Balik-Tanaw: Ano ang Opinyon Mo sa Kaso ng Vizconde Massacre?


THIS ENTRY WAS ORIGINALLY POSTED ON DECEMBER 15, 201o

Kung may (Kurt) Cobain ang tugtugan scene noong Dekada NoBenta, meron namang Vizconde ang mga naganap na massacres sa Pilipinas. Taena, ‘di ko alam kung nako-connect ang comparison pero alam kong ganun katunog ang apelyido ng huli noong kapanahunan namin. Kung nabanggit ko sa nakaraan kong entry na synonymous ang Bobbit sa “putol-etits”, naging synonymous naman ang Vizconde sa rape at massacre.

Taena, walang TFC at PinoyTV dito sa lupain ng mga tsekwa kaya naman nagulat ako kanina nang mabasa ang breaking news sa Yahoo! na naabswelto na si Hubert Webb at ang mga kasama niyang akusado sa Vizconde Massacre. Ang malufet nito, kasabay pang nabasura ng korte ang akusasyon ni hot chikabebeng si Katrina Halili laban kay Hayden Kho! Okay, makikisawsaw ako ng bahagya sa trending na searches sa Yahoo!,Google, at sa blogosphere.

Alam kong mabibilaukan na kayo sa mga dokyu at iba pang babasahing lalabas kaugnay sa pangyayaring ito kaya naman hindi ko na babalikan ang istorya nila. Tanging mga alaala nalang ng kahapon ang aking ibabahagi sa inyo. Nadyan naman si pareng Wiki para magbigay ng ilang impormasyon sa mga gusto nating malaman.

Hubert Webb. Kapatid ni tukayong Jason na isang star player ng UAAP. Tandang-tanda ko pa ang itinataas na banner na may nakasulat na “Rape Me” kapag nagpi-free throw siya. Isa ako sa mga nakikisigaw sa crowd ng “Vizconde, Vizconde!” para dagain ang kanyang dibdib nang sa ganun ay di makalamang ang kanilang eskuwelahan laban sa aming mga Growling Tigers!

Jessica Alfaro. Ang malufet na star of the night, este, star witness pala. Nakanamputs. Siya na yata ang nagpauso ng shades during court trials. Mahilig siya sigurong makinig sa U2 kaya nakuha niya ang style ni Bono. Naaalala ko tuloy si Katrina Halili noong pumunta sa NBI para akusahan ni Dok. Alice Dixson, nice simiilarities para gumanap sa nilangaw na pelikula na hango kay Ms. Alfaro.

Ang tagal-tagal ng naging hatol ng korte. Ang daming naubos na pera ng nakakaawang si Mr. Lauro Vizconde sa mga abogado niya laban sa side ng mga suspects.

Kung maraming naubos na pera ang ama at asawa ng mga biktima, ibahin niyo si Direk Carlo J. Caparas, isang National Artist (daw) dahil malaki ang kinita niya sa pagkatay kay Kris Aquino sa pelikulang “The Vizconde Massacre: God Help Us!”. Ano na kaya ang nararamdaman ni Direk ngayong napalaya na ang grupo ng mga true-to-life kontrabida sa pelikula niya? Sa dami ng mga massacre movies na ginawa niya, minsan ay sumagi sa isip ko na baka maraming gumawa ng mga karumal-dumal na krimen noon dahil sa gusto ng ibang tao na maisa-pelikula ang mga katarantaduhan nila…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “ABSENCE OF EVIDENCE, EVIDENCE OF ABSENCE

 

PAHABOL:

Masaya ko pong ipinakikilala ang kapatid ng NoBenta:

NOONG AKO AY BATA PA…

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 32-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, The Wonder Twins, and Frontispiece 2.0.