Bayanihan Noon. Ano Na Ngayon?

8/27/2013 11:35:38 AM
http://www.guttenberg.org/files/6867/6867-h/im...
http://www.guttenberg.org/files/6867/6867-h/img/b155.jpg (Photo credit: Wikipedia)

Salamat sa Studio 23 para sa isang napapanhong TVC sa kabila ng martsa ng karamihan ukol sa pork barrel. Napanood ko ‘to habang nakatuned in sa aking lumang paboritong sitcom nun.

Kahapon ay araw ng mga bayani. Kaso, maliban sa “ano naman ngayon ?” ay paano kaya kung buhay pa ngayon ang mga bayani na nakikita lang natin sa dating palabas ng ABS-CBN na “Bayani,” at mga aklat ng Kasaysayan, o HEKASI, o Sibika at Kultura?

Naalala ko nga ang isa sa mga pinakaunang episode ng interstitial na Word Of The Lourd na tungkol naman sa sampung propesyon ni Jose Rizal kung nabubuhay siya ngayon.

Pero paano nga ba kung buhay pa siya ngayon? Isa ba siyang makata na kaya pang higitan ang mga nobela na may kinalaman sa katiwalian sa lipunan? O bebenta ba ito sa kapanahunan ng mga pocketbook,at mga akda nila Dan Brown, Paolo Coelho, at ultimo yung mga nagsusulat mula sa Wattpad?

Medical profession siguro siya. Dahil doctor siya e. At malamang marami siyang clinic sa mga ospital dito. Kaso wag lang sana malakas maningil tulad ng iba d’yan.

E ung mga nagsulat sa mga lathalaan na tulad ng La Solidaridad? Yung mga tulad ba nila Graciano Loepez Jaena at Marcelo H. Del Pilar ba? Either maging political blogger o isang lehitimong journalist. Halos may pagkakahalintulad sila ni Rizal. Yun nga lang, itong mga ‘to ay sa malamang na dadaigin pa ang mga tirador sa mga pahayagan at blog sites. Lalo na’t usong-uso pa rin sa ngayon ang mga haling na bituka na sa katauhan ng mga kontrabida sa mga nobela ni Rizal.

E kung sila Bonifacio kaya, pati si Apolinario Mabini, Emilio Jacinto, ang buong Katipunan? Dalawang hanay lang yan – militar o makakaliwa. Pareho silang may matitinding alab at may kakayahan para magsagawa ng rebolusyon. Kahit dumanak pa ang dugo, basta para sa bayan. Military kasi maari sila maging kabilang sa sandatahang magtatanggol sa mga kawatan at mananakop na kapitbahay. At pwede ring rebelled dahil sa tinutuligsa nila ang kamalian sa pamahalaan.

Si Emilio Aguinaldo kaya? Baka politican pa rin. Pwede ring presidente. O baka tulad din sa mga Katipunero at iba pang mga rebolusyonaryo na tulad nila Lapu-Lapu, Diego SIlang, at Francisco Dagohoy.

E kung si Balagtas kaya? Makata sa malamang. At sinasabi na ang mga rap battle tulad ng FlipTop at Sunugan ay maihahanay sa “modernong balagtasan” (bagay naman na pinagdududahan ko sa totoo lang din). Okay, siguro modernong balagtasan kasi bago ang istilo ng pagbabato ng mga talinhaga, o skill. Pero sa totoo lang, matuturing na misconception yan kung ganyan ang paniniwalaan sa mga rap battle.

Pero matuturing na makata siya. Baka nga siya lang ang mananatiling sikat kahit sobrang klasiko na ng kanyang pagbibitaw ng mga salita.

Pero anu-ano nga ba ang mga bayani sa ating lipunan ngayon?

Click here to read more of the article.
Author: slickmaster | © 2013 september twenty-eight productions
Enhanced by Zemanta