Brand New

-Tignan n’yo ito, mga ‘tol, bagong-bago yan ah! Brand new na brand new. Imported!

Heto ang ipinagmamayabang ni Elton John: ang jersey, rubber shoes at relo sa mga kaibigan niya. May bago na naman kasing padala sa kanyang ang kanyang nanay na si Aling Adora, 48 anyos na isang domestic helper sa China. cardboard-box

-Halika, lilibre ko kayo sa pisonet binigay na kasi ni Mama ang allowance ko.

-Iba talaga pag may kamag-anak na nasa abroad noh! Laging bago gamit, laging maraming pera. Ang sambit ng isa sa mga kabarkada ni Elton John.

-Oo nga eh! ‘di ba, E.J., katulong nanay mo sa abroad kaya dami mong pera? Ang sabat naman ng isa pa sa mga kabarkada niya.

-Tanga! Manager siya doon. Ang matigas na sagot ni Elton John na tila nabuwisit nang marinig ang tinuran ng kaibigan.

-Sorry naman, pre! O sige, manager na kung manager. Halika na nga at mag-internet na tayo.

Hindi naman ganito si Elton John nang hindi pa nag-aabroad ang kanyang ina. Simpleng bata lang ito. Pero sadya nga yatang madaling lamunin ng kaunting karangyaan ang mga kabataan ngayon. Nalilimutan na dugo’t pawis ang puhunan para lang maibigay ang layaw nila.

-Ma, bili mo naman akong bagong smartphone, pls! Yung latest ah! Yung brand new! Ang yayabang kasi ng mga kabarkada ko eh!

-Ok, anak! Sige bibili kita, susunod ko na rin yung pinapabili mong PS4. Kamusta na ba pag aaral mo? Ang sagot ng ina ni Elton John na magkausap sa skype. Tuwing linggo lang kung makapag kamustahan ang mag ina.

-Ok naman, Inay. Sige, ‘Nay, magbabasketball pa kami ng mga kaibigan ko. Yung phone, ‘Ma ah! Wag mong kalimutan ah! Love you! At naglog out na nga si Elton John para maglaro.

Ganyan si Elton laging may hiling, gusto lagi ng bago, gusto laging latest, gusto laging brand new. Ganyan siya kamahal ng kanyang ina na kahit magkasakit na sa katatrabaho, kahit na mangutang ay gagawin, maibigay lang ang hiling ng anak. Kahit nga isakripisyo niya ang day-off at sumidline ay ok lang. Ganyan, ganyan niya kamahal ang kanyang anak.

Pero ilang linggo ang lumipas at hindi nakapag-usap ang mag-ina. Hindi ito nag-oonline sa skype. Ganun pa man, hindi nadelay ang dating ng package na padala ni Aling Adora para kay Elton John. Na ikinatuwa naman ng bata, ngunit hindi alintana ang dahilan kung bakit hindi nakakapag-online ang nanay niya.

-Yes! Brand new smartphone at PS4. Astig talaga. Maipakita nga ito sa mga tropa.

At lumipas ang ilang buwan ay hindi pa rin nakakapag-online si Aling Adora, ngunit ang padala nito ay hindi pumapalya. Hanggang sa isang araw….

Isang text ang natanggap ng lola ni E.J

-Halika, Elton, apo, pupunta tayo ng airport. Ang malungkot at namumugto ang matang yaya ng lola niya.

-Bakit, ‘la? Dumating na ba ang package ni Mama? At saka bakit namamaga ‘yang mga mata n’yo? Umiyak po ba kayo?

-Doon na lang apo sa airport. Doon mo malalaman ang sagot sa airport kaya halika na.

Medyo kinabahan si Elton John sa sinabi ng kanyang lola. Ganun pa man ay sumama pa rin ito papuntang airport.

Pagkarating ng airport ng maglola, nasagot ang tanong ni Elton. Natuwa siya sa nakita. Package, tatlong malalaking package ang kanyang nakita. Ang kaninang kaba ay napalitan ng sobra kagalakan dahil may mga brand new na naman siyang gamit na ipagyayabang. Ngunit ilang minuto lang ang nakalipas, isang kahon ang dumating, ngunit hindi ito katulad ng hitsura ng isang balik bayan box. Pahaba ito, pahaba ang kahong itinabi sa tatlong naglalakihang package.

-Apo! Patay na ang mommy mo! Patay na siya! Siya ang nasa kahong iyon. Ang humagulgol na wika ng lola ni E.J

Napaluhod si Elton John sa kanyang narinig kasabay ng kanyang pagkakaluhod ang pagpatak ng kanyang mga luha.

About x