
Tuwing Lunes, noong ako ay nag-aaral pa sa Mababang Paaralan ng Kampo Crame, hindi puwedeng mahuli sa pagpasok dahil ito ay ang araw ng Flag Ceremony. Kaya naman maaga kaming ginigising ni ermats para maaga ring makaalis ng bahay. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw naming mahuli tuwing unang araw ng linggo ay ayaw naming pumila sa linya ng mga “late-comers” kasama ang mga estudyante galing sa iba’t-ibang sections. Bukod sa sermon ng mga guro namin, malaki ang posibilidad na maiiwan kayo para parusahan – magwalis ng mga tuyong dahon, magtapon ng basura, at kung anu-ano pang mga bagay na ayaw gawin ng mga bata.
Maaga akong pumasok sa iskul kaya nga mdalas akong mabigyan ng ribbon na “Most Punctual” noon. Ikaw ba naman ang mauna pa kay manong guard (na janitor na rin) para buksan ang gate, ewan ko nalang kung hindi ka pa magka-award! Ako lagi ang nauuna sa tambayan naming bench na malapit sa fish pond kaya alam ko kung sino ang mga wala pa sa tropa at kung sino ang mga late. Kapag nagdatingan naman na sila ay kanya-kanya munang kuwentuhan tungkol sa napanood kagabi, yabangan ng mga bagong laruan, at bidahan ng mga bagong corny jokes.
Kapag pumunta na ang mga advisers ng bawat section sa quadrangle, hudyat na iyon na magsisimula na ang flag ceremony kaya magpupuntahan na ang bawa’t isa sa mga naka-assign na puwesto. Kada section ay dalawang pila; hiwalay ang pila ng mga lalaki sa pila ng mga babae. Ang ayoko lang sa pagpila ay ang instruction na “according to height”. Eh bansot ako noon (hanggang ngayon pa rin naman) kaya lagi akong nasa harapan. Sa totoo lang, hindi lang naman ako ang maliit sa klase namin dahil magkasing-tangkad (oo, pakiramdam din naming matangkad kami dahil sa Star Margarine) kami ng klasmeyt kong si Leandro Galvez. Pareho naming ayaw umamin na maliit kami kaya napagkasunduan nalang namin na palitan kami sa harap kada Monday. Kung bakit kasi hindi nalang “according to surname” – sa apelyido kong Quitiquit, siguradong nasa bandang likod ako!
“Arms forward….arms sideward!“, tiger-scream ng mga ma-epal na bumibidang estudyante ng bawat section bago simulan ang ceremony. Dapat ay straight ang line. Mapapagalitan ka kung tumabingi ito dahil sa kagagawan mo. Naiisip ko lang noon, hindi naman pantay ang mga braso namin pero tuwid pa rin ang pila.
Kailangang wala ka na ring mga borloloy sa katawan bago magsimula ang pagtaas ng bandila. Bawal ang mga bags. Bawal ang mga pamaypay. At lalong bawal na bawal ang mga sambalilo sa ulo.
Kapag okay na ang lahat ay pupunta naman na ang gurong naka-assign mag-lead sa flagpole area. Nakaharap ang lahat ng pila sa kanya at kailangang sundin mo ang pagkumpas ng mga kamay niya sa time signature na 4/4 para maawit ng maayos ang “Bayang Magiliw”, este “Lupang Hinirang” pala. Hindi puwedeng mabilis, hindi rin puwedeng mabagal. Lagot kayo sa mga teachers niyo (lalo na sa M.A.P.E.) kapag nasintunado at nawala sa tiyempo ang pagkanta nito. Minsan kapag tinatamad ang mga guro namin ng madalas, namimili siya ng magaling sa Music para kumumpas sa harap. Kadalasan, mga babae o binabae ang napagti-tripan…
CLICK HERE TO CONTINUE READING “…AYOKONG MAHULI SA FLAG CEREMONY“
JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 33-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a frustrated blogger and former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, Noong Ako ay Bata Pa…, The Wonder Twins, and Frontispiece 2.0.
excuse po sa mga maseselan..may clasmate po ako noon na na-dumi sa pila habang flag ceremony.. 😀
i remember singing the national anthem infront of everyone in our school while having a really bad cough.. i was like.. bayang magiliw then *cough* hahahaha
mula elementary hanggang high school,lagi akong nasa unahan kapag flag ceremony.according to height ang linya eh:-)..yan experience ko nuon kapag flag ceremony
matagal flag ceremony samin kc nagcoconcert pa ung prince epal namin dati eh. Lagi nyang kinakanta ung kanta ng bayan namin, ala naman sa tono.
Inaant0k while singing lupang hinirang with matching hikab hehe ~yawn..
sa skul namin,pg late dna makakapas0k ng gate.mag antay ka sa labas.absent sa 1st subject agad
When I was in lower grade school sa MinapasukCalatrava, Negros Occidental, every morning we always start with flag ceremony with all the student in semi circle formation singing the Phippine national anthem with the musIic teacher a
sa macabalo caloocan nagpapahuli ako kasi sobrang haba ng ceremony biruin mo lupang hinirang, bagong lipunan, panatang makabayan, at iba pa (70’s kasi martial law hehe’)
ayoko ng nag eexercise nakakahiya nakkita ako ng crush ko hihihih
hmm..ang alam ko lang dati nung elementary pa ako, pagkatapos ng flag ceremony eh yung exercise routines with matching music bago pumasok uli sa klase..
Ako’y nagtaka bakit mey mga classmates ako na hindi nag saludo( right hand on our breast) sa watawat. Sa bandang huli nalaman ko rin dahil sa kanilang relegion pala.
hmm..ano nga ba? naalala ko na mas iniintindi ko pa kung straight yung kamay ko kesa sa pagsabi ng Panata hahaha
Ung praise and worship after ng flag cerem0ny..
nung elementary ako..madalas isa ako sa tatlong tagalagay at tagataas ng flag pag flag ceremony 😀
ako nman, ng lead ako ng Panatang Makabayan pero nong patapos n sana, nakalimutan ko ung susunod n linya 😀
lagi akong late.
ay natatandaan ko yan..first seperate ang boys and girls( kasi magugulo ang boys!) tapos from smallest to tallest (lagi ako sa harap lol ) tapos arms forward..tapos yun leader sya ang lagi taga check nya kung straight ang line.. 🙂
nakikipag pantero sa mga students officers kasi late naman ako.
I miss the Philippines.. And my previous school. 🙁 Weird they don’t do things like that here. We just stand and some people sing while other people just listen and move around. -.- I wanna gooo back.
wala akong masyadong natatandaan kasi pumapasok lng ako pag malapit ng matapos ang unang subject… late queen!
Ung ppunta ka ng flag ceremony tapos solve ka na sa isang plastic na sopas o champorado o kaya spanish bread.
lageng late.
I never got to memorize the Panatang Makabayan!
Nsa unahan aq lge! Im the smallest of all! Lol
nung nsa elementary pa lng aq lagi aq pinapagalitan ng teacher q ….
d q kc kabisado ung kanta ee !