Break (7)

Masasabi mo bang tanga ako kung ang laman ng utak ko ay ikaw?”

Sabi nila mahirap daw pag mahina ang utak mo o sa madaling salita, pag tanga ka. May mga bagay kasi na sobrang daling intindihin, pero hindi mo makuha-kuha. Pero mas mahirap kung may alam ka naman, pero ikaw na mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi mo maintindihan ang isang bagay o parang nagtatanga-tangahan ka.

Pagkatapos ng ilang araw na pagpe-pretend nilubayan na ko ng isyu tungkol sa kanya. Hindi na ko tinatanong ng mga kaibigan ko about sa kanya, hindi na nila ko inaasar na “torio ang sawi”, “torio ang talunan”, “ang basted na hindi nanligaw” o kung ano ano pa man.

Ganun naman talaga ang issue pagsasawaan ka rin. Pero isyu lang ang nawala, kasi yung nararamdaman ko para sa kanya nandito pa. TANGA NGA! Ang tanga ko sa lahat ng bagay. Tanga ako kasi alam ko sa sarili ko na wala na kong pag-asa pero hindi pa rin sumusuko ang puso ko sa nararamdaman nito para sa kanya.

Unang beses kitang nakita, pinikit ko ang mata ko, akala ko kasi nananaginip lang ako dahil may anghel sa harapan ko. Ngayon nakikita kitang may kasamang iba pumipikit parin ako, sana panaginip lang at hindi ito totoo. Lagi ko siyang nakikita pero kung dati siya lang ngayon sila na. Ayoko magpakabitter pero ganon talaga ang nararamdaman ko, hindi ko makayang hindi siya tignan pero pag tinitignan ko naman siya napapalingon ako sa ibang bagay hindi ko kasi kayang makita na may iba siyang mahal. Ayokong nakikita siyang umiiyak, malungkot, nag-iisa, loner, emo, senti pero ngayong masaya siya bakit parang ayoko pa rin.

Hindi na siya umiiyak kasi may tagapunas na ng luha niya, hindi siya malungkot kasi may nagpapasaya sakanya at hindi siya nag-iisa, loner, emo o senti kasi may kasama na siya. Yun ba ang dahilan kasi may iba, naiingit ako dahil may iba, nalulungkot ako kasi may iba, at nasasaktan ako kasi may iba, may iba siyang mahal. At hindi pwedeng yung IBA ay maging AKO na lang.

Sabi nila para daw akong bubble gum sobrang sweet, pero ngayon ako yung tipo ng bubble gum na paulit ulit ng nginuya ng bibig; pawala na ang lasa. Hindi pa naman ganon ka tagal na minahal ko siya, pero kahit na ganun sabi nila para daw nagiging masungit, tampuhin, at nawawala na yung pagiging malambing ko.

Ganun ba talaga dahil sa sobrang umaasa sa wala, yung dating bubble gum na sobrang tamis nawawalan na ng lasa. Ayokong tuluyang mangyari yun, pero ba’t hindi ko magawang huminto at itapon na lang kung ano mang nararamdaman ko? Sana kapag natauhan na ko, meron pa rin akong naiiwang tamis kasi ayokong maging bubble gum na kapag wala nang lasa ay itatapon na lang kung saan saan at perwisyo pa sa paa kapag natapakan.

Lagi kong naririnig ang pangalan mo at pag naririnig ko ‘yun ay napapalingon ako, hindi kita kaano-ano, pero bakit ganon? Pangalan mo palang ay apektado na ko. Kung may time machine lang sana o kaya sana ay time traveler na lang ako, gusto kong bumalik sa panahong hindi pa kita kilala. Gusto kong bumalik sa nakaraan para pigilan ko yung sarili ko na makilala ka. Kung meron lang sana nun, gusto kong mangyari isang araw na may maririnig akong sisigaw ng pangalan mo malakas na malakas, tapos mapapatanung ako sa katabi ko sino yun? Sino si MINA na tinatawag niya? Gusto kong balikan yung panahong hindi pa kita kilala, sa panahong hindi pa kita mahal. Sana kasi hindi nalang ikaw e di sana hindi ang boses mo ang favorite soundtrack ng tainga ko.

Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na ayoko na, hindi na kita mahal pero bakit ganon maamoy lang kita ay nawawala lahat ng sinabi ko, iba talaga ang amoy ng pag-ibig. Hindi mo maipagkakaila ang lahat pag ito ang lumaganap. Para kong matinik na lobo kung makaamoy, isa lang ang ilong, pero alam ko kung nasan siya agad. Ayoko ng ganito pero maiiwasan ko pa ba.

Minsan hawak ko ang kamay mo, sobrang saya kon nun kaso biglang may yumakap sa iyo at binitiwan mo ang kamay ko hanggang sa magising ako, bangungot lang pala, akala ko’y totoo na. Hanggang sa panaginip ba naman hindi pa rin ako masaya?

Kailan kaya mangyayari na kayakap kita at yung balat mo nararamdaman ko, kahit kasi sa panaginip hindi yun nangyayari sa totoong buhay pa kaya. Siguro mahawakan ko lang ang kamay mo para na kong nanalo sa lotto, pero sana habang hawak ko yun hindi lang ako yung nanalo sa lotto, hindi lang ako yung masaya sana pati siya.

Yan ang mga pangarap na kahit sa panaginip hindi natutupad. Sabi nila libre lang ang mangarap, kaya hanggang kailan walang pipigil sakin na pangarapin ka. Sabi nila din just be positive at wag susuko balang araw mangyayari din ang pangarap mo, pero ang pangarap ko kahit mangyari yung BALANG ARAW imposible pa ding matupad.”

(itutuloy…)

About Torio

Geh!