Binibigyang-halaga pa ba ang virginity sa panahon ngayon?

USAPANG VIRGINITY

RATED SPG:

Bawal sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ay kailangan. Maaaring may maseselang tema, lengwahe, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa mga batang mambabasa. Pero kung makulit ka, ano pang magagawa ko e binabasa mo na? Pilipino nga naman! :))

* * *

Alam kong maselan ang usapin nating ‘to. Pero dahil sa may mga nagrerequest ng ganitong topic. Aba’y sige patulan na natin at ating pag-usapan. 🙂

Ano nga ba ang virginity? Mahalaga pa rin ba sa isang relasyon  ang pagiging birhen ng isang babae o lalaki? Meron pa kayang magkakasintahan na virgin pa? Ikaw, virgin ka pa ba?

Ayon sa diksyunaryong pinauso ko lang, ang virginity ay isang estado na kung saan ang isang tao ay hindi pa nakararanas o wala pang karanasan pagdating sekswal na pagtatalik. Sa madaling salita, kapag hindi pa napapasukan ng kahit sinong junior (na mapa-german frank pa yan, hotdog, sausage or skinless longganisa!)  ang isang babae, virgin ka pa. At vice versa rin sa kalalakihan. Ito rin ay sumisimbolo sa purity o kalinisan ng isang babae o lalaki.

Sabi nga nila, Virginity is the best ‘wedding GIFT’ a man could receive from his wife as his lifetime partner. Pero sa panahon ngayon na binabasura na ng karamihan ang pagiging konserbatibo at nagiging mapupusok na at mas makati pa sa mga higad ang mga kabataan, ginagawa na lang Birthday Gift aka ‘birthday sex,’ Monthsary Gift, Anniversary Gift, Christmas Gift, Valentines Gift, at kung minsan pa nga kahit walang okasyon basta TRIP TRIP lang (lalo na kung malamig lamig ang panahon)! Suweldo na pala ngayon. Meron rin kayang ‘kinsenas’ gift or ‘end-of-the-month’ gift sa mga mag-irog? hmmm..

Sa panahon ngayon, masasabi mo pa ba talaga na importante sa isang relasyon ang virginity? Kung meron man malamang sa alamang, nasa isang hintuturo na lang ng daliri ang kanilang bilang.

Ibang-iba na kasi ang mga kabataan noon sa ngayon. Kung dati kapag mag-aakyat ng ligaw si lalaki sa babae, dadaaanin niya ito sa harana, papadalhan ng mga flowers, tsokolate, love letters at tula, tapos pagsasalukan ng baldeng tubig at magsisibak ng mga kahoy para bumilib sina ermat at ermat.

Ngayon, iba na.

Iba na ngayon sa panahon ng teknolohiya. USAP-KITA-DEAL na ang tema. Hindi na uso ang pagsisibak ng kahoy. Dalaga na ang sinisibak! Ang matindi na, kapag nabuntis, Hit-n-Run ang labas! Kahit ano man ang tanggi natin o pagkukubli sa lipunang ating ginagalawan, hindi natin maitatago na talamak na ang pre-marital sex sa lipunan. Para bang normal na lang ang mga ganitong sitwasyon sa mga magkasintahan na nagmamahalan. Kasing normal ng paglalantad sa pagiging tibo ni Charice.

Ayon sa pag-aaral noong 2011, mahigit kumulang sa 70% na raw ng nasa 13-20 taong gulang na mga kabataang pinoy ay nakaranas na ng premarital sex. Nasa higit kumulang 8% naman ang mga kabataang  nasa relasyon din pero kasalungat sa nauna.

Sa madali’t sabi, sila ang mga Crisostomo’t Maria Clara na ‘di pa rin nila pinupunit ang sedula ng kanilang pagkakonserbatibo at pinakaiingatan hanggang sa sila’y ikasal. At meron ring hindi na virgin si bf/gf, pero pinakaiingat-ingatan pa rin niya ang pagkabirhen ng kanyang kabiyak.

Saludo ako sa mga ganitong kabataan.  ^_^

Habang ang natitirang porsyento naman ay binubuo ng mga single, mga nagdesisyong pumasok sa kumbento, mga NGSB/NBSB at mga forever alone na mga kabataan. Kabilang na dito ang mga kabataang nagtitiyaga na lang aliwin ang sarili sa ibang larangan at sa mga nakikipagromansa pa rin sa ‘Mariang Palad’ na mga kalalakihan. Mas liberal na talaga ang pananaw ng mga kabataan ngayon hinggil sa sex.

Sabi nga nila, kung ang partner mo ay 12 taong gulang pa lang, 85% virgin pa yan. Kung 13 taon gulang pataas, naglalaro sa 84-25% ang tema. Kapag sumapit na ng 16 gulang pataas, 25% at pababa nang pababa ang chance na virgin pa siya.

