Because You Loved Me…

Alam kong ang mga Pinoy ay likas na romantiko at malamang alam ninyo ang lyrics ng kanta ni Celine Dion…

“You were my strength when I was weak
You were my voice when I couldn’t speak
You were my eyes when I couldn’t see
You saw the best there was in me
Lifted me up when I couldn’t reach
You gave me faith ’coz you believed
I’m everything I am
Because you loved me….. “

Ang sarap ma-in love, hindi ba?? 

Actually ang kanta ring ito ang theme song naming mag-asawa…Every lyrics of this song was perfectly inked for us…sa inyo…at sa lahat ng taong in-love….

Bawat pag-ibig, masaklap, matamis, madrama at lahat ng uri ng relasyon ay may katapat na theme song..

May mga times pa nga na kapag broken-hearted ka, lahat ng sad songs perfect para sa ‘yo at nakakarelate sa bawat lyrics na isinulat ng composer..At siyempre, ganun din naman kung ang isang tao ay sobrang in-love..

How I met my husband?

Sa maniwala kayo at sa hindi, we met online, parang “You’ve got Mail” na pelikula, ika nga. Hindi ko na sasabihin ang detalye =) Halos 15 years na rin kaming kasal at binayayaan ng isang gwapo at mabait na anak na lalaki.

Hindi naging madali ang naging simula ng aming buhay mag-asawa subalit di ba’t ganun naman talaga? Totoong pagmamahalan ang tanging naging sandigan naming mag-asawa upang malampasan namin ang kahit ano pang bagyo na dumaan sa aming relasyon. Maaring di pa ganoon katagal ang aming pagsasama, ano ba naman ang 15 years…pero sa makabagong panahon ngayon, sa lifestyle ng makabagong henerasyon ngayon, 15 years is already an achievement.

Aaminin kong mas higit ang pagbibigay na ginagawa ng aking kabiyak, dala na rin ng pagiging workaholic at career woman ko. Ang asawa ko ang nagpupuno ng lahat ng pagkukulang ko di lamang sa kanya, kundi lalo na sa anak namin.

Maraming klase ng paghihiwalay ang ating nababasa, naririnig o maaring ikaw na nagbabasa ng blog ko ay isa sa mga taong dumaranas nito…Kapag ang asawa mo ay nalulong sa ibang tao at naghanap ng pagmamahal sa iba, wag mong iisiping SYA lamang ang may PAGKAKAMALI.. Remember, IT ALWAYS TAKES TWO TO TANGO.

Respeto, tiwala, pag-ibig…at higit sa lahat GOD at the center of every relationship..Sabi nga lahat tayo may Direct line kay BRO…kaya dapat lang na tawagan natin sya anytime…And he is ready to answer all our calls.

Another main “spice” of a strong relationship is the intimacy between couple..Hindi porket mag-asawa na kayo, dun na natatapos ang lahat.. Marriage maybe considered the finish line from being single but this is also the beginning of a new chapter in your life..Being married to the one you love is one of the best things that could happen to anyone…But in keeping the “flame”, marami sa mga PILIPINO ngayon ang may malaking X sa aspetong ito…

A husband should never get tired of  courting the wife everyday and vice versa…. Sweet nothings like flowers, note stick on the fridge, saying I love You..small gifts, phone call kahit kanina lang kayo naghiwalay…taking your wife to a special dinner date…giving compliments everyday as soon as she wakes up in the morning, saying “you’re beautiful”…at napakarami pang iba…ang mahalaga, maiparamdam natin sa ating mga asawa ang kanyang kahalagahan sa ating buhay…

Sa kaso naman ng mga babae, we should take care of ourselves too..Hindi porket asawa mo na at ikaw ang pinakasalan…ang lalaki lamang ang may obligasyon sa relasyon… Understand na parehong may obligasyon ang mag-asawa sa isat-isa, subalit “obligasyon” mo ding pangalagaan ang iyong sarili, di lamang para sa ‘yong asawa kundi para na rin sa iyong sarili. Unfortunately, marami sa mga kababaihan ang nagiging “pabaya” sa kanyang pangangatawan after marriage or pregnancy..like I said you owe it yourself at ganun na rin sa iyong asawa..Stay beautiful in and out…

TRUE LOVE never dies…but to keep it, we must take care of it…=))

Hanggang sa muli.

Ms. J