Blaming Game?

11/11/2013 8:59:53 PM
http://getrealphilippines.com/

Hindi ko ma-gets ‘to. Bakit kailangan pang manisi ng kuya natin?

Hindi na bago ang paninisi ni Pangulong Aquiono sa halos alin mang collapse na nagaganap sa bansa sa nakalipas na tatlong taon. Sablay ang pag-predict ang panahon? Sinisi ang PAGASA. Pag may katiwaliang naeexposed, sinisisi ang nakaraang administasyon. Kapag may taong loko-loko sa hanay niya, ni hindi yata magawa ang manisi. Pero kahit sa supernatural na kalamidad na tulad ng Typhoon Yolanda? Sinisisi ang pamahalaan ng Tacloban – yan ay sa kabila ng pagiging maagap naman ng mga gobyerno ng mga komunidad sa paghanda sa naturang bagyo.

Pero bakit kailangan pa niyang manisi? Dahil ba nag-hoard din  sila ng mga relief goods? Nangurakot din ba sila tulad ng ilang mga negosyante at congressman?

Teka, kung ordinaryong bagyo lang ‘to at naging ganyan ang resulta, baka naman maintindihan pa namin ang argument mo. Kung ipinupunto niya ang “command responsibility,” eh ang problema kasi, inaasahan ba ng sinuman na ganito ang magiging kahihinatnan ng Tacloban, at maging ang mga ibang lugar na sinalanta rin ni Yolanda? In the first place, wala naman ‘di ba? Unless kung sobrang ibang-iba ang takbo ng utak mo.
Sabagay, ang unang dapat kasi na reresponde d’yan ay ang mga local na opisyales.

Mapaghahandaan lang ang kalamidad (pang-iwas lang), pero hindi ito garantiya na hindi ka na masisiraan ng bahay at buhay. Siyempre, iba pa rin ang ibayong pag-iingat. Unless kung tulad ka ng mga top secret agent na ligtas na ligtas pa rin kahit anong delubyo pa ang dinaanan sa butas ng karayom. Siguro, yun ang pinupunto ni PNoy, ang “pag-iingat,” sa pamamagitan ng tahasang paghahanda. Puspusan ba.

Pero para sisihin ang Tacloban dahil sa hindi pagiging ganun na kahanda nito? Siguro, opinion niya yun. Pero kung maalala ko ang mga balita ay isa ang mga lungsod ng Tacloban sa mga lugar na naghahanda na rin ukol dito ah. Hindi pa sila ganun ka-prepared?

Isyu raw kasi sa kanya ang “casualty.” Sabagay, ang buhay na nawala ay napakahalaga sa isang bayan. Pero hindi naman kasi ng lahat ng tao ay sumusunod sa kooperasyon ng lokaidad. Siyempre, may mga ganyan na talaga, yung mga matitigas ang ulo sa mata nila. Pero para sisihin pa ang gobyerno dahil dun? Di na yata tama yun. Kalimutan na ang kasabihang “The state shall protect its constituents from (blah blah blah)” para sa mga taong magpapasaway pa. Hindi rin kaya yan ang dahilan kung bakit hindi tayo umaangat bilang isang nasyon?

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.