Balik-Tanaw: Naaalala Mo Pa Ba ang 1994 Manila Film Festival Fiasco?

1994 MFF Scandal b

“Isa kang Batang 90’s kung alam mo ang istorya sa likod ng ‘Take it! Take it’ ng 1994 MFF Awards.”

Likas na sa ating mga Pinoy na subaybayan sa teevee ang gabi ng parangal kapag may nagaganap na pista ng mga pelikula. Ang “Araw ng Maynila” ay ipinagdiriwang tuwing June 24 at isa sa mga ipinagyayabang nito ay ang Manila Film Festival kung kailan mga pelikulang Pinoy lang ang ipinapalabas sa mga sinehan ng kabisera ng Pilipinas.

Maganda ang layunin ng nasabing kapistahan ngunit ito ay nabahiran ng katiwalian matapos magkaroon ng “envelop switching” sa pagpapahayag ng mga nanalo para sa mga kategoryang “Best Actor” and “Best Actress”. Tinagurian na ito sa kasaysayan bilang “1994 MMF Scandal” o “MMF Fiasco”.

Sa Manila Ramada Hotel, June 22, 1994, naganap ang gabi ng pagkilala DAPAT sa mga pinakamagagaling.

Nang banggitin ng mga presenters na sina Ruffa Gutierrez at Nanette Medved ang pangalan ni Gabby Concepcion na nanalo bilang “best actor” para sa pelikulang “Loretta” ay dali-daling nilapitan ng mga tauhan ng Sycip Gorres Velayo (SGV) & Co. si Atty Esperidion Laxa upang sabihin na mali ang naging pahayag at ang tunay na nanalo ay si Edu Manzano para sa pelikulang “Zacarias”. Hindi nagawang umakyat sa entablado ni Atty. Laxa upang pigilan si Gabby sa kanyang nakahandang talumpati. Hinanap nalang ng abogado ang noo’y Manila Mayor na si Alfredo Lim upang ipagbigay-alam ang nangyari. Kapansin-pansin ang kasiyahan ni Ruffa na nakitang napatalon pa sa galak.

Aakyat na sana ang alkalde at abogado sa entablado ngunit naunahan nanaman sila ng happy moment ni Ruffa matapos na ipahayag ni Viveka Babajee na siya ang nanalo nilang “best actress” sa pelikula kung saan katambal niya si Gabby. Kasama ni Miss Mauritius si Gretchen Barretto at Rocky Gutierrez, ang nakababatang kapatid ni Ruffa, bilang mga presenters. Ang totoo, si Aiko Melendez ang tunay na nanalo para sa pelikulang “Maalaala Mo Kaya“.

Para sa mga manonood, walang mali sa nangyari pero para kay Gretchen, isang pandaraya ang naganap. Siya ang nagsilbing whistle blower sa kinasangkutan ng dalawang anak ni Lolit Solis. Ayon kay Greta, kitang-kita ng kanyang dalawang mga mata niya na ang nanalong nakasulat sa envelope ay si Aiko. Putok na putok ang kontrobersiyang ito matapos mabuko makalipas ang ilang araw. Lahat ng mga diyaryo, mga istasyon ng radyo, at mga programang showbis sa teevee ay ang balitang ito ang laman. Dito nauso ang pamosong linya ni Viveka, ang “Take it, take it!” na sinasambit niya habang inaabot ang sobre kay Rocky. Ilang beses ding ipinapakita sa teevee ang reaksyon ng mukha ni Gretchen sa mismong pangyayari…

CLICK HERE TO CONTINUE READING

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 34-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, Paul & Xander, and Frontispiece 2.0.