Baybayin – Ang Pagsulong ng Primitibong Pagsulat sa Modernong Panahon

Baybayin “aka” Alibata – Isang sistema ng sinaunang

 pagsulat na ginamit ng mga katutubong Pilipino.

Marahil huli na kami nang mabalitaan namin ang tungkol sa Baybayin. Kakatapos lang ng buwan ng Wika nang mapukaw ang atensyon namin tungkol dito. Ano nga ba ang baybayin? At bakit madami ang nagsusulong nito kahit na sa modernong panahon?

Ang baybayin o mas kilala sa tawag na Alibata ay ginagamit na ng mga sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Espanyol. Subalit unti-unti itong nakalimutan dahil sa impluwensya ng mga dayuhan at pagpapakila ng Roman Alphabet. Sa ngayon, karaniwan na lang natin itong makikita sa mga mahilig magpatatoo o kaya naman sa mga panakanakang pelikula o programa sa telebisyon na tumatalakay sa pamumuhay at kultura ng ating mga ninuno.

      Ngunit sa isang banda, marami pa ring mga tao at mga organisasyon ang nagsusulong upang mapalawig at mabuhay ang ganitong sistema ng pagsulat. Isa na rito ang Taklobo Baybayin Inc at www.baybayin.comIsa sila sa mga organisasyong gumagawa ng paraan upang maibalik at mapag-aralang muli ang Baybayin. Isa itong magandang adhikain upang mapalawig pa ang ating kaalaman tungkol sa ating mga ninuno. Isa rin itong hakbang upang mapakilala sa mundo ang sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino pagdating sa pagsulat.

~Mas malalim na pananaw ng team lagapak
(lagapakdotcom.blogspot.com)

     Tama! Mas magandang mamulat tayo sa sariling atin. Nabalitaan din namin na may naipasa ng batas para maisulong ang paggamit ng Baybayin. Willing kaming mag-aral at magsimula from the scratch kung sakaling maipasa ito. Kung nagtataka kayo kung bakit hanggang ngayon ay may mga taong gustong mapakilala ang sistemang ito, narito ang isang simpleng logic.
   Country  –  Writing System
   Japan – Katakana, Hiragana at Kanji
   Korea – Hangul.
   Muslim Countries – may sariling arabic script
   Pilipinas- Jejemon
Hindi bat mas maganda kung ganito
   Country  –  Writing System
   Japan – Katakana, Hiragana at Kanji
   Korea – Hangul.
   Muslim Countries – may sariling arabic script
   Pilipinas- Baybayin (Alibata)
Ikaw anong pipiliin mo?
-team lagapak
lagapakdotcom.blogspot.com

About lagapak.com

Official blog - lagapakdotcom.blogspot.com ...Mababait po kami...