Blame Yolanda?

1/15/2014 11:18:58 AM

 

Haiyan After Moving Through the Philippines
Haiyan After Moving Through the Philippines (Photo credit: NASA Goddard Photo and Video)

 

Teka, pasensya na ha? Di ko magawa-gawa ang mga unang proyekto ko na dapat ay medyo matagal-tagal ko nang nailabas. Anyway, dito muna ako sa isyung ito.

 Anila, sinisisi ni Pangulong Noynoy Aquino ang Bagyong Yolanda dahil raw sa maraming tao ang naging mahirap ngayon.

Ha? Ano raw? Seryoso ba yan?!

Teka, sisihin ba ang bagyo dahil sa mga naganap na kalamidad?

Sabagay, ilang araw kasi matapos hampasin ni Yolanda ang mga isla at probinsya sa gitnang Pilipinas ay may lumabas na video na “man-made daw diumano” ang bagyo na tulad na lamang ni… well, Yolanda.

Pero sapat na bang dahilan ito para sisihin ng pangulo ang bagyo dahil sa kahirapan?

Teka, ang dami naman talagang naghihirap sa Pilipinas. Sa totoo lang, magmasid ka lamang sa paligid mo eh. Pumunta ka lang sa halos kahit saang lugar as Pilipinas ay makakakita ka na ng sitwasyon na magsasabing “mahirap” sila.

O kung basehan lang naman nila ay ang survey na tulad na lamang ng mga nilalabas ng Pulse Asia at SWS, sapat na ba ang kredibilidad nito para sabihin na mahihirap sila? Sabagay, depende rin yan sa demographic ng mga respondents nito. At kung anu-ano ang mga ito? Pag-aralan mo na lang. Masyadong kumplikado pa para i-explain yan sa inyo (besides, hindi ako si Donya Ina).

Kaya teka lang. Ano bang pinaglalaban ng kuya mo?

Pero teka ulit, alam mo, 11.8 milyong katao raw kasi sa ating bansa ang mga “mahihirap.” Kaya siguro, malaking factor rin ang mga kalamidad para maapektuhan ang pamumuhay ng isang tao. Natural, maapektuhan nito ang pang araw-araw mo. Isipin mo, mawawalan ka ng gamit dahil diyan, o masisiraan. O ng bahay? O di kaya ay mas masaklap… buhay ng mga malalapit sa iyo (siyempre, gagastusan mo rin ang lamay at pagpapalibing d’yan no? Kahit abuloy man lang).

Click here to read the entire article.

Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.