Bigyan Sila ng Pang-Unawa

Don't Judge: (Photo credit: spirituallythinking.blogspot.com)
Don’t Judge: (Photo credit: spirituallythinking.blogspot)

“HUWAG HUSGAHAN ANG IYONG KAPWA.”

Huwag maging mapanghusga sa gawain ng iba. Bagkus, unawain mo at pakiramdaman ang kanilang mga ginagawa.  Kung ayaw mong maging katulad nila, huwag mo silang tularan.  Kung hindi mo sila kayang tanggapin, huwag mo silang pansinin. Kung wala kang masabing maganda para sa yong kapwa, mas mainam na tumahimik ka na lamang at huwag mong sayangin ang iyong oras at laway para sa kanila.  Kung ayaw mong usigin at gambalain ng iyong konsensya, huwag kang sumunod sa yapak nila upang tahakin ang landas na kanilang tinahak.

Naniniwala ako na lahat ng mga pangyayari ay may dahilan.  Lahat ng mga bagay sa mundong ito ay may kaakibat na rason kung bakit ang isang tao ay nasasadlak sa kahirapan.Lahat ng tanong ay may sagot at lahat ng dahilan ay may paraan upang mabigyang-linaw, ang mga bagay-bagay na kadalasang ating nakikita sa ating kapaligiran.

Ang isang kriminal na nakakulong at nahusgahan ng pagnanakaw o pagpatay sa kanyang kapwa.  Sapat bang dahilan upang husgahan agad? Kamumuhian o pandidirian na para bang may nakahahawang sakit?  Alam kong talamak sa ating lipunan ang mga krimen at unti-unti nang nasisira ang dating mundong mapayapa; ngayon ay nababalot na ng dilim.  At makararamdam ka na ng takot sa iyong kaligtasan dahil sa kaliwa’t kanang mga pangyayari na kadalasang napapanood natin sa telebisyon.

Ang mga snatcher sa lansangan na basta na lamang hahabliutin ang kung ano man iyong hawak, nagbabakasali na may makukuha silang pera upang matugunan ang kalam ng sikmura.  Ayokong manghusga sa mga tulad nila dahil mas pinag-uukulan ko ng panahon ang aking sarili, upang sa ganun ay hindi ako maging biktima ng mga tulad nila.  Dahil ayoko rin namang maging biktima kaya’t alam ko sa aking sarili na kailanman ay hindi ako tutulad sa kanila.  Bagkus nilalawakan ko ang aking isipan upang unawain ang mga katulad nila.  Pag-unawa na walang kaakibat na pagkukunsinti.  Pagtanggap na kahit pa  mali ang kanilang gawain, alam ko sa aking sarili hindi sapat na husgahan sila.  Dahil lahat tayo ay nilikha ng Diyos, lahat tayo ay may karapatan na mabuhay sa mundo.

Naniniwala ako na walang nilikha ang Diyos na masamang tao.  Lahat ng nilalang na nilikha ng Diyos ay may puso na marunong magmahal.  Kaya’t alam kong ang mga kriminal, magnanakaw, mga taong nang-aagrabyado sa kanilang kapwa ay hindi dating masamang tao. Kung bakit sila nasadlak sa ganyang gawain, marahil ay may matinding dahilan, kung bakit nila pinasok ang mundo ng kadiliman.

”KAPIT SA PATALIM” ang kadalasang dahilan kung bakit sila nakagagawa ng krimen. Sanhi ng kahirapan sa buhay at impluwensiya ng droga na unti-unting sumisira sa tamang pag-iisip ng normal na tao ang isa sa mga dahilan kung bakit ang tao ay nakagagawa ng hindi maganda.

Naniniwala ako na ang droga ang nagiging dahilan kaya dumadami ang mga kriminal sa ating lipunan.  At dahil sa mga kriminal na ito, iba’t ibang krimen ang kanilang nagagawa.  Nang dahil sa bawal na gamot, maraming pusher ang yumayaman at user na nasisira ang buhay. Nakalulungkot lang isipin na hanggang ngayon ay hindi parin natitigil ang mga ganitong gawain.

Sana mapuksa na ang mga kriminal upang mabigyan sila ng pagkakataong magbago nang sa gayon ay wala nang dapat pang HUSGAHAN at mawala na rin ang mga taong MAPANGHUSGA. At nang sa ganon, ang mga taong binansagang salot sa lipunan ay magkaroon na ng puwang sa mundo at matatawag na ring isang matinong tao na makapaglalakad nang taas noo at makakamit na rin ang RESPETO.

About mjsweetiecarreon

My writings are filled with angst. Deep emotions and a wild imagination are a source of creativity. It is powerful and consuming. I like to entertain people through my stories. Life is one colorful rollercoaster ride . http://www.facebook.com/maryjoy.carreon.9