Kung ikaw naman ay isang nilalang na naghahanap ng 100% virgin, puwede kang pumili sa dalawang option:

(1) Humanap ka na lang sa kumbento

(2) Kung ayaw mong maging pedophilia, hindi na kailangang malaman pa!

At sa lahat ng nasabi kong pag-aaral, lahat ng ‘yan, pauso ko lang.

Sabi nila isa raw sa palatandaan na isang virgin ang isang babae ay ang mismong hymen nila. Ito raw ay isang manipis na membrane na pumapaligid o partially na tumatakip sa pambungad na kepyas ng babae. Kung nakita mo ito sa girl, jackpot ka! Puwede ka nang magpaburger (at samahan mo na lang din ng fries) diyan dahil virgin pa si girl!

Kahit naman sino ay matutuwa dahil maliban sa pagkakaroon ng anak sa labas ay wala nang mas sasaya pa sa mga good news na mababalitaan mo kapag malaman mo na ang minamahal mo ay virgin pa! Pero huwag kang ma-dissapoint naman kung walang ganun si girl. Dahil malay mo pinagtataguan ka lang? O ‘di kaya naman pinagbakasyon lang ‘yun ni girl sa San Francisco! O hindi mo lang talaga alam ang itsura ng hymen? Hindi. Biro lang.

Hindi porke’t walang hymen ang minamahal mo ay ibig sabihin hindi na siya virgin? Hindi. Marami rin kasing mga strenuous activities that can destroy the hymen like biking, ballet, motorcycling, horseback riding, o siya ‘yung binaback-riding, hindi ba? Puwede ring dancer siya at mahilig magsplit-split nang buong maghapon ang lola mo? O ‘di kaya sumasali siya sa mga peryahan or talentado contest na kayang magbukas ng tansan gamit ang flower niya! Huwag ka agad maghusga. Tanong tanong ka rin kasi ‘pag may time! So the best way to know if your GF/BF is still a virgin is to ASK him/her (pero syempre handa rin ang mukha mo sa posibleng magkabilaang sampal o bigwas na sasagot sa tanong mo!).

Aminin man natin o hindi, may mga kalalakihan talagang sobrang disappointed o frustrated kapag nalamang may mas nauna nang buminyag girl. Parang pinagbagsakan ng Colt45 ang mukha nang malaman na hindi na pala virgin ang babaeng pinapangarap niyang pakasalan.

Parang ‘yung feeling na nasingitan kang makapasok sa elevator at iniwan kang nakatayo habang hinihintay ang pagbalik nito mula 30th floor? Yung feeling na tatlong hakbang ka na nga lang sa finish line nang biglang nag-cramps ang mga paa mo kung kaya naman naunahan ka ng mga ungas na nasa likuran mo? Disappointed dahil may mas nauna pa sa ‘yo. Frustrated dahil hindi na birhen ang babaeng pinapangarap mong makasama panghabangbuhay.

‘Di rin natin masisisi ang ganoong kaisipan ng mga kalalakihan, lalo na kung siya ay virgin pa.

Pero ano nga ba ang mawawala sa pagkalalaki mo kung hindi na virgin ang isang minamahal mo?

Kung mahal mo talaga ang isang tao, dapat tanggap mo ang lahat lahat sa kanya, ‘di ba? Ultimong sa pagiging maarte niya, na mala AK-47 ang bibig niya kung magtatalak, mahaba ang baba niya, mukhang o hindi nag-aahit ng kilikili, ay dapat tanggap mo pa rin siya.

Kung ang amoy ammonia niyang hininga natanggap mo, e ‘yun pa kayang wasak niyang hymen di mo pa matanggap-tanggap?

Wala namang masama sa ganyan. Kung mahal ka talaga niya, lilipas din ‘yan at matutunan niya rin niyang tanggapin ‘yan kung gugustuhin niya. Wala na rin naman siya magagawa e, kundi tanggapin ang katotohanang ‘di ka na virgin. Saka pano na lang rin kung after ninyong ikasal malaman mong ‘di na pala siya virgin? Mailuluwa mo pa ba ang mainit na kaning naisubo mo?

‘Di ko rin lubos maisip sa mga lalaki naman na hindi makuntento sa isang babae at nakukuha pang tumuhog ng iba’t-ibang babae. Mga inaanak siguro ng Haring Solomon wala na yatang iba pang sinumpaang tungkulin ang mga ‘yan kundi ‘tumuhog at magparami!’  Labas na dito ang mga Muslim at syempre hindi sa mga nagpapaka-Muslim? May kota ba kayong hinahabol? May trophy ba o medalyang isasakal sa inyo kapag nakatuhog ka ng 5 hanggang pataas na birheng kababaihan at maipagmamalaki mo sa kapwa kalalakihan?

