Birhen

Photo Credit: www. balita.com
Photo Credit: www. balita.com
Photo Credit: www. balita.com

Maraming magaganda at magagaling na artista ngunit ilan lamang talaga ang aking hinangaan. Kabilang sa kanila sina Sharon Cuneta, Bea Alonzo, Judy Ann Santos at Angel Locsin. Ilang ulit na nga ba nila akong napaiyak sa kanilang mga heavy drama. Namula ang mata ko sa luha at nagkasipon ako nang wala sa oras dahil sa kanila. Gayunpaman, hanga ako sa kanila kung pag-arte ang pag-uusapan, ngunit isang bagong artista ang aking sinaluduhan. Baguhan para sa akin dahil ngayon ko pa lamang siya unti-unting nakikilala. Bakit nga ay hindi ko pa narinig ang kaniyang pangalan nang nasa Pinas pa ako.

Siya si Nikki Gil, he he. Tingnan n’yo na lamang sa Wikipedia ang kaniyang biography, hindi naman kasi kabuuan ng kaniyang pagkatao ang tinutumbok ko. Isang bagay lamang na talagang tumatak sa aking isip, iyon bang sinabi niya na “sumunpa siya na maging birhen hangga’t hindi pa siya nag-aasawa.” Swak! Sana maging modelo siya ng mga kabataang babae. Humanga ako sa kaniya dahil doon, kahit na siya ay nasa mundo ng showbiz, nagpapakita ng balat he he(hindi naman lahat) ay sinabi niya na siya ay isang birhen. Binigyan daw kasi siya ng kaniyang ina ng “purity ring” at isinumpa niya na magiging birhen habang dalaga pa.

Ikaw na nagbabasa, ano sa palagay mo? Dapat ba na manatiling birhen ang isang babae? Ibig sabihin ay no to premarital sex. O sige, kunwari ay Ate mo ako o puwede na ring Tita; ayos din kung Nanay he he. Old school ako at ipapayo ko rin na manatiling birhen bago ang gabi ng iyong kasal. Bakit? Basahin po ang mga sumusunod:

1. Makaiiwas ka sa unwanted pregnancy- Ang unwanted pregnancy ay iyong pagbubuntis na hindi napagplanuhan,in other words nadisgrasya. Hey, hindi ako humahatol sa mga naanakan sa pagkadalaga ha, hindi iyan ang paksa natin. Kung ikaw sa iyong sarili ay magdedesisyon na hindi makipagtalik kahit kanino habang ikaw ay dalaga pa. Talagang hindi ka mabubuntis hindi ba? Ang hirap kasi sa magnobyo, nag-iinit ang mga katawan. Kapag minsang napagbigyan ang kapusukan, uulitin at uulitin iyan. Ang kasabihan nga ay “once tasted always wanted.” My Dear Sisters, I want to spare you from the shame that you will go through if you become pregnant out of wedlock. Spare your parents also from the pains and disappointment that they will feel if that happen to you. Mahirap ang mag-anak sa pagkadalaga, mahirap din na mapilitang magpakasal dahil nabuntis ka.

2. Maiiwasan ang Sexually Transmitted Diseases o STD’S- Ang mga sakit na ito gaya ng AIDS, chlamydia, herpes simplex type III,gonorrhea, syphilis at marami pang iba ay mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa taong mayroon nito. Tingnan ninyong mabuti, halimbawa may boyfriend ka,one year na kayo. Napagpasyahan ninyong pumunta sa motel at maglaro ng apoy. Halimbawa na virgin ka, e kumusta ang katalik mo? Ikaw din ba ang una niyang karanasan? Paano kung marami nang nagdaan sa kaniya at isa sa mga naka- sex niya ay may sakit na STD? Mahirap ang ganyang uri ng sakit. Maraming tao na ok lang na sabihin nila sa mundo na sila ay may sakit sa puso, rayuma o kahit TB. Ngunit wala pa akong narinig na tao na inamin na may STD siya. Kung pipiliin mo na maging birhen, wala kang takot na mahawahan ng ganyang mga sakit.

3. Pagsubok iyan sa isang Lalaki- Masusukat mo ang pagmamahal sa iyo ng Boyfriend mo kung ikaw ay igagalang niya. Ang isang tunay na maginoo ay iyong ihaharap ang kaniyang kasintahan sa altar na dalisay. Ngunit, kung ang bf mo, hinihiling ang pagkabirhen mo. Nang hindi mo naibigay ay nagalit at nakipag-break. Samakatwid mababaw ang kaniyang pag-ibig sa iyo. Baka laman mo lang ang gusto niyan.Ang tunay na pag-ibig ay makapaghihintay.

4. Marangal kang makahaharap kahit kanino- I’m not saying na kung hindi ka na virgin ay magiging mahiyain ka na,hindi ganoon ang punto ko. Parang ganito, halimbawa ang ex mo nagkita kayo sa isang party. Hindi ka mahihiya sa kaniya lalo na at hindi kayo nagkaroon ng intimat encounter na humantong sa sex. Kumbaga ay hawak mo ang iyong dignidad, wala siyang maipagmamalaki na kesyo “nakuha ka na niya.” Kahit sa kaninong lalaki, taas -noo kang makatitingin sa kanila dahil isa kang birhen.Hindi ka rin magkakaroon ng pag-aalala o iisipin na baka ipinamamalita ka ng lalaki na pinagbigyan mo ng iyong sarili.

5. Bible-based iyan- The bible condemns adultery and fornication hindi ba? Ang adultery ay kamalian ng mga taong may asawa na na nagkakaroon pa ng illicit affair sa iba. Ang fornication, iyan ay kamalian ng mga single. The bible says no to premarital sex. Mga minamahal na mga Sisters, siguro kung kayo man ay may anak na dalaga. Ipapayo din ninyo na huwag niyang ibibigay ang sarili sa hindi pa asawa hindi ba? Ang mga babae, masasabing talunan tayo kapag ibinigay natin ang ating sarili sa taong hindi natin asawa. Hindi kasi natin alam kung talaga bang pananagutan niya tayo. Paano kung hindi kayo magkatuluyan? Paano mong ipagtatapat iyon sa future husband mo.Gayunpaman sa mga hindi na virgin, may mga lalaki pa rin na nakahandang magmahal at tumanggap sa inyo.

Ito mga kapatid, mga kaibigan at kapwa ko babae. Sana marami pang katulad ni Nikki Gil, pahalagahan natin ang ating pagkababae. Sana marami pa ring babae, maging anuman ang edad, na iingatan ang kaniyang pagiging birhen. Iyan ay maituturing na isang priceless treasure. Ito rin ang pinakamahalagang regalo na maipagkakaloob mo sa iyong magiging asawa.

About shallom

Simpleng tao,sana magustuhan n'yo at may mapulot kayo sa mga akda ko.Masaya na po ako kapag nakikita ang inyong mga komento. Salamat po.