Balik-Tanaw: Nagustuhan Mo Ba ang Porma at mga Kanta ng BON JOVI Noong 90’s?


Noong bumili ng bagong celphone ang kumpare ko sa Saudi ay nagpatulong siya sa akin sa pagpapalagay ng mga mobile applications. Samahan ko na rin daw ng videos. At siyempre, hindi mawawala ang mga mp3s para puwedeng gawing walkaman ang gadget niya kapag walang magawa sa villa o sa trabaho.

P’re, meron ka bang Duran Duran? Ah oo, meron ako ng “Greatest Hits” nila.

Meron ka rin bang Spandau Ballet? Meron din akong “The Best” nila. Paborito ko ang mga songs nilang “Gold” at “True”.

Sabi ko na nga ba at ikaw ang dapat kong lapitan basta rock eh. Lagyan mo na rin ng BON JOVI.

Parang gumuho ang mundo ko sa pagiging rakista. Oo nga pala, rocker ako kaya malamang ay paborito ko rin ang paboritong banda ng mga noong panahon ko!!

Kung iniisip mong pinaarte ko ang name ng banda nila para sa entry na ito, nagkakamali ka dahil hindi ganyan ang way ng pag-spell ko sa pangalan ng grupo nila noong Dekada NoBenta kundi BUNJOOBI!! Actually, early eighties (1983) nang mabuo ang combo nila frontman John Francis Bongiovi Jr. a.k.a. Jon Bon Jovi, guitarist Richie Sambora at tatlo pa nilang kasama na ngayon ko lang nakilala thanks to pareng Wiki – Tico Torres, David Bryan, at Alec John Such. Hindi ko binalak alamin ang history nila pero alam kong isa sila sa mga prominent acts noong eighties at kasama sila sa mga bandang gumagamit ng spraynet para maging kaparehas ng buhok nila ang buhok ni Tina Turner. Kasama rin sila sa mga bandang may costume na matitingkad ang kulay at may choreography ang pagtugtog sa stage. Siguro naman ay alam ng mga batang nineties ang mga bandang kasama ng BJ (ang sagwa ng initials!) tulad ng Def Leppard, Warrant, Posion, Cinderella, at Skid Row. Ganun sila katindi noong panahon nila!

Ang malufet lang sa kanila ay nabuhay pa rin ang BJ sa panahon ng idol kong si Kurt Cobain. Maihahambing sa time nila Karen Carpenter nang sumulpot sila sa panahon ng classic rock. Maingay na ang grunge pero patuloy pa rin ang hair group (tingnan mo ‘yung balahibo sa dibdib ni Jon, parang kapatid niya si Sergio ng Marimar) sa kanilang mga pop rock formula. Bago nila i-release ang comeback album noong 1992 ay may mga nauna na silang mga major albums tulad ng “Slippery When Wet (August 1986)” na nagpasikat sa mga kantang “You Give Love a Bad Name“, “Livin’ on a Prayer“, “Wanted Dead or Alive“, at siyempre, ang “Never Say Goodbye”. Sa kanila rin ang album na “New Jersey (September 1988)” na nagpasikat naman sa mga kantang “I’ll Be There for You” at “Bad Medicine“.

Naaalala ko ang barkada naming si Venz na idol na idol ang kamukha niyang si BJ. Pinanood pa namin ang Young Guns II na pelikula ni Emilio Estevez dahil sa kantang “Blaze of Glory” at cameo appearance ng kanyang idol!

Ang title ng kanilang album na inilabas noong panahon ng grunge ay “Keep the Faith (November 1992)“. Ito lang naman ang nagpasikat sa walang kamatayan at walang kakupas-kupas na anthem ng mga desperadong mahihilig kumanta pero wala namang hilig sa kanila ang videoke…..”Bed of Roses“. Dito rin nanggaling mga mga singles na “Keep the Faith” at “In These Arms“. Peyborit ito ng klasmeyt kong si Mia – nalalaglag talaga ang panty niya kapag nakikita niyang humahawak na ng mic si Jon BJ para kumanta! Madalas kaming mag-asaran dahil sa mga pang-jologs na mga kanta ng pinakaayokong banda during that time.

Hindi ko na matandaan kung kailan nag-concert sa Pinas ang BJ pero napanood ko sa teevee ‘yung flash report nang nagka-riot sa venue dahil puro jologs ang nanood sa Rizal Stadium. Ang pagkakaalam ko nga, parang hindi lang dapat isang gabi yung concert, parang two o three nights yata. Although sa mga fanatics ay the best time of their lives na makita ang kanilang demigods, hindi ito pasok sa list ko ng 90’s Best Gigs

CLICK HERE TO CONTINUE READING “BAKIT HATE KO SI BONGIOVI

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.