“Bes, Kumusta na ang Lovelife mo?”

Imahe mula sa Spot.ph

Minsan, hindi mo rin mapigilang itanong sa sarili mo ang ganito: “Kailan kaya ulit ako magkaka-lovelife?”

Truth is, naiisip mo lang ‘yan kasi feeling mo, nag-iisa ka. Napi-pressure sa mga friends at relatives mo na para bang sila pa ang mas concern sa estado ng buhay pag-ibig mo, kaysa sa ‘yo. At higit sa lahat, feeling mo tumatanda ka na, kaya para bang requirement na sa ‘yo ang magka-lovelife bago mabura sa kalendaryo ang edad mo.

Do you really have to worry about it na para bang nagiging big deal na sa ‘yo? Of course not!

Marami ang gaya mo sa mundo ang SINGLE. Marami din sa kanila ang masaya pa rin kahit bokya ang kanilang lovelife. Iniisip kasi nila na kahit sila na lang sa magkakaibigan, magpipinsan o magkakakilala ang single, happy pa rin sila. They’re happy for so many reasons and they still get the love that they need from the people na totoong nagmamahal at nagpapahalaga sa kanila.

Hindi naman kasi sa pagkakaroon lang ng bonggang lovelife mahahanap ang tunay na magpapaligaya sa ‘yo. Hindi rin ito basehan para i-justify sa iba na hindi ka talaga panget o wala kang magandang katangian para walang magkagusto sa ‘yo. At kahit isipin pa ng iba na baka mataas ang standards mo sa pagpili ng magiging partner, who cares? Hindi mo dapat patulan o isipin ang anumang sinasabi o iniisip ng iba sa ‘yo.

Dahil ang totoo, ikaw lang ang nakaaalam kung bakit hanggang ngayon ay single ka pa rin.

Ikaw lang ang makasasagot sa paulit-ulit na tanong ng mga kaibigan mo na gaya ng: “Bes, kumusta na ang lovelife mo?”

Minsan, nakaririndi na rin ang ganitong tanong. Nakakawala na rin ng gana kung minsan na mag-explain and all that. Kasi, kahit anong paliwanag mo, kokonti lang talaga ang totoong naniniwala sa mga sagot mo.

Gayunpaman, life must go on. Single ka man ng mahabang panahon, for sure, darating din ang araw na magkaka-lovelife ka rin. Darating din ‘ika nga ‘yong moment mo to shine. Malay mo, sa susunod na ikaw naman ang makahanap ng bagong inspirasyon, ay siya na pala ang poreber mo.

At ang mas matindi, sa ‘yo na rin manggagaling ang mga katagang: “Bes, kumusta na ang lovelife mo?’

Bawi-bawi lang ‘yan!

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!