Bentesingko


Panahon na siguro upang harapin natin ang hinaharap. Hindi ko sinsabing kalimutan ang EDSA Revolution, ito’y alalahanin. Ngunit huwag tayong mabuhay sa nakaraan. Sa tuwing anibersaryo ay ginugunita natin kung gaano katiwakal at kalugmok ang Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Marcos pero dapat rin nating isipin kung naging mas maayos ba ang buhay natin at ang takbo ng gobyerno ngayon, kumpara sa nakaraang dalawampu’t limang taon.

Mas maraming kurakot na opisyal at mas nalulugmok ang Pilipinas sa putik korupsyon. Ang hamon ngayon sa administrasyon at sa mga darating pang mamumuno sa bansa at sa ating mga mamamayan ay patunayan na ang estado ng pamumuhay, ang kalagayan ng ekonomiya at ang kalinisan ng mukha ng gobyerno ngayon ay mas kaaya-aya kumpara noon.

Ano ang iyong kuro-kuro? ibahigi mo.

2 Comments

  1. Maraming salamat po sa paglaan ng panahon. Sa totoo lang po hindi pa po ako naisisilang noong panahon nila Marcos at ng EDSA, sa aking pananaw po ngayon kung mag-oobserba po tayo ay kitang kita ang pagkalugmok ng ating bayan. Para po sa akin ay hindi pa ganung ka kumplikado ang pamumuhay at ang gobyerno noong mga panahon na iyon kumpara sa pamumuhay natin ngayon.

Leave a Reply

Your email address will not be published.