Bato-bato Sa langit, Ang Matamaan…..Nakakarelate!

(BABALA: Bato-bato sa langit, ang matamaan, nakakarelate! Ha-ha.)

Gaano katindi ang love? Isipin mo, nagagawa nitong mapaghintay ang mainiping tao, masaktan ang manhid, maging sweet ang bitter, mapalambot ang matigas ang puso, mapatawa ang isang malungkot, gawing corny ang mga seryoso, mapatino ang mga basagulero, mapatawa ang mga suplado….at higit sa lahat…gawing tanga ang isang matalinong tao.

Lecheng Pag-Ibig yan !

Ayokong ma-in love…kasi sabi ni nanay, pag na-inlove ako… masisira raw ang kinabukasan ko. Kaya simula noong bata pa ako, itinanim ko sa utak ko na bawal ma-in love. Pero iba nga talaga kapag puso na ang nagdikta. Magiging sunud-sunuran ka. Mapapako lahat ng pinangako mo sa sarili mo, masusuway lahat ng batas na ginawa mo, mabubura sa isip mo ang pananaw na pinanghahawakan mo….in-short…mawawalaka sa sarili mo, friend.

Kung inaakala mong malakas ka, at kayang mong pigilan ang sarili mo sa mga bagay na ayaw mong mangyari, pagdating sa love, magugulat ka na lang at magiging alipin ka ng puso mo. Ganoon kalupet ma-inlove. Napakasarap na feeling…..pero pagkatapos mong maramdaman iyon, siguradong isusumpa mo na ang salitang Love….kasi, lahat may kapalit.

Kapag dumating sa puntong nasaktan ka, iyon ang pinaka-malupet sa lahat. Dahil hindi mo na ulit papangaraping ma-inlove ulit. Isang bagay na ayaw na ng isip mo…ngunit patuloy namang umaasa ang puso mo ng kapalit.

Una sa lahat, nababadtrip akong makakita ng dalawang mag-syota na naglalandian. Holding hands, may pabulong-bulong-giggle effect, nagsusubuan, at marami pang iba. Hindi dahil bitter ako dahil wala akong syota, pero naman, bakit pa ganoon sila ka showy? Bakit kailangang ipakita sa publiko?

Ang sarap nilang sigawan ng : “Hoy! Mag-check in na nga lang kayo!”

Nakakaasar. I’m really against public display of affection. Pero inuulit ko…Hindi ako bitter. Sabi nila tatanda raw akong dalaga, dahil monster ako at man-hater. Duh, puwes hindi ako natatakot tumanda nang walang kasama. Monster daw ako dahil masama lagi ang tingin ko sa mga magsyotang nakakasabay ko sa jeep na naghaharutan. Kung may batas lang na ipakulong lahat ng naglalandian, siguro ang dami ng napatawan ng death penalty.

Well, iyon ang opinion ko nung una….pero may isa akong kaibigan na nagkuwento ng kaniyang miserable love life. Well, kaibigan ko yun kaya kahit naririndi ako sa kuwento nya, nakikinig pa rin ako. I suddenly got curious. Napakatalino at napakadisente niyang babae, pero nabiktima siya ng malupit na hagupit ni Pag-ibig?

Then I realized, hindi pala talaga mapipigilan ang pag-ibig. Hindi ko inakalang mapapabilang siya sa dumaraming populasyon ng mga broken hearted sa Pilipinas. At umabot pa sa puntong muntik na siyang mapabilang sa mortality rate. Buti na lang at napigilan….kundi….goodbye Philippines and Good bye world na.

Kaya kung ako ang masusunod, dapat maging mapanuri, mapagmatiyag, at huwag mapangahas (Matanglawin?!) tayo pagdating sa pag-ibig. Hindi lahat ng lalaki ay kasing bait at kasing buti ng iniisip mo, hindi lahat ng lalaking darating sa ‘yo ay siya na ang Prince Charming mo (agad-agad?!). Looks can be damn deceiving! Dapat protektahan natin ang puso natin dahil sa mga taong walang pakialam sa nararamdaman nating mga kababaihan.

Huwag kang mawalan ng pag-asa o mag-inarteng magpakamatay na lamang dahil broken hearted ka. Bulok na ang style na yan. Okay lang masaktan, friend. Minsan kasi kailangan ituro ng mundo sa ‘yo ang tama sa paraang masasaktan ka. Para tigilan mo na ang mali at malaman mo ang pagkakaiba ng dapat sa hindi dapat!

About StormChaser

The sun is scientifically considered as the ultimate source of light and energy. Even when darkness comes, it still gives its glories to the moon to light up our paths. If there is no sun, I bet sadness and blues will reign in the world. Why? Because the sun doesn’t just give light to the humankind, it also gives happiness and hope to whoever stares at this wonderful creation. When a person says that he reflects himself like a sun, he may be a source of radiant warmth and glory to the people surrounding him. In my case, I can say as a daughter that I am the sun of my parents, because I am their spring of laughter and happiness. I always see to it that whenever something is bothering them, I am in the way to make them feel better by calming them up and cracking up jokes on them. A good laugh is sunshine in the house. It’s a simple way to make them realize that everything’s going to be alright. As a friend, when it is dark, I will always carry the sun in my hand for you. The moment you’ll feel that the world is against you, and you’ll get confused on which path to choose, just believe in me, I will be there to light up your track and will willingly be your guide to realization. I’ll never get tired of rising even when the time comes that you’ll get weary of being under the sun. I’ll never get tired of praying that all the ill-fate days are rubbed away from your life and may you get sunshine and rainbows in your life, my friend. As a child of God, I believe that God values me like the great sun. I have confidence that I am also one of the wonderful creations of God. Like the sun that shines through the sky, my love for him is worthy and sound. In life, it’s true that you can’t please everybody. I may be like the sun to others that irritates their eyes whenever they throw a glimpse, but I have that confidence that God created me to become one of the sky’s beauties. And even though sometimes I fail and that causes me to go down, similar to the sun, I plan in hand and rise again. Imagine how magnificent the sun is! You really must see the true sun in you, feel the promise of tomorrow and begin spreading the glow of the rays of the great sun in the lives of others.