Blooming preggy celebs ngayong 2019

Image via Instagram | Georgina Wilson and Andi Eigenmann

Sadyang nakabibighaning pagmasdan ang mga celebrity moms na blooming na blooming sa kanilang pagbubuntis.

Sikat ngayon sa social media ang mga litrato ng ilan sa ating mga idolo. Ating kilalanin ang mga preggy celeb moms at ang kanilang “baby bump” pictorials ngayong taon!

Georgina Wilson

Nanabik ang lahat nang ianunsyo ni Georgina na siya ay muling magiging mommy matapos nitong ipakita ang kanyang maternity shoot sa Instagram.

Image via Instagram | Georgina Wilson

Andi Eigenmann

Nasorpresa ang lahat sa balita ng pagbubuntis sa isang baby girl ni Andi sa pangalawang pagkakataon nang i-post niya ito sa kanyang Instagram account. Ang kanyang boyfriend na isang champion surfer na si Philmar Alipayo ay excited na sa pagdating ng kanilang magiging anak. 

Image via Instagram | Andi Eigenmann

Rica Peralejo

Matapos makunan nang dalawang beses ni Rica sa magkasunod na taon, masaya niyang ibinahagi sa kanyang Youtube channel ang kanyang pagbubuntis at ang mga pagsubok at tagumpay na kaakibat nito. Si Rica ay ikinasal kay Pastor Joseph Bonifacio at sila’y may isang anak na lalaki. 

Image via Instagram | Rica Peralejo-Bonifacio

 

Saab Magalona

Sikat na sikat sa social media ang baby ni Saab na si Pancho kaya naman lubos ang tuwa ng pamilya at mga tagahanga ng artista nang malamang siya ay muling nagdadalantao. Matatandaang hindi pinalad ang isa sa kambal ni Saab matapos itong ipanganak. 

Image via Instagram | Saab Magalona

 

Fatima Rabago

Buntis din ang isang Spanish model at entrepreneur na si Fatima Rabago. Makikita sa kanyang Instagram ang napakagandang litrato ng kanyang pagbubuntis.

Image via Instagram | Fatima Rabago

Ilan pa sa mga sikat na expectant moms ay sina Chynna Ortaleza, Divine Lee, at soon-to-be Mrs Geoff Eigenmann na si Maya Flores

Happy Mother’s Day sa lahat ng pinakamamahal naming mga nanay!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.