Bangayan Online

(Photo Credit: youtube)
(Photo Credit:  youtube)
(Photo Credit: youtube)

Likas sa ating mga pilipino ang mapagmasid sa kapwa; maging positibo man ito o negatibo.

Sa modernong panahon na ginagalawan natin sa kasalukuyan, kanya-kanyang paraan ng pakikipagkomunikasyon online at isa na rito ang pinaka-popular ngayon –  ang Facebook.

Marami pang iba na kung saan malaya tayong ipahayag ang nararamdaman natin online, subalit dapat ay handa tayo sa mga komento na maaari nating marinig,  mapanegatibo man ito o positibo.

Malaya tayong sabihin ang ating saloobin nang hindi nakakasakit ng kapwa. Hindi naman kailangang magmura o mag-away ng katakot-takot para lamang maipahayag ang gusto nating sabihin. Bawat isa ay may kanya-kanyang pag-iisip; nasa tao na iyon kung paano mo tatanggapin ang kanyang sinabi; kung ikaw ay sadyang mainitin at makitid ang utak, aba’y mas maganda kung manahimik ka na lang.

Huwag ka nang sumali kaysa atakihin ka sa puso at baka maihagis mo pa ang laptop o mobile mo; sayang naman.

Nakalulungkot lang isipin at nakatatawa na ring basahin ang bawat bangayan na madalas nating mabasa online…

Mga naglipanang hayop sa balat ng lupa. haha… Nagsusumpaan na. May humihiling na sana mamatay ka na…

Diyos ko naman, mga ate at kuya, hinay-hinay lang; kalma lang.  Mahirap na, ang blood pressure, baka tumaas, mahal ang gamot.

Maging maingat tayo sa bawat salitang binibitiwan natin. Hindi porke’t galit tayo ay may karapatan na tayong sabihin ano man ang naisin natin.

Tao ang kausap natin, hindi bato; may pakiramdam.

Sabi nga, kung walang magandang sasabihin, sana’y manahimik na lang.

Isa nga raw sa pinakamagandang sagot sa taong galit ay ang ating mga ngiti. Suklian mo ang kanyang galit ng ngiti. Ewan ko lang kung hindi siya lalong magagalit. Problema na niya na iyon. hahaha.

Basta ikaw ay iwas gulo, hindi ito kabawasan sa iyong pagkatao. Bagkus, ipinapakita mo na ikaw ay edukadong tao at may respeto sa kapwa at higit sa lahat, sa iyong sarili.

Sa pagpatol kanino man, sa pakikipag-away, ano ang mapapala natin? Simple lang naman; ito ay ang galit na binibigay natin sa ating kapwa na maaaring magdulot ng karamdaman sa ating katawan.

Kaya always stay cool!

About Sally

I am a simple and quiet person who loves to write my thoughts...