Binaboy Ako Sa Likod Kapalit Ng Aking Kalayaan

crying“If you shout! I will kill you!”

Alice… ito ang tawag ni Amo sa akin. Sa malaking bahay, ako lang ang mag-isa na TAGA nila sa lahat ng gawaing pambahay. Sa araw-araw ko na pakikipagsapalaran na ang tanging kong kasama ay dasal; na sana ay maging mabilis ang paglipas ng araw at buwan at taon.

Isa ako sa mga hindi pinalad na  DH na OFW, dito sa Gitnang Silangan; na akala ko dito sa bansang ito ay makakamit ko ang aking mga pangarap para sa pamilya ko. Pero, mapaglaro si Tadhana! Dahil isa ako sa maraming kababaihan na dumaan sa isang masaklap na karanasan dito sa banyagang lupa.

Sa bawat sigaw ni Madam, halos humiwalay ang espirito ko sa aking katawan; sigaw na kaya kong tiisin sa aking tainga! Pero, ang mga titig ni Sir? Naku, sindak sa pagkatao ko! Halos lunukin akong buhay sa mala-demonyong titig nito.

“Panginoon, h’wag mo po akong pababayaan!”

Minsan, nang ako’y naglilinis ng mga upuan ay biglang may sumakmal sa aking puwitan! At sa labis kong pagkabigla ay bigla akong napasigaw ng “UMANG KA! BUANG! BASTOS!” sabay lingon.

Ngisi ng isang demonyo ang nakita ko, at kasabay ng paglagay ng kanyang daliri sa kanyang makapal na labi ay: “SSSSHHHHH!”

Kaba at takot lumukob sa akin; tibok ng puso ko ay halos talo ang dagundong ng kulog.

At kamalasan nga naman, dahil biglang umalis si Madam at diumano’y  isang linggo itong mawawala sa bahay.  Naiwan akong mag-isa kasama ang hudas kong Sir. Mga malalaking mata na titig na titig sa akin habang nagpapaalam ang kanyang asawa.

11:45 pm, habang patulog na sana ako, bigla akong tinawag, ngunit hindi ako sumagot.  Agad itong kumatok sa pinto ko; dama ko na ang takot! Isang tulak sa pinto ko at agad akong sinunggaban ng halimaw niyang katawan. Nanlaban ako! Pero, hindi ko kaya ang lakas ng dambuhala na hawak ang payatot kong katawan! Isang demonyo na pinadapa ako sa higaan habang ang mukha ko ay nakasubsob sa unan! Kulang na lang ay mapugtuan ako ng hininga! Parang baliw ang hayop sa pag-angkin, hindi sa pagkababae ko, kundi sa isang parte ng likod ko! Sa bawat sigaw ko, sa bawat pagmakaawa, ay tila wala itong pandinig. Nakaraos ang hudas! Iniwan akong parang patay! Likod ko ay hindi maigalaw sa sobrang sakit ng aking katawan at ang tanging nagbigkas ko, sabay sa pagpatak ng aking luha;

“Mamatay ka na sana! Hayop! Hudas ka!”

Sumigaw man ako, ibuhos ko man ang boses ko, walang sino man ang makaririnig sa akin. Naging bilanggo ako sa kuwarto ko, aabutan ng pagkain at patalikod na paggahasa sa araw man o gabi! Isang linggo akong nagdusa sa kamay ng hayop, at sa huling paggamit n’ya sa akin sa likod ay isang hikbi at mga patak ng luha na walang tigil na sana pakinggan n’ya ang pagmamakaawa ko.

“Please Sir, I’m begging you! Please send me back to Philippines! I will not tell anyone! Take my body, just give me my freedom to go home!  I have a husband and four children, Sir! Please, please!”

Isang malakas na sampal at hila sa aking buhok, at walang awa akong hinalay nang paulit-ulit sa likod! Isang malakas na sigaw dahil sa sobrang sakit: “TAMAAAAAA NAAAAAA!” Sigaw ng pagmamakaawa, sigaw ng isang misis na humihingi ng saklolo sa kanyang mister, sigaw ng isang ina para sa kanyang mga anak na sana muli pa niyang makita at mayakap, sigaw ng isang OFW na biktima ng isang karahasan dito sa banyagang lupa.

Ang lupaypay kong katawan, bantay-sarado ang kilos sa buong bahay.  Sa bawat punas ko sa mamahaling kagamitan nila ay panay ang pag-agos ng aking luha.

Pagkalipas ng dalawang araw mula nang dumating ang aking Madam, isang papel ang iniabot sa akin at nang mabasa ko ito, ang PLANE TICKET ko! Ito na ang bayad sa pambababoy n’ya sa likod ko, binigay ang aking kalayaan!  Makalalaya na ako sa poder ng  manyak na nilalang.

January 2011; nabunutan ako ng tinik nang muli kong maiapak ang aking paa sa NAIA!  Akala ko ay panaginip lang, pero nang makita ko ang limang tao na kumakaway sa akin, napahagulgol na ako ng iyak!  Hanggang sa nadama ko na ang yakap at mainit na halik ng aking mga anak at mister.

“Ma, na-miss ka namin, sobra! Pati si Papa.”

Hindi ko napigil ang aking sarili; walang tigil ang iyakan, hindi ko alintana na marami ang mga tao. Ang alam ko lang, “I’m Home!”

Pinagmasdan ko ang aking mister at isang matamis na halik ang binigay n’ya, ngunit isip ko ay naaawa;

“Kung alam mo lang, Pang, ang aking dinanas! Kung alam mo lang sana!”

Ngayon, eto na ako sa bagong buhay, hindi bilang DH kundi isang tindera ng mga gulay sa lugar namin. Ang minsa’y mapait kong karanasan ay nanatiling lihim sa pamilya ko. Isang bakas ng masalimuot na pakikibaka na kahit kailan ay hindi ko na muling iaapak ang aking mga paa sa dayuhang bansa. Tama na ang minsang karanasan na iyon, salamat sa Diyos at nakauwi pa rin akong buhay sa mag-ama ko.

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)