Bong Nagsisigaw sa Matinding Migraine, Parang Tinutusta sa Loob ng Kulungan

Source: http://bandera.inquirer.net/73047/bong-nagsisigaw-sa-matinding-migraine-parang-tinutusta-sa-loob-ng-kulungan

Read more: http://bandera.inquirer.net/73047/bong-nagsisigaw-sa-matinding-migraine-parang-tinutusta-sa-loob-ng-kulungan#ixzz3EGdhPXGO 

Ugh! Parang gusto kong wasakin ang ang monitor ko sa sobrang inis nang mabasa ko ang “balitang” yan. I can’t even consider it as a news dahil halata namang biased ang point of view ng nagsulat. (Beep beep kay Miss Cristy Fermin. opinion ko yan)

Sa totoo lang, hindi pa rin ako maka-get over sa kakapalan ng mukha ng dalawang involved na Senator sa Pork Barrel issue. Sabihin na ng lahat na bitter ako, oo, bitter talaga ako. May karapatan akong maging ampalaya dahil ang hard earned money ko ay ninakaw, malamang kahit sino naman bitter at magagalit sa issue na ‘to di ba? What more na malaman mo na ang arte arte ng mga nasasakdal? Na simpleng migraine lang ay hindi mainda, nagrereklamo at worst, nagrerequest pa ng aircon?

Mainit daw kasi sa PNP Custodial Center kaya mas madalas ang atake ng migraine ni Senator. Migraine lang ‘yun kumpara sa sakit ng ulo na dinadanas ng bawat manggagawang Pinoy na ninanakawan ng buwis kada suweldo. Walang wala ang sakit ng ulo na dinadanas ni Panday kumpara sa mga naghihirap na walang pambili ng gamot. Imbes naman kasi na ilaan ang budget sa Health Campaign eh napupunta ito sa mangilan-ngilan na “law makers”.

Hindi ko sinisisi lahat kay Senator ang korapsiyon, dahil sigurado ako na madami pa silang nagkukubli sa palasyo o sa senado. Pero dapat siyang managot sa ginawa niya. Anumang hirap na danasin niya ngayon ay nararapat lang dahil kailangan niyang pagbayaran ang anomang nagawa niyang atraso sa lahat ng mamamayang Pilipino.

Nakakainis lang na kailangan nilang humingi ng simpatya at awa sa mga tao, ngunit sila ay walang konsensiya na magnakaw at magbulsa ng kaban. Wala silang pakundangan o pakialam na lumingon man lang sa paligid nila para makita ang epekto ng ginagawa nila. Hindi man lang sila mabagabag na napakaraming kababayan natin ang namamatay sa gutom at sakit dahil walang pambili ng makakain at dahil mahal din ang magpa-ospital.

Hindi kawawa si Revilla dahil lang sa migraine niya. Hindi siya kawawa dahil kahit papaano ay higit na disente ang lugar/kulungan niya kumpara sa 90% na populasyon ng Pilipinas-idagdag mo pang nasasakdal siya ngayon. Magsisigaw man siya sa sakit ng ulo, kulang pa yan sa lahat ng tinitiis ng mga Pilipinong nagsusumikap na magkaroon ng maganda at disenteng buhay ngunit patuloy na ninanakawan.

Hindi siya kawawa dahil siya ang nangawawa sa libo libong Pinoy na umaasa sa pagbabago.

Please lang Senator, BAWASAN NA ANG DRAMA! KAMI ANG MAGKAKA-MIGRAINE SA KAARTEHAN MO!

Related Links:

Dear Bong Revilla (An Open Letter)

 

About PirmaAtPluma

Mahilig Sa Yellow, pero hindi kay Pnoy|| Madaldal|| A Fan of MSK, RAGubalane, Mike Portes, Kara David and akoposijayson || Fan ni Bob-Ong|| Proud Pinay|| Adik sa Clash of Clans