan ni Rowela. May mga anak pa silang nag-aaral at kailangan din nilang gumastos sa pang-araw-araw na pamumuhay nila.

Composite photo of Rowela's meds Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum
Composite photo of Rowela’s meds
Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

Dati ay gumagamit sila ng antibiotics for Rowela na nagkakahalaga ng Php3,633 para sa isang piraso at twice a day niyang kailangan for 7 days. Ngunit nagkaroon ng adverse reaction ito sa kanyang katawan kaya inihinto na and they are finding alternatives to give her medications orally. May nurse din na nangangalaga kay Rowela upang magbigay ng kanyang gamot and also to monitor her condition.

Sadly, hindi na ito makaya ni Mark at ng kanilang pamilya na siya lamang katuwang niya sa pag-aalaga at pag intindi sa gastusin ng kanyang asawa. Kaya kinalimutan ang hiya at pride at ipinasyang lumapit at manikluhod at humingi na ng tulong sa mga piling kaibigan para sa mga medical expenses at maintenance ng kanyang misis upang makapiling pa niya sila at ang kanilang mga anak.

Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum
Photo Credit: Facebook Page/Mark Nocum

Ito lang ang paraan na kaya kong gawin upang siya ay matulungan, ang ibahagi ang kanilang kuwento at ang sitwasyon ng kanyang asawang si Rowela. Sa munting paraan na ito, umaasa ako na may mga mabuting kalooban na dinggin ang kanilang munting hinaing at makapag-abot ng kaunting tulong. Maliit man na tulong pag pinagsama-sama ay makasasapat na rin.

This is the facebook page made for Rowela kung saan makikita ang kanyang mga larawan and medical updates regarding her condition.

Breathe Hope for Rowela L. Nocum

Sa mga nagnanais magbigay ng kanilang tulong, you may contact my friend Mark Anthony Martin Nocum through his facebook page. You may send a message or post your comments sa page na nabanggit.

You may also send help through any money transfer to:

Mark Anthony Martin I. Nocum, B1 L5 Mahogany St., Welcome Village, SAV I, Parañaque City, Metro Manila.

Or send your donations to:

Mark Anthony Martin I. Nocum, Metrobank Savings Account No. 2593259286191

You may also contact me at my personal Facebook page at Nina D. Calugay for more information regarding Rowela’s condition.

This is not a hoax or a scam. I just want to help and I hope I may find people with good hearts who will be willing to share their blessings, big or small. Charity begins from our hearts and I hope you may find it in your hearts to help a man who gives selfless love to his wife and his family.

As it was said in 2 Corinthians 9:6-7, “Each one must give as he has decided in his heart, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver.”

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.