Bogart: “Pesteng Yawang Harlem Shake”

11:18 AM | 03/19/2013
www.youtube.com

Nababadtrip ka ba sa mga pautot na kaganapan sa YouTube? Pambasag-sa-mga-trending-na-trip ba ang usapan? Ito, try mong panoorin at baka sakali na magustuhan mo ang pangontra nila. Pero huwag mo masyadong seseryosohin yan ha? Kasi pangkatuwaan lang ‘yan.

(video URL: http://www.youtube.com/watch?v=aptW-1jJmaU)

Sabagay, sa panahon ngayon na halos sinuman sa mundong ibabaw ay nahuhumaling sa sayaw ng Harlem Shake, ito lang yata ang matinding pang-asar ng mga Pinoy d’yan. Isang videong mala-“against-the-flow” lang ang dating at ang tema.

“Pesteng yawa Harlem Shake… you don’t do that to me!”

Ang video na yan ay gawa ng isa sa mga YouTube sensation ng Pilipinas na si Bogart the Explorer.  D’yan makikita kung paano nagreact si Bogart sa isang worldwide dance craze na “parang tanga lang” sa mata ng iilan. As in, akala mo sayaw talaga mismo e parang nagkakagulo lang naman talaga. Sabagay. Madalas ganyan naman talaga ang party e, lalo na kung sa modernong kultura ang usapan. Magulo talaga.

Pero bakit nga ba nauso ang pambihirang videong ito?

Imbes kasi na gumawa ng mga jologs na katarantaduhan sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Harlem Shake ay dapat ituon na lang sa mga bagay na kinakailangan natin sa araw-araw. Imbes na mag-Harlem Shake ay magtrabaho naman tayo. Hindi ko man naintindihan ang word-by-word na translation nito sa dayakelto ng Bisaya, pero yan ang isa sa mga pinunto ni Bogart d’yan. Maliban pa yan sa dalawang beses na nanapak ang bida sa kanyang pagkaurat sa naturang sayaw.

Ay, teka… isama mo na rin pala d’yan ang mala-epikong parody line ni Willie Revillame d’yan.

“Pesteng yawa Harlem Shake… you don’t do that to me!”

Almost good, kahit may pagka-palyado sa acting.

Isa lang masasabi ko. Ang LOL lang. As in “Laugh Out Loud,” ha? Sakto ‘to para sa mga tulad ko rin na nauurat sa sobra-sobrang pagiging over-rated ng Harlem Shake.

Mapapanood ang video na BOGART HARLEM SHAKE by Bogart the Explorer sa kanilang YouTube channel na http://www.youtube.com/frontacthecklines, o sa isa sa mga posts ko sa blog site na http://theslickmastersfiles.blogspot.com/
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.