Bisyo Laki sa Hirap Family

(Photo Credit: www.agens1288.com)

Ano nga ba ang kahulugan ng kahirapan sa pangkalahatan?

Maliban sa pare-parehong pagpapakahulugan ng diksyunaryo:

“Kakulangan sa tirahan, pagkain at damit, kawalan ng kakayanang suportahan ang sariling pangangailangan at higit sa lahat, kakulangan sa PERA, datung at saLApi.”

Ang salitang “HIRAP” ay sadyang malawak, malaman at makahulugan, ngunit madaling intindihin kung sumasalamin sa estado ng pamumuhay ng tao. Maraming ganyan saang sulok man ng mundo at lalo na rito sa Pilipinas.

Ngunit hindi ito alintana ng karamihan sa ating mga pinoy pagdating sa salitang “Bisyo”; present ang sugal, droga, alak, computer games at mga hindi importanteng bagay kaysa sa laman ng sikmura.

Mabutas man ang bulsa basta masunod lamang ang kagustuhan ng katawan, kahiligan ng kamay at sulsol ng barkada….. mga mayayabang sa kabila ng kakapusan.

Sa ganitong paraan ba nila tinatakasan ang kahirapan?

Ang responsibilidad na mabuhay sa mundo ng realidad?

Hindi nila alam na sa ganitong paraan nawawasak ang pamumuhay at “pamilya.  Isang malaking pagkakamali.

Bisyo Laki sa Hirap Family

Si tatay na sabungero
Si nanay na sugalero
Si kuyang Dotarero
Si ateng sosyalera (5’6 mode makabili lng ng branded)

Saan pupunta ang ganitong buhay na lamang sa listahan ng mga utang, dahil sa bisyo sila’y alipin?

Kahit sikmura’y hindi na mapansin, masunod lamang ang hilig maliban sa pagkain at karunungan.

Hindi sagot ang sugal upang takasan ang sumpa ng kahirapan. Dahil ang panlaban diyan ay kasipagang magtrabaho, pagtitipid at edukasyon.

Tumayo ka at magbanat ng buto, maging responsableng mamamayan ka ng Pilipinas kahit sa simpleng pag-kakakitaan. Dahil sa bisyo maaaring maging hudyat pa ‘yan ng isang malaking bayaran at lalo ka lamang masasadlak sa kahirapan. Nagrerecycle ka lang kung ganoon.

Ikaw + bisyo  =  hirap x bisyo  =  utang / ikaw = Dusa.

About DF Community

This article was submitted by the author above. All articles posted in this blog are views of their respective authors. All commentaries, letters or opinions submitted by the Definitely Filipino community are presented here unedited, except for formatting and minor typographical corrections.