Kung iniisip ninyong sikat ka na sa ginawa mo sa ibang kalalakihan, ang dapat sa ‘yo hampasin ng tropeyong hugis ng ‘ARI NG LALAKI” (ANL) hanggang sa matauhan. Ang dapat sa inyo pinuputulan ng kinabukasan! Wala kayong karapatang magsabi ng ‘sorry, tao lang…” hindi dahil sa gasgas ang linyang ‘to. Binigyan tayo ng Diyos ng pag-iisip para malaman kung anong tama’t mali at hindi para mag-asal hayop tayo!

Naalala ko tuloy nung mga nakaraang buwan habang nakikinig ako sa radyo, naabutan ko ang isang caller na tumawag sa DJ sa isang programa na madalas kong sinusubaybayan gabi-gabi. Nagpakilala ito at kinuwento niya ang nangyari sa kanilang ng bf niya. May nangyari sa kanila ng bf niya. Pero sobrang broken hearted ‘yung girl dahil matapos na may nangyari sa kanila ay nakikipagbreak na sa kanya ang guy. Habang nagkukuwento siya, na sa di ko malaman laman kung naiputan ba ng kamalasan (singlaki siguro ng hollow-block ang ipot), ay sakto pang nakikinig din ng radyo (at sa mismong programa ding yun) ang ermat niya! Anak ng Wild Confession nga naman! Binaba kagad ng girl ang telepono habang binubungangaan siya ng ermat niya! Ayun, matapos binaba ay sinundan ng tawanan. Masakit. Makirot. Mahapdi. Pero walang mas sasakit pa kapag nalaman pa lalo ng magulang mo ang bagay na ‘di dapat malaman!

Sa mga babaeng hanggang ngayon iniiyakan ang virginity nila dahil naibigay nila sa maling tao...

Tahan na. Itigil mo na ‘yan. Kahit ano namang iyak mo, hinding-hindi na maibabalik ang virginity mo. Kahit anong hinanakit mo, hindi na mabubuo ang wasak na hymen. Tapos na at nangyari na ang lahat. Move on, move on din pag may time. ‘Di pa tapos ang kabanata ng buhay mo at lalo na sa pag-ibig. Ipagpaubaya mo na lang sa itaas ang mga taong nanloko sa ‘yo. Kakarmahin din mga yan! Darating din ang tamang lalaki para sa ‘yo at tatanggapin ka. Hindi importante kung kanino ka nauna. Ang mas importante ay kung sino ang magiging huli mo at makakasama mo panghabangbuhay.

Sa mga babaeng still virgin diyan out there, kung ayaw mong magasgasan ang dangal at pagkatao mo, pakaingatan mo.

Kung tunay ka namang lalaki at mahal mo talaga ang babaeng nandiyan sa tabi mo, maging virgin man ito o hindi na, ipapakita mo pa rin na kahit na marami siyang pagkukulang at mga peklat ng nakaraan na nakikita mo sa babaeng mahal mo ay nandiyan ka pa rin para kumpletuhin ang mga pagkukulang na iyon para maging kumpleto’t maganda siya sa paningin mo at sa paligid niya.

Women should be treated nicely at lalo na ang kanilang virginity ay dapat pinakaiingat-ingatan at hindi gagawing sex objects ng mga kalalakihan.  They should deserve all advantages, lalo na sa pag-ibig. Kung may toyo man sila, unawain mo na lang para ‘di na humaba pa ang gulo. Lilipas din ‘yan. Sabi nga nila, pasayahin mo sila at gawin mo ang lahat lahat ng iyong makakaya para maging ‘scar-free’ ang kanyang buhay pag-ibig. Hindi kailanman puwedeng maging sukatan sa pagmamahalan ang virginity. Dahil ang virginity ng taong mahal mo pinakaingatan mo man ‘yan nang matagal ay darating din ang araw na mawawasak at mawawala ‘yan. Pero ang totoong pag-ibig na pinakaingatan mo nang matagal ay tumatagal, sumasaya at sumasarap at panghabang-buhay yan..

Ikaw, kung papipiliin ka. What is the greatest gift a woman can give to a man? Is it her virginity or her heart?  Whatever you choose, don’t take it for granted! 🙂

About JR Garcia

http://nin0ybaltazar09.blogspot.com/ Si Ninoy Baltazar (i. Abril 1991) ay isang kwentista, blogger at video animator. na kasalukuyang nagkukuta ngayon sa lungsod ng Las Piñas. Napakatahimik na batang pinagpala lalo na pag tulog. Isang nature lover na mahilig magkalat sa kalsada. Siya ay isang Katoliko at wala na kong ibang maisip na sasabihin tungkol sakin dito.. Youtube : http://www.youtube.com/user/nin0ybaltazar09