“Binlock”

Sabi ni Papa Jack, “Kapag binlock ka ng taong mahal mo, walang duda mahal na mahal ka niyan.”

Well, I beg to disagree.

Siguro ang ‘nasaktan.’ Pero hindi lahat ng nasasaktan ay ‘pagmamahal’ ang dahilan. Siguro Papa Jack, sobrang ‘nawalan ng respeto’? Respeto k’se kadalasan ang kahuli-hulihan mong kakapitan lalo na kapag konting pagmamahal na lang ang naiiwan. At kapag inabuso pa ang konting-konting pagmamahal na natitira na ‘yun, ‘yung tipong  hindi lang “inubos kundi sinaid pa”, siguro wala ng dahilan para manatili ka pa sa buhay nila.

Hindi na tamang kunsitihin mo ang isang pagkakamali na nagawa sa’yo, dahil lang sa “mahal na mahal mo siya…?” Siguro isang beses, puwede. Maari pang bigyan ng pangalawang pagkakataon lalo na kapag nakita mong sincere naman siya sa paghingi ng tawad sa’yo, pero ‘yung sa pangalawa at pangatlong pagkakataon? Ibang usapan na ‘yan. Abuso na ang tawag diyan. At kapag ang pang-aabuso na ‘yan ay hinayaan mo lang mangyari sa buhay ng walang pag-aalinlangan at pagda-dalawang isip, hay naku, Congratulations, uso pa pala ang martir sa panahon ngayon na samut-sari ng pagbabago ang makikita mo. Baka maihalintulad na ang pagiging martir sa mga Tarsiersendangered na rin.

Pero doon naman sa mga hindi pabor dito. ‘Yung mga kalahi ng ating Bayani na si Andres Bonifacio – matatapang, handang ipaglaban ang tama sa mali, hindi kunsintidor, kayang makita ang sarili na maiwang mag-isa – dahil hindi niya pipiliing pumagitna sa dalawa (Ano ‘yun, tatlo, magkasalo?), sila ang automatic magki-click sa fb settings, tapos makikita doon  sa bandang kaliwa ang “Blocking”, 7th from the top, tapos ‘ayun “BLOCK Users” – Add name or email add lang, tapos ang problema mo.

Binlock mo na siya.

“Nagawa niya minsan, walang dahilan para hindi niya gawin ulit.”

Dapat kaya nating panindigan anuman ang magiging desisyon natin lalo na kung ang ibig sabihin nito’y hiwalayan – as in tuluyang hiwalayan. Hindi yung magsori lang sa’yo, okay ka na. Ayos ka na. Nakalimutan mo na ang ginawa niya. Ang pagtataksil niya. Kung kaya mo pa e-prolong ang agony mo, ang pagpapaka-martir mo, okay, so be it. Walang pumipigil sa’yo.

Pero ako, noong mga panahong  hindi ko na rin kinaya, ‘yung manhid ka na, wala nang maramdaman, ‘yung tipong ang liit-liit na lang ng tingin mo sa sarili mo, at sa takot mo na baka pati ikaw ay tuluyan na ring maglaho, doon ako natutong mag-block. 

Binlock ko rin siya.

At sabi ni Ms. Angelica Panganiban, “Huwag tayong maging SHUNGA.”

Binlock mo na siya.

Binlock ko rin siya.

Huwag na nating abangan ang susunod na panata este kabanata.

(Photo Credit: Papa Jack and Angelica Panganiban quotes)

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.